VOODOO QUEEN OF NEW ORLEANS

203 82 0
                                    

Si Marie Katherine Laveau ay binansagang 'The Voodoo of New Orleans'.

Isinalang si Marie Katherine Laveau sa New Orleans noong September 10, 1801.

Malaya at hindi alipin ang kaniyang mga magulang.

Naging asawa niya si Jack Sparrey noong 1819 at ikinasal sila sa St. Louie Cathedral.

Dalawa ang naging anak ni Marie pero parehong namatay sa murang gulang.

Hindi nagtagal at namatay rin ang asawa ni Marie noong mid-1820's.

Naging ka live-in niya rin si Loiue Christophe Dominick Duminy de Glapion at nagkaroon sila ng pitong anak.

Dalawa lamang sa kaniyang mga anak ang nabuhay sa panahon ng Great Yellow Fever Epidemics noong 1853.

Nagtrabaho si Marie bilang nurse at spiritual leader o healer.

Noong 1857, naging shoe maker siya pero sa panahing iyon ay pinagsusupetsahan na siya bilang voodoo practitioner.

Ayon nga sa ilang pahayagan, naging Voodoo Queen of New Orleans na siya sa loob ng 40 years mula 1820's hanggang 1860's at ng umayaw na raw siya ay pinalitan naman siya ng kaniyang anak na babae na si Marie Laveau II.

Noong nasa anak na niya ang pamumuno sa misteryosong voodoo practice, pumasok si Marie sa Catholic Church at buong katapatang nanilbihan sa simbahan.

Namatay siya noong June 15, 1888. Ang newspapers ay patuloy na naliwanagan sa kaniya noon kaya sa mga obitualist, may tumawag sa kaniya bilang santo meron ding bilang witch.

Ngayon ay may kwento pa rin kung paano siya nagsasagawa noon ng voodoo rituals gaya ng pagsasayaw sa harap ng ulupong, nangunguna sa pagliligo ng dugo na may kinulam siyang dalawang taong gobyerno.

Sa kaniya rin isinisisi noon ang kamatayan ng isang lutenant governor ngunit may nainiwala na hindi siya tao.

Tinagurian siyang feminist, spiritualist, revolutionary activist at isang Icon of Many New Causes kaya inaalala siya sa pagiging makatao at mapagkawanggawa na ginamit ng kaniyang kaalaman sa panggagamot para sa kapwa tao.

Ang kaniyang voodoo practice daw ay isang extension ng catholic pratices at inaalala siya sa pakikitungo sa kapwa na may justice at pagmamahal bilang Queen of Voodoo.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon