COTARD'S DELUSION

150 46 1
                                    

Ang sakit na Cotard's Delusion ay nagbibigay ng impresyon sa isabg tao na siya ay patay na.

Tinawag itong Cotard's Delusion dahil noong 1883, ang French Doctor na si Jules Cotard ay nagsaliksik ukol sa sakit na ito.

Very rare ang disease na ito at mahigit sa 100 pa lamang ang naidodokumento na may ganito.

Ang may sakit na Cotard's Delusion ay nakakapag-interact naman sa mundo pero akala talaga nila ay patay na sila.

Ang mga may ganitong karamdaman ay palaging nag-iisip na magpapakamatay na lamang sila, ang iba ay palaging depressed at hindi mapakali sa buhay.

Samantalang ang iba, iniisip nila na sila ay imortal.

Ang delusion na ito ay nahahaluan din mismo ng schizopherenia kaya nahihirapan pa ang mga dalubhasa kung paano tutukuyin ng deretso ang eksaktong kalagayan ng pasiyenteng may Cotard's Delusion.

Hindi pa nila ang alam kung ano ang tunay na ugat ng sakit na ito at hindi raw madaling ma-detect kung may ganito nga ang isang tao.

Sa ngayon, theraphy muna at anti-depressant pills ang paraan ng panggagamot mula sa taong may ganitong kundisyon.

Ang makabagong tawag sa sakit na ito ay 'walking corpse syndrome'.

Ang isa sa sumikat na pasiyente na may sakit na ganito ay si Mademoiselle X na palaging nagsasabi na wala siyang utak at bituka kaya hindi na siya kumakain dahil wala naman daw bitukang paglalagyan ng pagkain at kalaunan, siya ay namatay sa pagkagutom.

Ang isa pang pasyente na kilalang may walking corpse syndrome ay pinangalanang Graham, sa loob ng 9 taon, inakala ni Graham na wala siyang ulo kaya hindi na siya lumalabas ng bahay dahil wala naman daw siyang mukhang maihaharap sa mga tao.

Ang paliwanag ng neurologist na si Steven Lorey sa kaniyang pag-aaral sa utak ni Graham na kaniya itong na-scan, meron ngang mga abnormalities na nagaganap sa kaniyang utak.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon