GLITCH IN THE MATRIX

495 194 2
                                    

Ano ang Glitch in the Matrix?
- ang glitch in the matrix ay kapag may nangyaring kakaiba o hindi maipaliwanag na karanasan na nangyari. Ito ang uri ng bagay na bibigyan ka ng kahina-hinalang pangyayari na parang may mali sa mundong ginagalawan mo. Kaisa na rito ang coincidence, makaranas ng deja vu, premonition o mga kasindak-sindak na karanasan.

GLITCH IN THE MATRIX ENCOUNTERS

1. Off-duty ng isang EMT at nagmamaneho siya pauwi. Papalapit na ang bagyo ng maraanan niya ang isang Mercedes na naka-park malapit sa barricade at nakabukas ang ilaw sa unahan nito. Napahinto siya at naglakad papalapit rito, sa pamamagitan ng ilaw sa likod ng sasakyan niya, malaya niyang nakikita ang laman ng Mercedes. Mayroong mga tao sa loob, sa bandang backseat ay may parang natutulog, napaisip siya na baka lasing lang ang mga ito kaya ganon. Pero ang napukaw ng kaniyang atensyon, ang lalaking nakaupo sa driver's seat. Ni hindi ito pumipikit, ni gumalaw na kahit tinatapik niya ang bintana sa tabi nito ay hindi ito rumeresponde. Dahil sa kinikilabutan na siya, bumalik siya sa sasakyan niya at pumunta sa sheriff's station. Hiningi sa kaniya kung ano ang plate number, pero ng bumalik sila kung nasaan ang Mercedes, may dumating na malaking truck kaya naharangan ito kaya hinintay nilang makalagpas ang truck. Nang makalagpas ang truck, nawala ang kotse. May mga puno at barricade na sa paligid nito. Nagtaka ng labis ang lalaki kung paano nawala ang sasakyang iyon at ang misteryong nakasakay sa loob. Lahat sila ay nawala na parang bula.

2. Ilang taon na ang nakalipas, nagtatrabaho ako sa isang tindahan, pero ang trabaho ko ay tumatayo sa labasan na may kasamang billboard para maka-pansin ng customers. Isang araw, ng nakatayo ako sa sulok sa sidewalk, may nakita akong van na papunta diretso sa akin. May tumalsik pa sa aking parte ng van at tinamaan ako nito. Naramdaman ko iyon sa pamamagitan ng kuryente galing sa traffic lights. Nakakita ako ng liwanag ng mamatay ang traffic lights at nagdilim ang paligid ko pagkatapos. Napabalikwas ako at hingal na hingal na tumayo at napansin kong nasa sulok pa rin ako sa sidewalk pero parang walang nangyari. Walang van, walang aksidente, wala lagat. Nanginig ako dahil sa nangyayari ngayon. Napagdesisyunan kong bumalik sa loob ng store para makapag-brake muna. Pagkamukat-mukat ko, nakarinig ako ng malakas na bangga sa bandang likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko anh van na may nakadagan na traffic lights na may kasamang kuryente. Nakakita ako ng liwanag ng mamatay ang traffic lights. Wala akong masabi, nagpahinga na lang ako buong araw.

3. Nagda-drive ako papunta sa isang tunnel at ng makarating ako sa dulo nito, may nakita akong nakakapangilabot na halos magkandarapa akong makaalis sa lugar na iyon. Meron kasing limang sasakyan na nakaparada sa gitna ng daanan. Yung iba nakabaligtad pa. Ang nasa isip ko, may kahindik-hindik na aksidenteng naganap pero napansin kong walang katao-tao sa sa paligid. Walang tao sa mga sasakyan...walang mga police...walang fire trucks...wala ring ambulansiya...at tow trucks...WALA. Nang napag-alaman ko kung anong nangyayari, kaagad kong inapakan ng accelerator at pinaharurot ang sadakyan papaalis sa lugar na iyon. Pero may napansin ako bago ako makaalis, may nakaupo doon sa isa sa mga sasakyan. Nangilabot ako ng husto simula noon at ang sabi ng iba nakaranas ako ng glitch in the matrix. Tiningan ko rin ang balita pagkatapos noon pero walang report na kahit anong aksidente sa lugar.

4. 7 years old ako noon, naaksidente ang papa ko. Maraming na-injure sa katawan niya at na-coma pa ng 2 linggo. Sa mga oras na iyon, nakikita ko siya minsan sa bahay namin na naglilibot at mukhang naguguluhan. Sa tuwing makikita ko siya, sinasabi ko yun sa mama ko pero ang ang lagi niyang sinasabi, imahinasyon ko lang iyon. Nang maka-recover na si papa at nakagising mula sa coma, sinabi ni mama sa kaniya yung nakikita ko. Tahimik lang siyang nakikinig. Sinabi niya na lumabas muna ako ng kwarto para makapag-usap silang dalawa ni. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan nila. Makalipas ang ilang taon, 18 years old na ako, binunyag na rin sa wakas ang sikreto na tinatago nila sa akin noon. Ang sabi sa akin ni papa, ayaw niya akong matakot, pero nung habang na-coma siya, naaalala niya na naglilibit siya sa loob ng bahay at nagtataka kung bakit walang kalaman-laman sa loob. Ang sabi pa niya, nakikita niya akong nakatayo doon at nakatingin sa kaniya. Kinikilabutan pa rin ako kapag naiisip ko iyon.

5. Nangyari ito ilang taon na ang nakalipas. Isang umaga nagising ako, nag-usap kami ng gf ko ng French. Umalis ako ng kama at pumunta sa banyo para magshower. Habang binubuksan ko yung tubig, may naalala ako. Hindi kami marunong mag-French. Bumalik ako sa kwarto at tinanong siya tungkol doon. Naalala niya yung naging pag-uusap namin pero maging siya naguguluhan din. Hindi ko masasabi sa inyo ang pinag-usapan namin dahil di ako marunong mag-French.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon