7TH BARN

354 177 0
                                    

Ang kwentong ito ay isang urban legend tungkol sa nakakatakot na barn sa Ohio na pinaniniwalaang doon naganap ang kagimbal-gimbal na pagpatay sa isang buong pamilya.

Merong isang mayamang magsasaka na nagmamay-ari ng maraming lupain sa Ohio.

Nagpapatayo siya ng panibagong barn sa tuwing nanganganak ang kaniyang asawa.

Pinapangalanan niya ang mga barns base rin sa pangalan ng kaniyang mga anak at hanggang sa lumipas, naging anim na ang kaniyang anak.

Inaabangan niyang ito ay may kasunod pa.

Kalaunan, ang asawa niya ay namatay sa panganganak.

Sa kasamaang palad, namatay din ang bata.

Ang lalaki ay nawalan ng bait dahil sa pagkawala ng kaniyang asawa at anak.

Dahil sa pagkalugmok, unti unting nalugi ang kaniyang negosyo hanggang sa mawalan siya ng pera at tuluyang naging miserable.

Ang sabi, isang gabi, dahil sa dami ng kaniyang problema at kawalan ng pag-asa, kumuga ang lalaki ng palakol at isa isang pinatay ang kaniyang mga anak sa loob mismo ng barn malapit sa kanilang bahay.

Sinunog niya ang mga katawan sa anim na barn kung saan niya pinangalanan ang mga anak niya.

Pagkatapos, pumunta ito sa 7th barn at doon naman siya nagpatiwakal.

Sa mga lumipas na araw, lahat ng barn ay naitalang nabenta na maliban sa pangpito.

Walang may gustong bumili ng lupa dahil sa nangyari doon ilang taon ang ang nakaraan kaya ito ay nanatiling abandonado.

Ang sabi pa, kapag pumunta ka sa 7th barn ay makikita mo ang multo ng lalaki na nakabigti sa loob at ang katawan nito at nagduduyan dahil sa malamig na hangin.

Walang may nakakaalam kung saan talaga nakaposisyon ang 7th barn kahit na ito ay nakalocate lang sa Ohio.

Ang sabi ng iba, ito ay nasa Cuyanoga Valley at ang sabi ng iba ito ay nasa Top O, The World in Northampton.

Taong 1997, isang gurong residente sa Ohio ang nakapagsabi na pagkatapos ng mahaba mahaba niyang pagresearch, sa wakas ay nalaman niya ang tunay na lokasyon ng popular na 7th barn.

Ang mga lupain ay nahati lang pala at nabenta habang ang mga barns naman ay nasama lamang sa kalapit na sakahan.

Ayon pa sa guro, natukoy niya ang tamang lokasyon sa pamamagitan ng mga nameplate na nakaukit sa itaas ng pintuan ng bawat barns.

Isang gabi, pumunta ang guro at ang kaniyang anak sa 7th barn para ito ay bisitahin.

Dala dala ang kanilang video camera at umaasang may makukuhang mga larawan at makaranas ng paranormal activities sa loob.

Kinabukasan, na ireport ng asawa ng guro na ang kaniyang mag ina ay nawawala.

Natagpuan ng mga pulis ang ginamit nilang sasakyan sa kalapit daan.

Habang sila ay naghahanap, pumasok sila sa loob ng 7th barn at doon nakita nila ang patay na katawan ng guro at ng kaniyang anak na nakabigti sa kisame.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon