DOPPELGANGER

611 215 6
                                    

Ano ang Doppelganger?
-Ito ay ang misteryo at dobleng katauhan ng isang tao. Ito ay galing sa German word na ang ibig sabihin ay "double walker" o "double goer". Ang doppelganger ay hindi lang kahawig mo, kundi nakukuha rin nito ang eksaktong katawan mo, kung paano ka maglakad, mag-react, sa pananalita at maging sa pananamit. Kung sinuman ang makaka-enkwentro ng doppelganger mo ay iisipin na ikaw nga ang taong iyon, at mapapaisip ka na lang kung ano ang sinasabi nila na nakita ka raw sa ibang katayuan kahit na hindi naman ikaw iyon.


DOPPELGANGER ENCOUNTERS:

- Itong kasindak-sindak na kuwento ay nangyari noong 15 years old ako. Laging nasa kwarto ko ang lola ko para maglinis. (85 yrs. old) Ayaw niya ng marumi, gusto niya laging malinis. Isang araw, pagdating ko sa bahay,nakita ko siya sa kwarto ko na nakatingin sa closet ko. Hindi siya gumagalaw at parang nasa kalagitnaan pa siya ng paglilinis ng closet. Tinanong ko siya kung okay lang ba siya pero dinedma niya lang ako at patuloy siya sa pagtingin sa closet.

Maya-maya, pinilig niya ng dahan dahan ang ulo niya kung saan ako nakatayo at binigyan ako ng nalakalamig na tingin. Nagngangalit ang kaniyang mga mata. Kinilabutan ako sa nakita ko. Hindi iyon ang tingin ng lola ko sa isip isip ko. Inalis niya ang tingin sa akin at sinarado ang pinto sa kwarto ko.

Pero ng pumunta ako sa pinto wala na siya doon. Nawala siya na parang bula! Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Narinig ko na sumigaw ang lola ko. "Nandito ako sa kusina! Handa na ang hapunan!" Tumakbo ako papuntang kusina at nakita ko siyang nakatayo doon at nagluluto. Tinanong ko siya kung nandon lang ba siya maghapon. "Oo, kanina pa." at tumawa siya. Wala siyang kaalam alam kung anong nangyari kanina sa kwarto ko.

Ano yung nakita ko sa kwarto noong araw na iyon? Wala pa rin akong ideya.

- Isang umaga, nakatulog ako sa kwarto ko ng magising ako dahil sa sigaw ng kapatid ko galing sa baba at tinatanong kung anong ginagawa ko. Umalis ako sa kama at pumunta sa ibaba at tiningnan kung anong gusto niya. Nang makita niya akong pababa, namutla siya't gulat na gulat at may takot sa mata ng makita niya ako. "Anong meron?" tanong ko. Narinig ko yung pinto ng bathroom sa dulo ng pasilyo na nagsara. Nakakapagtaka dahil dadalawa lang kami ng kapatid ko sa bahay. Ang sabi ng kapatid ko, nakita niya ako na naglalakad makalipas ang ilang minuto at ng madaanan ko siya, binigyan ko siya ng nakakasindak na ngiti. Yun ang dahilan kung bakit sumigaw siya at tinanong kung anong ginagawa ko. Ang sabi pa niya di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo. Nang lumingon siya, nakita niya akong pababa sa hangdan at nagulat. Tumakbo kami papunta sa pasilyo at tiningnan ang bathroom, pero walang tao...

- Isang gabi, nung 9 years old ako, nagising ako ng alas tres ng umaga at nakita ko si Mama na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Parang may mali sa kaniya. Maputla siya...at nakatayo lang siya doon sa pintuan, nakatingin sa dingding. "Ma?" nag-aalalang tanong ko. Nagsimula siyang gumalaw papunta sa kama ko ng dahan dahan at paulit ulit kong tinatanong "Ma? Ma? Ma?" pero hindi siya sumasagot. Nang makarating na siya sa ulunan ng kama ko ng dahan dahan, akmang hahawakan na niya ako pero naglaho siya na parang bula. Nagulantang ako at napaalis ng di oras sa kama dahil sa panic. Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ng mga magulang ko. Ng buksan ko ang pinto, nakita ko silang pareho na nakahiga, natutulog. Hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako kapag naalala ko yung...bagay...na lumalapit sa aking ng dahan dahan...

- Noong 2 years old ang anak ko, nagising siya ng umaga at naglibot libot sa bahay bago kami magising ng asawa ko. Isang umaga, nang magising na ako, bumaba ako para hanapin siya. Nandoon siya nakatayo sa kusina. May tinuturo siya at tumatawa.  Tinanong ko siya kung ano yung tinuturo niyaat ang sabi niya, "Lumulutang si Mommy sa kusina." Hindi ko na yun binigyan ng pansin noong oras na iyon pero makalipas ang ilang oras, bumaba yung asawa ko. Ang sabi niya kagigising niya lang at may napanaginipan siya. Sa panaginip niya, nakita niya ang sarili na nakalutang at pababa ng hagdan habang nakalutang patungo sa kusina.

- Isang araw, mag isa lang ako sa bahay at nakahilata sa couch, iidlip sana. Narinig ko na nagsara yung pinto sa garahe at pumasok ang kuya ko. Ang nakakapagtaka doon, ni hindi man lang siya nagsalita. Pinilig niya lang ang ulo niya sa akin at ngumiti. Nakakakilabot ang ngiti niya at abot tenga. Pero hindi ko na inisip yun. Hindi ko na nakita ang kuya ko buong araw at napansin kong nakasuot siya ng green shirt at denim jeans. Pagkalipas ng tatlong oras, dumating ang mga magulang ko at kasama nila si kuya. Binalingan ko si mama ng tingin at sinabing, "Pero...nandito siya kanina." Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Kakasundo ko lang sa kaniya." sabi niya. "Wala siya sa bahay buong araw." At ano ang suot ng kapatid ko? Syempre...green shirt at denim jeans.

- Nangyari ito noong grade 3 ako at natatakot pa rin ako sa puntong umiyak na ako at pumunta sa opisina ng principal para kausapin siya tungkol doon. Nasa hallway ako at lumabas ang kaibigan ko mula sa classroom. Nadaanan niya ako at sinabi naming "hi" sa isa't-isa bago tumungo sa hagdanan sa ibaba. Pagkalipas ng 20 seconds, lumabas siya sa parehong classroom, nadaanan ako at bumaba din. Nakatingin lang ako sa kaniya, naguguluhan at natatakot. Nakatingin din siya sa akin at naguguluhan din siya sa inasta ko.

- Napagdedisyunan naming mag-stay sa isang haunted hotel kasama ang mga kaibigan ko sa Congress Plaza sa Chicago. Tatlo kami-ako at dalawang kaibigan kong babae. Nagpa-book kani ng isang twin room. Bale matutulog ako sa isang kama at silang dalawa naman ay magkatabi. Nang magising kami kinaumagahan, tahimik ang isa naming kaibigan. Namumutla siya at nanginginig. Tinanong namin siya kung anong meron pero ayaw niyang sabihin sa amin. Matapos namin siyang pakalmahin, sabi niya, "Alam kong panaginip lang iyon...sigurado ako...panaginip lang iyon." Ang sabi pa niya, nagising siya sa kalagitnaan ng gabi. Madilim ang buong kwarto. Nakita niya daw akong nakatayo sa kadiliman. Nakaharap ako sa dingding at nakatalikod ako sa kaniya, kaya hindi niya nakikita ang mukha ko. Tumayo daw siya mula sa kama at tinawag ang pangalan ko, pero hindi ako sumagot. Tinanong niya kung anong ginagawa ko, hindi ko pa rin siya sinasagot. Tapos, napatingin siya sa kama ko at nakita niya akong natutulog ng mahimbing. Nang ibalik niya ang tingin doon, nawala na ang nakita niya.

- Noong 10 years old ako, naglalaro kami ng hide and seek ng nakatatanda kong kapatid na babae sa likuran ng bahay. Nang matapos kong magbilang, hinanap ko na siya. Nagulat ako ng mahanap ko siya na nakaupo sa bubungan ng garahe. Nakatingin lang siya sa akin at abot tenga ng ngiti. Kinakabahan ako at sinabing, "Bumaba ka diyan!" Pero hindi siya gumalaw. Nandon lang siya, nakangiti. Maya-maya, may narinig akong nagsalita sa likuran ko. "Sinong kinakausap mo?" Lumingon ako at nakita ko ang kapatid ko na nakatayo doon. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung ano o sino ang nandoon sa bubungan. Mga 59 years old na ang bahay na tinitirhan namin ngayon. May namatay sa garahe dahil sa sunog makalipas ang ilang taon. Makikita pa rin ng bakas ng nasunog na mga kahoy doon...

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon