WHAT IS ILLUMINATI?

358 148 0
                                    

Hindi alam ng nakararami na may lihim na konstitusyon ang Estados Unidos dahil mayroong maliit na satanic group.

Si Satan ay siya ring si Lucifer na balak mang alipin ng sangkatauhan sa buong mundo para makabuo ng gobyerno.

Sila ang mga taong nagtuturo at nagsasanay ng gawain tungkol sa kasamaan.

Taong 1760's, unang nakilala ang Illuminati sa pamumuno ni Adam Weishaupt.

Si Adam ay nagpaconvert bilang Katoliko at kalaunan ay naging pari.

Ang Illuminati ay kumakatawan din umano sa grupong Nights Templar, sila ang nagfinance sa Illuminati kaya ito nabuo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Illuminati ay kumakatawan din umano sa grupong Nights Templar, sila ang nagfinance sa Illuminati kaya ito nabuo.

Ang simbahang Romano noong araw ay may mga gawaing hindi natural sa isang sektor tulad nila, marahil ito ang dahilan kaya may mga taong kinondena ang simbahan, isa na nga ang Illuminati.

At habang tinutuklas ng Illuminati ang mali ng simbahan, imbes na katotohanan at kabutihan ang binabalak nito, tila kadiliman din ang patutunguhan.

Sinabi ni Adam na ang salitang Illuminati ay nagmula kay Lucifer.

Nangangahulugan ito na may hawak ng liwanag o light bearer.

Nagkalat ang Illuminati sa kahit anong sangay ng pamahalaan sa Amerika.

Meron silang kontrol sa bangko, gobyerno, batas, edukasyon, relihiyon at maging sa media.

Naniniwala ang mga Illuminists na ang bawat gobyerno sa buong mundo ay nakatakdang bumagsak.

Ang ilan sa kanilang plano ay unti-unting malugi ang mga bangko at ilang financial institutions sa US.

Sa planong ito, maaring magkaroon ng pinansiyal na krisis na posibleng makaapekto sa mundo at kapag nangyari yan, susunod ang military takeover sa bawat rehiyon.

Magdedeklara ng State of Emergency o Martial Law, unti unting magugulo ang mga tao at masisindak sa mga mangyayari.

Kapag nagkataon, dito na papasok ang Illuminati.

Bawat sangay ng pamahalaan ay mayroong kulto o grupo na napapabilang na Illuminist.

Sila ang magkokontrol ng bawat galaw hanggang sa sakupin na nila ang buong mundo, dito na mangingibabaw ang kadiliman.

Mayroong spekulasyon na ang lider ng grupong ito ay galing sa Royal Blood Families.

Dalawa ang ibig sabihin ng Royalty; Una, ang Open Royalty na nakikita natin sa Britanya. Pangalawa, ang Hidden Royalty kung saan higit sa karaniwan ang kanilang lahi o ang tinatawag na occult power.

Mayroong spekulasyon din na marami sa Federal Bureau of Investigation sa US, ang myembro ng Illuminati pati ang mga Freemasons ay parte daw ng Illuminati.

Sinasabi na mayroong Illuminati Scholarship at Teaching sa Masonic Temple sa Alexandria, Virginia at Egypt.

Pero hindi lahat ng Masonic Group ay Illuminati, karamihan daw sa mga ito ay galing sa lower levels, ito raw ay mga negosyante at Kristiyano.

Ang kaguluhang nangyayari sa Middle East ay isang advantage ng mga Illuminists, ayaw kasi nila sa Israel at ipinagdarasal nila na tuluyan na itong mawasak.

Ang nagsusupply ng mga pinansyal na gastusin sa bala at baril sa pagitan ng USSR at mga militanteng grupo ng Illuminati.

Lumalabas na sa bawat kampo ng US at Palestine ay may dinadalang hidwaan para lang mangibabaw ang gulo at kasamaan.

Ang mga miyembro ng Illuminati ay hindi pangkaraniwang tao, mayroon silang dog eat dog mentality, halos lahat sila gusto nasa itaas at halos lahat sa kanila ay kayang manipulahin ang mga ordinaryong tao.

Importante ang magandang imahe para sa mga Illuminist.

Kaya nilang magpanggap sa harap ng maraming tao at umakto ng normal na pamumuhay bilang isang business leader sa isang bansa.

Creepy FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon