Home

595 8 0
                                    

Ako si Shiena Samantha Dizon, 16 yrs old, pero nickname ko ay Na2. Meron akong third eye ever since i don't know when.

But i go with so many names. Mga bansag sakin ng ibang tao. I am popular everywhere i go. Minsan madalas akong tawaging aswang, mangkukulam, wierdo, impakta, demonyita, baliw, alien, at kung mabubuti ang loob nila, stone face.

Stone face kasi di daw ako marunong magpakita ng ekspresyon sa muka. Di ako marunong matakot, matuwa o malungkot. Marunong naman talaga ako magalit, tingin ko yun lang ang kayang gawin ng mga mata ko. Di ko alam kung simula pa ba ito ng bata ako o nangyari lang ng namatay ang lola ko...di ako sigurado. Kung sakit man ito at abnormal ako, i really don't care!

Pero alam kong nakakatakot daw ang tingin ko, kaya may nickname akong aswang at mangkukulam. Kahit mga multo nga ay takot din sakin kapag tiningnan ko ng masama. Kahit nga mommy ko, alam ko ay takot din sakin dahil alam niyang nakakakita ako ng mga multo. Ayokong ako ang umaatras. Turo sakin yun ni lola. Na kahit kailan ay di magpaapi sa iba. Ito ang rule ng mundo ko!

Wala naman talaga akong pakealam kung anong itawag nila sakin. Sanay na ko noon pa man. Basta't wag na wag lang nila akong hahawakan o pakekealaman dahil kaya ko silang patumbahin. Nag-aral na ko ng martial arts at black belter nako ngayon. Kaya may nickname akong demonyita dahil wala akong sinasantong tao. Kahit sino pa man yan, kapag binulabog ang tahimik kong mundo, di makakaligtas sakin. At ito ang prinsipyo ko!

Weirdo daw ako at baliw dahil ipinagkalat ng ilang tao na palagi daw akong may kausap sa hangin, nakatingin sa kawalan, at iba ang pag-iisip ko kesa sa normal na tao. Oo inaamin ko naman noon yun ng bata pa ko. Noong di ko alam na multo pala kausap ko o tinitingnan ko. Pero ngayon alam ko na silang idifferentiate, kaya ko na silang di pansinin. Kaya kong magpanggap ng walang nakikita o naririnig. Sanay na kasi ako.

Kasulukuyan kaming papunta ng mommy ko sa bagong bahay namin.

Tahimik sa loob ng kotse. Kung inaakala niyong mayaman kami nagkakamali kayo. Utang lang ang lahat na meron kami ngayon. Isa lang siyang manager sa isang maliit na convenience store, at sakto lang ang sweldo niya sa pang araw-araw naming gastos. Di ko nga maintindihan bakit utang ng utang si mommy.

Ikatlong bahay na namin ito ngayong taon. At di ko na din mabilang kung nakailang lipat na kami ng bahay ever since i was seven. Pati skwelahan ko di na din mabilang kung nakailang lipat ako. Di naman sa tinatakasan ni mommy ang mga utang niya dahil nagbabayad naman talaga siya, matagal ng lang, pero i didn't bother asking so di din talaga ako sigurado.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga tanawin.

"Bukas na yung pasok mo. Excited?", tanong ni Mommy.

"K lang.", sabi ko.

Nagstop ang kotse sa red lights. Kasabay nun ang pagtawid ng isang matanda sa kalsada.

"Uwi na ko...uwi na ko...", narinig kong sabi ng matanda.

I can tell she's a lost ghost.

Noong bata pa ako di ko sila madistinguish sa totoong tao. Pero kalaunan nakaya ko na. Mas blurry silang tingnan para sakin. Akala ko nga noong bata pa ako ay malabo lang ang mga mata ko. Wala ding kabuhaybuhay ang mga mata nila. More on black at kaunti lang yung white. I can hear them too. Kaya dinig na dinig ko yung matandang tumatawid kahit nasa sasakyan ako.Their whispers, despiration, sadness, and hatred, klarong klaro yun sa pandinig ko. Maingay ang mundo ko. Pero nasanay na ko.

This is my life...my world.

Umandar ulit ang sasakyan sa green lights. At binuksan ko ang third eye ko. Yep, i can still see them with my third eye close. Ganun kalakas ang mga mata ko. Lahat ng klaseng hindi nakikita ng mga ordinaryong tao ay nakikita ko. Mapa enkanto man yan, tikbalang, fairies, sirena, lahat-lahat na 3 dimensional ay kitang-kita ko.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon