Basement

265 5 0
                                    

Tanghali ng dumating ang mga gamit namin at agad naming inayos at lininis ang bahay. Inayos ko na din ang kwarto ko tulad ng gusto ko. Wala naman akong maraming gamit, basta't nandoon ang picture namin ng lola ko, my room will be perfect.

I miss her. I always wonder what would be my life kung nandito lang siya. Siguro hindi ako ganito ngayon. Siguro masaya ako. Siguro hindi takot ang lahat ng tao sakin.

Naaalala ko pa noon kung gano ako kasaya kasama si lola. Hindi siya takot sakin. Naiintindihan niya ko. Alam niya ang nararamdaman ko. Hindi niya ko hinuhusgahan.

But ever since ng nawala si lola, kahit kailan, hindi ko pa nakita ang kaluluwa niya. And how i wish makita ko siya. Makausap ko man lang dahil miss na miss ko na siya.

"Na2!!", tawag ni mommy sakin galing sa baba.

Agad naman din akong bumaba.

Nakita ko siyang may dalang kahon na puno ng mga gamit na parang basura.

"Pakilagay naman nito sa basement please?", at inabot niya ito sakin kahit di pa ko nakaka-oo. "Thanks."

"Basement?", pagtataka ko. Di ko alam na mayroon pala kaming basement.

"May pintuan doon sa ilalim ng hagdan. Papunta yun sa basement. Magluluto lang ako ng mirienda natin.", sabi niya na naglalakad na papuntang kitchen.

Pinuntahan ko nga ang likod ng hagdan. May pintuan doon at binuksan ko habang ineexpect na mayroon akong makikitang multo.

Madilim ang basement kaya hinanap ko ang switch sa gilid ng pintuan. Tulad pa din ng ibang ordinaryong basement na nakita ko, maraming alikabok at mabaho.

Pero hindi pa din kapani-paniwalang wala talaga akong nakitang multo. Mga malalaking kahon lang ang nandoon. Ang tahimik talaga ng buhay ko sa loob ng bahay na to. Pakiramdam ko normal akong tao dito.

Bumaba ako ng hagdan at inilapag ang dala kong kahon. Pero napatigil ako ng may nakita akong isang bagay na nakaagaw ng atensyon ko. I sense something about it.

Linapitan ko iyun at tiningnan kung ano yun. Nasa likod siya ng isang malaking kahon at kalahati lang nito ang natatakpan. Isa siyang lumang baul.

Kinuha ko iyun at inilabas sa pagkakatago nito. Napaubo pa ko sa alikabok sa paligid. Kaya nga ayoko ng mga basements eh!

Alam kong may something sa baul na ito at gusto kong malaman kung ano. Isa pa napaka weird ng bahay na ito  gusto kong malaman kung bakit walang multo dito. Like parang iniiwasan ito ng mga multo. For the first time ito lang ang inangkin kong bahay. This is my  home kaya dapat kong malaman kung anong meron dito.

Hindi naman naka lock yung baul kaya binuksan ko. Biglang may kung anong puting bagay na lumabas dun na napakabilis kaya napaupo ako sa sahig. Parang isa yung bolang nagbounce sa kisame at bumalik sa baul.

Napakurap-kurap ako sa nakita ko.

Isa ba iyung orb? Bakit nag bounce??

"Ouch.", sabi ng isang boses ng lalaki.

Nanglaki ang mata ko sa nadinig.

Oh no...this can't be happening! Not a ghost! Please not a ghost!

Dahan-dahang tumayo ang isang lalaki sa loob ng baul. Hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang ulo niya at di ko makita ang mukha nito.

"Ah..ang sakit!..Aray!", sabi niya na parang sakit na sakit sa ulo niya, "Ugh! Ano bang nangyari?", napatingin siya sa paligid hanggang sa napatingin siya sakin na nakaupo pa din sa sahig.

Dahan-dahan na akong tumayo at pinagmasdan siya.

Sino siya? Bakit siya nandito? Bakit galing siya sa baul?

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon