Sorrow

104 1 0
                                    

"Ang suplada mo naman.", sabi ng lalaki na di pa din umaalis.

"Fuck off!", tugon ko na di pa din inaalis ang tingin sa linalaro ko sa phone.

Maya-maya pa ay umalis din ito.

"Kala mo maganda.", narinig kong bulong nito.

Napahinto ako sa paglalaro sa phone ko. Again, at tulad ng paulit-ulit kong nararamdaman this whole 10 yrs, i felt that emptiness.

Nandun yung mga panghihinayang sa isip ko. Kung nandito lang siya ngayon, malamang di na ko nilalapitan ng ibang lalaki. Kung kasama ko lang siya, masaya siguro ako ngayon dito nakaupo. He would tease me until masapak ko siya at pagtawanan lang niya ko. Kung nandito siya kakantahan na naman niya ko kahit hay naku....ewan ko na lang sa boses niya. Kung nandito siya, araw-araw yung ngingisi sakin kahit wala namang nakakatuwa. Kung nandito siya....

Napabuntong hininga ako at napatingin sa kalangitan.

I missed him. So much it hurts.

Naikuyom ko ang mga palad ko. If it weren't for this hands, nandito pa sana siya. Kasalanan ng mga kamay ko. If this hands were only strong hindi ko sana siya...

I regret everything that happened that day. Every move...every words...everything na nangyari kaya humantong sa ganoong katapusan.

I wish i could turn back time. On that day. On that hour. On that second. Iibahin ko lahat. Para di kami umabot sa ganoon.

I fought back the tears. Noon ko pa tanggap ang mga nangyari...but everytime na naaalala ko lahat, di ko mapigilan ang sarili ko. Dahil hanggang ngayon, for me, that day was the most terrible nightmare i haven't awoken up yet. That day i lost my everything.

.........................................................

Malapit ng matapos ang klase at hindi mapakali ang isipan ko. I was wondering ano ng nangyari sa plano. I remained focus sa pakikinig kahit sa kaloob-looban ko, kinakabahan ako.

Maya-maya pa ay nakita kong dumating ang Principal sa room. Nagtinginan lahat ng studyante sa kanya at lumapit naman ang teacher namin dito. Saglit silang nag-usap.

"Mr. Frances.", tawag ng guro namin.

Lumapit naman si Ronin dito at nagbulungan silang tatlo dun sa may pintuan. May mga seryosong mukha.

Bigla na lang napasigaw si Ronin.

"Hindi!", saka mabilis na tumakbo palabas.

Nagtaka at nagulat lahat ng tao sa klase namin. Biglang umingay kaya sinaway pa kami ng guro namin at ng principal. Di nagpatinag ang mga kaklase ko at nagtanong kung anong nangyari. Maraming nag-aalala, maraming kinabahan at di mapakali.

What can i say...they all love Ronin.

"His father...he just passed away.", sabi ng guro namin sa mahinang boses.

Napatayo kami sabay ni Joy.

Nagkatinginan kami. Kasabay ng pagtitinginan ng lahat ng tao sa classroom sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin pero ako isa lang ang gusto ko, ang puntahan si Ronin. Kaya naman dali-dali akong tumakbo palabas. Tinawag pa ko ng teacher namin pero pinili kong di makinig. Tumakbo ako palabas ng school. Tumakbo ako para habulin si Ronin.

I know he is in pain right now. At kailangan niya ko! Hindi pwedeng harapin niya tong mag-isa. I won't allow him.

I don't know his dad. Wala akong kahit na anong attachment sa papa niya. But i know that kind of pain. Ang mawalan. Tulad ng sakit ng pagkawala ng daddy at lola ko. And right now, I can only imagine how much that hurts!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon