Sneakers

136 3 0
                                    


At ang araw ng party ay dumating na din. Ron2 is nowhere to be found. Hapon pa yung party pero maaga na akong nagising.

Mayroong something na di ako mapakali at makatulog ng maayos.

3pm ang event at 2:30 nako naligo. Pinagalitan pa ko ni mommy dahil mimake-upan pa ko. After 5 minutes natapos na ko, and the rest ng oras ay ginugol ng baklang dumating sa bahay namin sa make-up and hair ko.

Cocktail black dress ang suot ko. I don't know how to describe dresses basta ok na siya para sakin.

Exactly 3pm ready nako. Kinuhaan ako ng picture ni mama kahit ayoko naman talaga. Paulit-ulit pa niyang sinasabing ang ganda ko daw.

Psh!

Paalis na sana ako ng nakita ko si Ron2 na sumisilip sa pintuan ng basement. Ng nakita niya kong nakatingin sa kanya ay agad siyang nagtago.

Baliw talaga!

Linapitan ko siya habang busy si mommy kakatingin sa pictures ko.

"Galit ka pa?", tanong ko sa kanya.

Di siya umimik. Pero pulang-pula ang mukha niya na nakatingin sa ibang direksyon.

"Akala ko ba ayaw mong nag-iisa ka? Ba't ilang araw ka ng di nagpapakita?", tanong ko. Nagulat ako sa sinabi ko pero di ko na mabawi.

Ano ba kasi dapat pakealam ko kung di siya nagpakita?

"Para masanay nako.", sabi ni Ron2, "Alis ka na. Baka ma late ka pa."

"May sakit ako Ron2.", sabi ko sa kanya na tinutukoy ang sinabi sakin ng doctor kahit di ako masyadong naniniwala dun, wala lang din kasi akong maisip na ibang dahilan,"Kaya gusto kong matahimik ka na bago pa lumala ang sakit ko."

Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko o dapat bang sabihin ko pa ito sa kanya. Pero kailangan ko ding ipaintindi sa kanya ang sitwasyon ko. Kailangan niyang malaman na in a way, hindi na siya dapat nandito. Kahit anong mangyari, kailangan ko itong takasan, si Ron2 at si Ronin, kailangan kong lumayo sa kanila bago pa lumala ang sitwasyon.

Napatingin naman siya sakin at namilog ang mga mata! Nagulat siya sa sinabi ko.

"Mamamatay ka na ba?? Magkakasama na tayo sa kabilang buhay??",

Binatukan ko siya.

"Mag-isa ka!"

"Kung ganun ano bang ibig mong sabihin? Ano bang sakit mo?"

"May sakit ako sa puso kaya wag ka nang magtanong!", sabi ko at tumalikod na.

Letchugaserasing!! Gusto pa yata niyang mamatay ako ng maaga! Baliw talaga.

"Ingat! Enjoy ka Nana!",

Liningon ko siyang abot tenga ang ngiti na kumakaway sakin.

Parang hindi lang nagtampo ang mokong ah! Dali talaga lumipas ng galit niya. Amazing.

Teka---anong amazing?? Stupid! Yeah right! He's stupid!

Dali-dali kong sinuot ang sneakers ko habang di pa ko nakikita ni mommy. Tiyak pagagalitan ako nun pag di ako nag heels. Kaso, i'd rather go bare footed than wear heels. Buti na lang kahit papano match ang sneakers sa damit ko.

Di naman ako naabutan ni mommy at dali-dali akong lumabas.

"Mom alis na ko!", sigaw ko.

"Sandali lang Nana!", tawag niya.

Pero di ko na siya pinansin at patakbong lumabas ng gate.

Nagulat ako ng nakitang nasa harapan na ng bahay ko si Lowi at nakasandal sa kotse niya.

Kunot-noo niya akong tiningnan na parang di pa niya ko nakilala. Agad akong lumapit sa kanya.

"Bakit ka nandito?", tanong ko.

"Ahm..Nana?", sabi niya na parang di sure.

Narinig ko ulit tinawag ako ni mommy. Pag nakita niya ko di talaga ako paaalisin nun.

"Pwede ba umalis na lang tayo.", sabi ko na binuksan kusa ang pinto ng sasakyan niya saka pumasok sa loob.

Ilang saglit pa ang inabot bago pumasok din si Lowi.

"Please tell me your Nana.", sabi niya sakin pagkaupong pagkaupo niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Like seriously? Pag nag make-up nag-iiba talaga ang mukha?? Sa tv pwede yun. Sa totoong buhay, NO!

"You are Nana!", ngiti niya, "You actually look like a living doll."

"Whatever. Alis na tayo.", sabi ko.

Napailing na lang siya at nagdrive na paalis. Nakita ko pa si mommy na kakalabas lang ng gate at hinahanap ako.

Buti na lang nandito si Lowi at di ko na kinailangang tumakbo.

"Is that your sneakers?", tanong ni Lowi.

"Obviously.", sabi ko lang.

"Pahingi ng number mo para sa susunod matawagan kita if magkikita tayo."

"Di pwede. Saka di naman tayo magkikita."

"Basically Nana, nasa sakin ngayon ang lahat ng sagot sa katanungan mo. Pano ko masasabi sayo if andyan na ang lolo ko? Eh di, di mo malalaman mga updates ko."

"09---------", mabilis kong sinabi yung number ko.

"Ulit.", sabi niya na hawak-hawak na ang phone niya.

Napabuntong hininga ako saka inulit ang number ko.

"Got it.", sabi niya.

Bigla namang tumahimik kaya napunta ang pag-iisip ko kay Ronin at Ron2. Para silang mga tinik sa lalamunan ko. Di ko na talaga alam ang gagawin sa kanila. Pareho pa namang makukulit ang dalawang yun.

You're in love.

Yun ang sabi ng doctor. Pero ano ba talaga ang alam niya? Wala naman di ba? Sigurado ba siya na yun na talaga yun? Wala siyang 100% proof! Hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko!

Basta whatever it is. Si Ron2 at Ronin lang ang dahilan ng pagiging ganito ko kaya mabuti ng mawala si Ron2 at iwasan si Ronin. Yun lang muna sa ngayon ang plano ko.

"Do you believe in fate?", biglang tanong ni Lowi.

"No.", sabi ko lang.

"How about destiny?"

"No."

"Soulmate?"

Napalingon ako sa kanya. Nakita ko pa lang ang salitang yun sa google kagabi eh!

"No.", napataas kilay ko.

"You should.", ngiti niya, "Coz tonight... You'll be experiencing one."

Huminto ang kotse ng di ko namamalayan. Nakarating na pala kami.

"We're here.", sabi niya.



Ikli lang noh? Doncha worry..nxt mahaba na..owkey??

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon