Naglakad lang ako pauwi ng bahay. Sinira kasi ang bike ko ng kung sino. Gutay-gutay na ng nakita ko kaya ibinasura ko na lang. So simula bukas hanggang matapos ang taong ito, maglalakad lang ako palagi pauwi ng bahay. Ayoko ng malaman to ni mommy dahil uutang na naman yun at hahaba na naman ang listahan ng utang niya.
Dahil walang multo malapit sa pinagparkingan ko ng bike ko, wala akong matanungan kung sino may kagagawan nun. Pero parang may hinala akong si Ronin may kagagawan nun. Sino pa ba ang may atraso sakin ngayong araw na to, siya lang naman.
Kung makaganti lang duwag naman!
"Nanampot!", bungad ni Ron2 sa akin pagpasok ko sa bahay.
Di ko siya pinansin at tuloy-tuloy ako sa pagpasok.
"Nanampot!", nakasunod siya sa likod ko.
Umakyat na ko sa kwarto ko para magbihis. Mamaya pa dating ni mommy mga 8pm pa, kaya kailangan ko ng magluto ng pagkain ko.
"Nanampot!", sabi uli niya na sunod pa din ng sunod sakin.
Pagpasok ko sa kwarto, hinarap ko siya. Napatigil naman siya sa tapat ko at abot tenga ang ngiti.
"Wag kang papasok dahil magbibihis ako. At hindi Nanampot ang pangalan ko kaya tigilan mo na yan. Maliwanag?", sabi ko sabay sara ng pinto.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ko at dumiretso sa kusina para magluto. Tiningnan ko ang fridge at may nakita akong tira ng isdang eskabetche. Siguro kay mommy na naman to at di naubos. Kaya yun na lang ang ininit ko.
Biglang sumulpot si Ron2.
"Gutom ka na agad?", tanong niya, "Kumusta first day mo? Marami ka na bang naging kaibigan? Masaya ba dun? Ok lang ba mga guro niyo? Maganda ba ang school? May crush ka na ba agad dun? May gwapo ba? Mabait? O masungit? Mayaman? May bestfriend ka na siguro agad noh?"
Tiningnan ko siya ng masama.
"Ok. Di na kita didistorbohin.", sabi niyang nakangiti at umupo sa mesa.
Naghanda na din akong kumain at umupo na din sa mesa.
"Ang boring kanina dito. Buti at dumating ka na..."
Hinayaan ko na lang siya magsalita ng magsalita. Di naman ako nakinig at nagpatuloy lang sa pagkain.
Hanggang sa natapos na akong kumain, satsat pa din siya ng satsat. Di ko na alam ang mga pinagsasabi niya at pumasok na lang agad sa kwarto ko para sa homeworks ko.
Sinundan din naman niya ko pero patuloy pa din ako sa di pag pansin sa kanya. Bahala siya sa buhay niya! I don't care!
"Nanampot...nalulungkot na ko.", sabi niya bigla na nangalumbaba sa mesa ko kung san ako nagsusulat, "Di mo na naman ako pinapansin."
Bumuntong hininga ako at tiningnan siya, "Marami akong gagawin kaya wag kang distorbo.", sabi ko.
"Gusto mo tulungan kita para madali mo yang matapos?", alok niya.
"Di mo nga alam pangalan mo tapos tutulungan mo pa ko? Nagbibiro ka ba?", sabi ko, "Para sa isang taong multo at walang maalala napakasaya mo.", ang sarili ko na ngayon ang kausap ko.
"Diyan ka nagkakamali.", proud niyang sabi, "May pumasok na kaninang alaala sakin. Nandun ka pa nga eh."
Napatingin ako sa kanya sa sinabi niyang kasama ako sa alaala niya. Pano yun nangyari??
"Pumasok ako sa classroom kasi late nako. Tapos nakita kitang nakatayo sa harapan ng mga kaklase ko. New student ka kaya nagpakilala pa nga ako sayo at nakipag shake hands.", ngiting ngiti siya habang nagkukwento.
Napakurap-kurap ako sa sinabi niyang kwento. Di ako makapaniwalang alaala niya ang mga nangyari kanina! Ang gulo! Bakit ganun??
"May nakita akong kamukha mo kanina sa school.", sabi ko, "Yung kinuwento mo ngayon, yun yung nangyari kanina."
"Wee??", tawa niya.
Tiningnan ko siya ng masama. Ako ba yung tipong nagbibiro?? Mukha ba kong nagbibiro??
"Totoo??!", gulat niyang wika, "Imposible. Yung nakita ko kanina sa alaala ko ako yun! Naramdaman ko. Nakita kita! Alam ko ang mga iniisip ko, ang mga naramdaman ko. Sinipa mo pa nga ako sa sikmura eh! Teka ba't mo nga ba ako sinipa?"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Kasalanan ko ba? Hindi ba talaga niya alam??
"Ah. Sorry pala dun, nabasa ka tuloy. Sorry.", sabi niya ng narealize niya ang nangyari talaga kanina, "Pero i swear! Ako talaga yun kanina! Sigurado ako!"
"May mga naalala ka pa bang iba?", tanong ko.
"Weird nga eh. Yung mga naaalala ko lang na bagay ay yung mga bagay na kasama kita, o nakikita kita. Yung iba hindi na. Naalala ko nga na may kasalanan ako kay Angelica Lopez habang tinitingnan kita kanina. Pero di ko maalala kung ano yun."
Ano ba yan. Wierd. Pero di bale na nga! Wala akong pakealam sa kanila!
Nagsulat na lang ako uli at di na siya pinansin.
"Hmm...Parang iisa kami ganun ba yun? Teka, iisa kami? Di ako patay? Ako siya? At siya ako? Pwede ba yun?"
"Pwede ka bang mag-isip ng di mo sinasabi sakin?", tanong ko, "Alis na, may ginagawa pa ko."
"Look. Kailangan mo kong tulungan Nanampot."
Tiningnan ko siya ng masama.
"Ok. Nana. Kailangan mo kong tulungan.", sabi niya. "Gusto mo tong bahay na to dahil walang ibang nakakapasok na multo di ba? Pwes, gusto mo bang umalis ako dito? Gusto mo bang wala na talagang multo na tumira dito?"
Yes! Oo! Putangilasoso! Gustong-gusto ko!
"Kung ganun, kailangan natin ng isang deal."
"Nakikinig ako.", sabi ko.
"Tutulungan mo kong makuha ang mga alaala ko. Tutulungan kitang mawala ako dito sa bahay na to."
"Ok."
"Dumikit ka kay Ronin. Sa akin na nasa school. Kapag nakuha ko ang alaala ko. For sure makakahanap ako ng paraan na mawala dito...at pumunta sa kung saan ako dapat pumunta."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
"Deal?", sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Ano ba tong pinasok ko ngayon??
Pero gustong-gusto ko talaga ang bahay na to. At kailangan niyang mawala para tumahimik na ang mundo ko! Para wala ng magulong multo kagaya niya! Para maranasan ko ang isang normal na buhay na walang nakasunod na multo sakin! I badly want that life.
"Deal.", sabi ko.
Vote and comment!
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..