Pagkalabas ko galing sa CR, bumungad sakin si Angelica. Nakataas ang kilay nito.
"I want to talk.", sabi lang niya at tumalikod siya saka naglakad palayo.
Oo nga pala. Nakalimutan ko ang isang problema na ito. Si Angelica. Haist! Mapapaaway na naman ba ako? Ayoko ng gumulo ang masayang araw ko. But i have no choice. Kailangan matapos na ito ngayon. Kaya naman sunundan ko na lang din siya.
Huminto siya sa paglalakad sa isang bench malapit sa isang malaking puno. Di naman masyadong maraming tao doon kaya ok lang.
Hinarap niya ko at napabuntong hininga siya.
"I'm happy for the both of you.", panimula niya na ikinagulat ko, "Gusto kong malaman mo yun kaya sinasabi ko."
"Ok.", nasabi ko na lang.
Wierd. Bakit niya sinasabi sakin to?
"He loves you so much.", patuloy pa niya, "So much na nahihiya ako sa pagmamahal ko para sa kanya. I love him. But mine is selfish and coward. His love? It's selfless and courageous. Nakakahangang makita siya ng ganun. Swerte ka sa kanya."
Kahit alam ko kung gano ako kamahal ni Ronin, medyo wierd pa din na marinig mula sa ibang tao kung gano nga niya ko kamahal. But im happy.
"Alam ko.", sabi ko, "Bakit mo sinasabi sakin to?"
"Dahil gusto kong pasayahin mo siya. Gusto kong wag mo na siyang iwanan sa ere. Gusto kong maging matapang ka din para harapin ang mga problema ninyo. Never leave him. You are all he got.", sabi niya, "Yun lang ang sasabihin ko.", tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at napailing-iling,"Bye.", saka umalis na ito.
Tiningnan ko siya na naglalakad palayo. At napangiti ako. Mabait naman pala ang babaeng yun eh.
At napaisip ako sa sinabi niya.
"I will make him happy.", sabi ko sa sarili ko.
........................................................
Naghihintay ako sa isang bench sa pagtatapos ng praktis ni Ronin sa basketball. Panalo na sila sa limang laro at ang bilis lang ng school festival at bukas na championship nila. Bukas, wala na ding mga booths. It's the day na kaming mga studyante sa school na ito na ang magsasaya at di lang ang mga bisita from other schools.
Tiningin ko more on championships ng lahat ng games bukas at maraming shows na ipapalabas. By night may party daw.
Nandito lang ako sa labas ng gym at hinihintay ang paglabas niya. Napag-usapan kasi namin na manood ng movie sa bahay.
Narinig ko ang hiyawan ng mga babae. Yun ang ayaw ko sa panonood ng praktis ni Ronin. Ang tilian ng mga babae. Hindi naman sa ayaw kong tinitilian nila si Ronin. Ayoko lang talaga ng ingay.
Maya-maya pa ay nagsilabasan na ang mga babae at tuwang-tuwa ang mga mukha nila. Tumayo ako at hinintay na lumabas sa gym si Ronin.
Tumatakbo siya na lumabas doon at nagpalinga-linga sa paligid. Ng mahagip niya ang mga mata ko, agad lumapad ang ngiti nito at lumapit sa akin.
Wow. Tama si Angelica. Ang swerte ko talaga sa kanya. Sobrang kisig niyang tingnan ngayong puno siya ng pawis at basa ang buhok.
Letsugarengreng lang! Tinutubuan ako ng kamanyakan! Ugh! Di na inosente ang utak ko!
Agad siyang nag pout ng nakalapit na siya.
"Amoy pawis pa ko!", angal niya, "Pwedeng maligo muna?"
"Ok.", sabi ko lang. Pero gusto kong sabihin na sana di na lang siya maligo. Di naman talaga siya mabaho eh. Saka ang hot niyang tingnan. Kaso baka magkasakit to pag natuyuan ng pawis.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..