"Mom! Bakit mo siya pinapasok???", sigaw ko sa loob ng kwarto. Ayoko siyang buksan ng pinto at wala akong planong labasin siya. No way!
"Anak, nakita ko siyang hinihintay ka sa labas ng gate. Sabi niya isasauli lang niya yung bag mo kaya pinapasok ko na. Nakakahiya naman.", sabi ng mommy ko.
"Naibigay na niya bag ko kaya pauwiin mo na siya!", naiirita kong wika.
"No Shiena Samantha wag kang bastos sa bisita mo. Lumabas ka na dyan.",
Ayan na. Ginamit na niya ang pangalang yan, seryoso na siya. Pero so what??
"I don't care mom!", sabi ko.
"O sige. Siya na lang ang papapasukin ko sa kwarto mo.", tapos narinig ko yung footstep niya pababa ng hagdan.
WHAAAAATTTT????
Anong klaseng mommy siya? Papayagan niyang pumasok ang lalaking yun sa kwarto ko??
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko! Anong nangyayari?? Bakit ganito? Ugh! Pinagpapawisan pa ako at ang lamig ng kamay ko.
Anong sakit to?? May deperensya na ba ang katawan ko? Dumadami na ata ang karamdaman ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Putingalasoso ang panget ko! Kinuha ko ang pulbos at linagyan ang mukha ko saka dali-daling sinuklay ang buhok ko tapos naglagay ng perfume. Napalinga-linga ako sa kwarto ko.
Teka asan na si Ron2???
Ay putikingkopu ni Ron2 bakit ngayon pa siya nawala.
Nakatayo ako sa gitna ng kwarto ko ng napahinto ako. Teka?? Bakit ako natataranta??? Bakit ba?? Anong problema ko?? Napakamot ako sa ulo.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Patay! Anong sakit to?? Malala na yata to.
Biglang bumukas ang pinto at biglang pumasok si Ronin na muntikan pang madapa dahil tingin ko tinulak pa siya ng mommy ko.
Nagkatinginan kami.
Napakurapkurap ako. I just can't believe na pinapasok talaga siya ni mommy! Tinotoo talaga niya??
Nice mom. Ang ganda mong impluwensya.
"Ah..aalis na ko.", sabi niya na nahihiya. Pinihit niya ang doorknob pero nakalock yun mula sa labas. "Lock.", sabi niya sakin.
Yep, it's double lock. I know.
Napailing-iling na lang ako at umupo sa kama ko. This is weird. I am weird.
Nagsimula akong paglaruan ang cellphone ko at di na siya pinansin. Bahala ka nga diyan sa buhay mo!
Kahit di ko siya tingnan, naramdaman kong tiningnan niya ang buong kwarto ko.
Unconsciously napatingin din ako sa buong kwarto ko, saka napatingin sa kanya na nakangiti habang tinitingnan ito.
My room's boring pero anong nginingiti-ngiti niya? But...i don't care!
"Ang simple lang ng kwarto mo noh. Walang masyadong arte. Actually wala ngang ni katiting na arte.", sabi niya. "Oi!", saka dali-dali niyang nilapitan ang picture frame ng lola ko at ako, "Atleast may picture frame. Sino to Nana?", tanong niya, "Lola mo noh? Kamukha niya mommy mo. Ikaw ba to?? Wow...your...your smiling here.", sabi niya na may halong amazement.
So??
"Bakit di ka marunong maging masaya?", liningon niya ko.
"Masaya ako Ronin...noong wala ka na nanggugulo sa buhay ko."
Walang anu-ano na lumapit siya sakin at biglang umupo sa kama kaya magkatapat na kami. Ayos ah, parang di niya narinig ang sinabi ko kanina.
"Paupo ha. Nangangawit na kasi binti ko kakatayo sa labas ng gate niyo kanina.", nakangiting sabi niya, "Sa susunod maglagay ka na ng upuan dito, di mo alam kung kelan ulit ako babalik."
"Asa ka pa.", sabi ko.
Bigla naman siyang tumawa, "Stone face.", sabi niya.
Tiningnan ko siya ng masama.
Linoloko ba talaga ako ng lalaking to??
Pero tiningnan lang din niya ko na parang di ko siya pinapatay ng tingin. Lumapad ang ngiti niya at biglang tinakpan ng braso niya ang mga mata. Nakita ko ang pamumula ng buong mukha niya.
Ano na namang problema nito?
"Wag kang magpa cute ng ganyan Nana dalawa lang tayo dito ngayon sa kwarto!", warning niya sakin.
Ano daw?? Ako nagpapacute sa kanya??????
Binato ko siya ng unan.
"Bwesit ka talaga!", sabi ko.
Tumawa siya.
Grabe! Di ba tinatablan ang lalaking to ng mga ginagawa ko? Tingin pa niya nakikipaglaro ako sa kanya! Mukha ba akong nakikipaglaro sa kanya??
Mas lalo akong nagagalit sa kanya! Tingin niya binibiro ko lang siya eh nanggagalaiti na ko dito.
"Pahiga ok?", sabi niya at humiga sa paanan ng kama ko, dumapa siya dun habang nakaharap sakin muka niya. Di na ko nakaangal dahil nakapwesto na siya at as if naman makikinig yan ngayon!
"Ah! Kapagod.", sabi niya.
"Ano namang ikinapago---", napatigil ako, bakit ko ba siya tinatanong? Bakit gusto kong magtanong?? Pakealam ko ba sa kanya!!
"Kapagod ireject ang mga babaeng gustong maging partner ako. Kakahiya kaya yun.", sabi niya, "Saka may isa dyan na kapagod kumbinsihin maging partner ako. Life is so unfair."
"Eh di tumigil ka na kung nakakapagod.", sabi ko.
"Ayoko nga! Ngayon nga lang ako nagkagusto sa babae pakakawalan ko pa."
"Si Angelica alukin mo kasi."
"Ayoko dun."
"Ex mo di ba?"
"Pano mo nalaman?", tanong niya na napatayo ng upo.
See? Gusto pa atang lokohin ako eh! Tingin niya di ko alam??
"Hahaha!", tawa niya saka tiningnan ako ng seryoso, "Do you care for me Nana? Pinagseselosan mo ba si Angelica? Akala ko ikaw yung tipong walang pakealam sa mundo."
Binato ko siya ng mga unan at tawa lang siya ng tawa. Ng wala na akong maibato ay linapitan ko siya at pinulupot ang braso ko sa leeg niya saka malakas na pinitik ang ilong niya.
"Aray!", hiyaw niya.
Pinitik ko ulit iyun.
"Ah Nana masakit!"
At nagpumiglas na siya.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagtulakan kami. Gusto ko na siyang iwrestling ng itinulak niya ako ng malakas kaya bumagsak ako sa kama.
Di ko alam ang nangyari pero ng idinilat ko ang mga mata ko, nakapatong na siya sakin. Nakahawak na siya sa magkabilang braso ko.
Gusto ko siyang sampalin at itulak pero di gumalaw ang buong katawan ko. Walang gumalaw sa amin.
Nagkatinginan kami at napakurap-kurap ako.
Gwapo. Yun ang biglang pumasok sa utak ko ng nakita ko ang mukha niya malapit sakin. Di ko alam kung san ko napulot ang salitang yun na ngayon ko lang ginamit sa buong buhay ko.
Tiningnan niya lang ako ng maige.
"Nana...I'm serious sa sinabi ko kanina. Be my partner please. I want you on that night to be my partner."
Push ko lang to! Go! Go! Haha..
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..