Hugs and Yakee

132 4 0
                                    

Really?? Nagbibiro ba sakin ang tadhana? Si Ronin talaga makikita ko ngayon? Napaka obvious naman ni destiny at parang nasa movie lang ang storya ng buhay ko.

"Ano. Inaway ka ba ni Lowi?", tanong ni Ronin ulit.

Psh. Anong problema niya at mukhang nag-aalala siya ngayon? After acting like i don't exist biglang ganito siya ngayon??

"Di ba magdidinner pa kayo ni Angelica sa bahay mo? Ba't di na lang siya atupagin mo?", teka...did i just sounded jelous? Obvious kayang nagseselos ako sa sinabi ko? Di naman siguro niya mahahalata yun.

Napataas ang isang sulok ng labi niya na parang pinipigilan ang pagtawa. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Kung di lang kayo ni Lowi iisipin ko talagang nagseselos ka.", natatawa niyang wika, "Really? Seryoso ako. May problema ba kayo ni Lowi?"

"Pag may problema ako si Lowi ba dapat agad?", sabi ko. Di ba pwedeng ikaw muna. Ikaw naman palagi pinoproblema ko eh!

"Well kung hindi si Lowi ang problema mo malamang magugunaw na ang mundo."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Dahil wala ka namang pakealam sa mga problema di ba? I mean ang tingin ko sayo you just go with the flow. Kung saan patungo ang agos ng buhay dun ka din papunta. Binabalewala mo lahat ng sinasabi ng tao...o lahat ng iniisip nila. Ginagawa mo lahat ng gusto mo. Hinahayaan mo ang problema maging problema. Hinahayaan mo ang lahat just the way it is. And i admire---", napahinto siya at biglang may kinuha sa bulsa niya. Maya-maya pa ay ipinakita niya sakin ang isang bilog na candy,

"Kumakain ka ng yakee?", tanong niya.

Change topic agad? Wala man lang bang pause at bigla-bigla lang?

"It doesn't sounds yummy."

Napangiti siya ng malapad. And i realized how much i missed that smile. Kung gano kami ganito dati. Walang inaalala. Wala akong pinoproblema.

Why am i even talking to him now???! Ugh Nana! Weak! Paking hotdog to!

"Hindi mo ba to alam?", amaze niyang sabi.

Hindi ko talaga yun kilala. Di naman ako mahilig bumili ng mga ganyang bagay. Pero nakakainis tingnan na parang naaamaze siya na di ko yun alam.

"Of course alam ko.", sabi ko pa, "Matamis kaya yan."

"Oh. Sayo na yan.", sabi niya na inilagay yun sa kamay ko, "Kapag gusto kong umiyak minsan, yan kinakain ko. And trust me. Di ka talaga mapapaiyak dyan."

Binuksan ko ito at agad na isinubo sa bibig ko since curious din ako kung anong lasa nun. Di mapapaiyak huh?

What the---

Sooobrang asim!!!!!

Iluluwa ko na sana yun ng biglang tinakpan ni Ronin ang bibig ko ng isang kamay niya habang nakasuporta naman ang isang kamay niya sa leeg ko. Hindi talaga ako makakawala dito.

"Wag mong iluluwa!", banta niya.

Napakurapkurap ako ng narealize ko kung gano kalapit ang mukha niya sa mukha ko. Na parang ang kamay lang niya ang pagitan sa bibig ko at sa kanya. Ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko. At ilang sandali kami nagkatinginan bago siya ngumiti. Bigla akong nahirapang huminga at alam kong humihinga ako ng malalim ngayon. Nakalimutan ko na nga kung gano kaasim ang candy na nasa bibig ko.

"Ngayon. Nguyain mo ito.", utos niya.

Ha? Ano daw? Ang asim-asim kaya nito! Di ko kayang nguyain!

"Nguyain mo dahil di kita bibitawan.",

Pinandilatan ko siya pero nginitian lang niya ko. Kailan ba ko matututo na walang epekto sa kanya ang mga tingin ko?

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon