Fall

147 5 0
                                    

"Ops! Bawal ang outsider Lowi.", sabi ng studyante sa amin ng papasok pa lang kami ng gym. "Sorry Miss beautiful pero bawal ka eh."

Ako ba ang tumultuous y niya?? Wow naman! Akala ko ba welcome party to?? Di naman pala ako welcome eh!

Miss beautiful daw?? Iniinsulto ba niya ko?? Pinatay ko siya ng tingin na ikinagulat naman nung lalaki.

Napangiti naman si Lowi.

"No. Si Nana to. Nana Dizon. Shiena Samantha Dizon.", sabi pa ni Lowi.

Napatakip sa bibig niya yung studyante at gulat na gulat ang mukga nito.

"Ay sorry po!", sabi niya.

"It's ok.", sagot ni Lowi.

Tiningnan ko pa ulit ng masama yung lalaki. Napalunok siya at natatarantang binalingan ang iba pang pumapasok.

"Sabi ko sayo maganda ka eh.", bulong ni Lowi sakin.

Di ko siya pinansin. Ayoko ng mga ganitong usapan dahil wala namang kwenta. Di naman ako mananalo sa lotto kung maniniwala man ako o hindi eh.

Marami ng tao sa loob ng gym at nakapila na silang lahat. Parang magkakaroon pa kasi ng entrance walk yung magpartner.

Psh! Mga kalokohan.

Pinapahirapan lang nila buhay nila dahil lang sa mga kaetchengan!

Panay naman ang tingin ng mga tao sakin. Di ko alam kung sa suot kong sneakers which is wierd siguro dahil ako lang naka sapatos o dahil sa partner ko si Lowi. Either way i don't care.

"So kailan ko makakausap ang lola ko?", tanong ko kay Lowi habang nakapila na kami.

"Soon.", ngiti lang niya.

"Kailan yang soon mo?", napataas kilay ko.

"Di din ako sure. Basta, nag promise ako sayo and i keep my promises naman."

Nagring bigla ang phone niya kaya sinagot nita iyun.

"Uh..nakapila na kami guys. Hurry up dahil magsisimula na. Ok.", tapos binaba niya na yung phone. "Late comers talaga barkada ko.", sabi niya.

Di ko na siya pinansin.

"Talking about late comers.", sabi niya, "Hey Ronin!", tawag niya dito.

Nakita kong kakapasok pa lang niya. Tumingin siya kagad sakin. Nag-iwas din naman ako ng tingin.

Bakit tinawag ni Lowi si Ronin!? Ay anak ni tipaklong at ni rabbit!

Biglang bumilis tibok ng puso ko at nanigas ang buong katawan ko.

What the----

Ba't ako kinakabahan? Letchugasingaringtong! Bwesit na Lowi!

"San partner mo?", tanong ni Lowi.

Katabi niya si Lowi pero ramdam ko ang titig niya sakin kahit di ko siya tingnan. Linibang ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay.

"Wala eh.", napakamot siya sa ulo.

"No way.", sabi ni Lowi, "Is it a concidence? Or fate? Or destiny? Tamang-tama kasi! Nakalimutan kong emcee pa la ako for this program. At di ko alam kung san ko iiwan si Nana.", tinapik pa niya ang balikat ko.

Napatingin ako kay Lowi. Saka hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako kay Ronin, "So..pwede bang ikaw na lang partner niya ngayon?"

Napakurap-kurap ako habang magkaharap kami na nagkatinginan ni Ronin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong tumakbo! Gusto ko ng umuwi! Gusto kong sumigaw!!!! Grrrr!!! Lowi!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon