So far masyado na bang magulo ang storya?,haha..dagdagan pa natin ng gulo!!! Weeee!!!
He was there lying on the floor..not moving...eyes close. May kung anong pula akong nakita sa sahig and nakita kong galing yun sa ulo niya. Isang guro ang nandun at may tela siyang hawak-hawak na nakalagay sa ulo ni Ronin. Basa na din ang tela ng dugo niya na para sana sa paghinto ng pagdurugo nito.
My heart stop...and then it goes slow...i felt dizzy at lumabo ang paningin ko. Pero huminga ako ng malalim at pinilit na isteady ang paningin ko.
"Fuck.", narinig kong usal ni Lowi sa tabi ko, "May tumawag na ba ng ambulansya?"
"Parating na daw Lowi...", sagot ng isang tinig kung saan.
"Ano ba ang nangyari??", tanong ni Lowi pero di na yun nasagot ng biglang nanginig si Ronin ng ilang segundo. Parang isang saglit na siezure. At biglang nagpanik na din lahat ng tao doon. Napasigaw ang iba at sobrang natakot ang karamihan sa nasaksihan nila.
Pero di yun ang ikanagulat at ikinatakot ko. Dahil pagkatapos ni Ronin manginig nakita ko si Ron2 sa paanan nito. Nanglaki ang mga mata ko sa nakita. Masyado siyang blurry tulad ng weak ghost na nakikita ko. Tinitingnan niya ang sarili niyang nakahiga sa sahig at halatang wala siyang alam sa nangyayari. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. Then he disappeared.
"No!", sambit ko.
And bumalik ulit si Ron2. Ngayon, he was looking at his own body. Mas lalo pa siyang nagiging blurr na halos di ko na siya makita.
Anong nangyayari??? Agad kong binuksan ang third eye ko para di siya mawala sa paningin ko. Pero blurry pa din siya sa paningin ko.
Gulong-gulo ang utak ko kung bakit nandito si Ron2. Saka ko naisip ang sinabi ni Lolo Nik. Si Ron2 ay isang future ghost. Kung ganun mawawala at mawawala din siya sa oras na mamatay sa kasalukuyan si Ronin. Kung itong araw na to ang future na pinanggalingan niya, baka dito din siya bumalik at mawala.
Kung ganun...ibig bang sabihin si Ronin ay...
Biglang sumikip ang dibdib ko at pinipilit kong kumuha ng hangin sa paligid. Tiningnan ko si Ronin na wala pa ding malay at di ko kayang isipin na baka...baka...
Nagkatinginan kami ni Ron2 at puno ng kalungkutan ang mga mata niya. At narinig ko siya bigla...
"So kaya pala ako nandito..."
Umiling-iling ako. As if na maririnig din niya ang gusto kong iparating. Na hindi dito pwede magtapos ang lahat. Na hindi ganito habang wala pa akong ginagawa.
"Hindi...", usal ko, "Please wag..."
At ngumiti si Ron2 ng malungkot.
"So kaya pala ako nandito..."
Narinig ko ulit na sinabi niya.
Tumingin siya sa itaas na parang may nakikitang magandang bagay dun. Nakangiti siya pero ngayon, mukang masaya na nga talaga ito. Pumikit siya at isang patak ng luha ang nakita ko hanggang sa naglaho na nga siya ng tuluyan.
Kasabay nun ay ang pagdating ng ambulansya. Agad nilang inasikaso si Ronin at isinakay sa loob ng kotse. Pinabalik na ng mga guro ang iba pang studyante pero naiwan akong nakatulala dun. Hanggang sa naramdaman kong hinawakan ako ni Lowi sa balikat. Iniharap niya ko sa kanya.
"Nana---"
"Dalhin mo ko sa hospital.", agad kong sabi sa kanya.
"Tingin ko kailangan mo munang kumal---"
"Dalhin mo ko sa hospital.", sabi ko at napahawak sa uniporme niya, "Please dalhin mo ko dun. Sige na Lowi. Simula ngayon gagawin ko na lahat ng sasabihin mo. Pangako. Dalhin mo ko sa hospital Lowi!"
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
عاطفيةHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..