"Ok na sugat mo?", tanong ko.
"Ok pa sa alright.", ngiti niya saka biglang ngumuso, "Good morning kiss ko?"
Napangiwi ako. At linagpasan siya at sumakay na sa likod ng bisekleta niya.
"Tsk. Ikaw talaga. Ang damot-damot.", angal niya at nagbike na.
Yinakap ko naman ang bewang niya at agad siyang napahinto kaya sumubsob ako sa likod niya.
"Aray.", napahawak ako sa ilong ko, "Problema?"
"Ah...wala naman. May pusang dumaan."
"Walang dumaan Ronin.", sabi ko. I swear! Halata naman siguro kung may dumaan o wala di ba??
"Meron! Masyado lang mabilis kaya di mo nakita!", hinawakan niya mga kamay ko at ipinalibot ulit sa bewang niya, "Hawak ka ulit ng mabuti.", dinig na dinig ko ang ngiti sa boses niya.
Tsk! Pa cute din ang isang to eh.
Kinagat ko ang tagiliran niya dahil nanggigigil ako. Napaaray naman siya pero napatawa din.
......................................................
Pagdating sa school, hinatid pa ko ni Ronin sa Love Song booth. Habang naglalakad, hinawakan niya ang kamay ko. Pilit ko yung binibitawan kasi nagtitinginan ang mga tao pero pinagsiklop lang niya ang mga kamay namin kaya mas nahirapan akong bitawan iyun.
"Madaming tao.", bulong ko sa kanya na napayuko. God i hate making scenes!
"Chin up babes. Akin ka at iyo lang ako. No need to be ashame.", sabi niya.
"Batukan kita dyan makita mo!",
"Haha! Kala ko ba di mo na ko babatukan.", tawa niya, "Why don't you kiss me instead?", tukso niya na napataas ang kilay.
"At ano kikiligin ka na naman? Tapos ano? Bibigkis ka na naman sa akin na parang sawa?"
"Bakit, ayaw mo?", paawa niyang sabi with puppy face.
"Psh. I hate you.", sabi ko. Sobrang cute niya na gusto ko siyang halikan at yakapin at kagatin siya at kurutin ang pisngi at---haist!
"I love you too!", tawa niya at napangiti na lang ako.
Pagdating namin sa booth ko nagpaalam na siya dahil may laro siya ngayong umaga. Sayang at di ako makakapanood dahil sa booth ko. But for sure sa championship ay manonood ako niyan.
"Hey.", sabi niya ng papasok na sana ako.
"Bakit?"
"No accepting of flowers maliban sa flowers ko ok?", sabi niya.
"Huh?"
"May tsismis akong nasasagap na marami ng nagkakagusto sa babes ko. I don't like you accepting their flowers. Gusto ko ako lang."
"Possessive ka pa la?", sabi ko at naalala ang usapan namin ni Ron2. Pinagseselosan ba naman ang mga bulaklak. "Saka di totoo ang tsismis na yan."
"Basta. Wag kang tatanggap ok?"
"Ok po!", sabi ko na lang para matapos na.
"Saka no smiling to strangers."
"Huh?", pati ba naman yun.
"They say you have that killer smile who could melt everyone hearts. Which i agree. Di ko lang narealize na marami ng taong nakakapansin.", sabi niya na mas kausap pa ata ang sarili, "Damn! I knew maling move ang pangitiin ka sa open field na yun. Ang daming nakakita. Dapat mag-ingat na ko sa sunod."
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..