revelation part2

130 5 0
                                    

And oh yeah nakalimutan kong sabihin nakadagdag sa rason kung bakit ang tagal kong nag.update ay dahil because kasi nawalan kami ng internet connection dahil ky bagyong Glenda. Two weeks din kaya yun! Tagal nga grabe...so anyways wala namang kwenta yung kinukwento ko so Haha dahil nagbabasa pa din kayo..so have fun reading again..

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi nila sakin. Parang sinabihan nila ako ng isang joke at iniintindi ko pa kung san banda ang nakakatawa. Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Gusto kong maupo dahil nanghihina ang tuhod ko pero walang upuan kaya napahawak na lang ako sa pader.

Bakit si Ronin pa? Bakit siya nagkaroon ng ganitong kapait na tadhana? Wala na siyang pamilya, wala siyang sino man at ako lang ang tinuturing niyang meron siya. At ngayon kailangan kong iwasan siya para mabuhay siya?? Ano yun? Sinabuyan ba siya ng kamalasan at sinalo niyang lahat?

"At pano si Ron2? Pano niyo maipapaliwanag kung bakit merong isa pang Ronin na kaluluwa sa bahay ko?", tanong ko.

"Sinigurado kong noong isineal ko ang bahay ay walang kaluluwang nasa loob nito.", paliwanag sakin ni Lolo Nik, "However, tingin ko nagkamali ako. Tingin ko nakapasok at nagtago siya sa kung saan kaya di ko napansing may isang multo pang naiwan sa loob ng bahay ng ginawa ko ang seremonya. Since ang kwento mo kay Lowi ay parehong-pareho sila ni Ronin na parang iisang bahagi lang din siya nito, at wala siyang alaala sa nakaraan posibleng isa siyang multo sa hinaharap. Walang sense of time ang mga multo, they can go from the past, present and future whenever they like. Baka siya ang future spirit ni Ronin ng namatay ito.", explain ni Lolo Nik, "Pero siya lang talaga makakasagot ng dahilan kung bakit siya nandito  dahil siya lang ang may alam ng lahat ng nangyari."

"Tingin niyo? Posible? Baka? Mawalang galang na po pero lahat ba ng sasabihin niyo sakin ay tingin niyo lang? Mga hula-hula lang ninyo? Buhay at kaluluwa ng ibang tao ang pinag-uusapan natin dito! Walang---", sinubukan ko pang pigilan pero nanghina nako at nagsimulang magsipagpatakan ang mga luha ko, "Walang ginawang masama si Ronin para parusahan ng ganito. Bakit niyo sinasabing mamatay siya? Ganun na lang ba yun kadali para sa inyo na sabihing si Ron2 ay ang future spirit ni Ronin? Sigurado ba talaga kayong mamamatay siya?? ", napatakip ako sa mukha ko dahil di ko na napigilan ang paghagulgol.

Kahit di ko talaga alam ang dahilan kung bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko, wala akong magawa dahil yun ang naramdaman ko. I was crying because of pain pero di ko alam kung bakit ako nasasaktan. At nakakagulat lang na the pain was so unbearable. So much unbearable na di ako makahinto sa pag-iyak.

"Tanging ang multo lang din ang makakapag-bigay ng kompirmasyon nun sayo.", narinig ko pang sabi ni Lolo Nik.

But i can't stop my tears. And i just cried and cried pagkatapus nun habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko na mamamatay si Ronin.

.........................................................

Di ko namalayang nasa tapat na kami ng bahay kung di pa sinabi ni Lowi. Masyadong marami akong iniisip. Bahagyang mapula pa din ang mga mata ko sa kakaiyak kanina.

Iniisip ko kung sasabihin ko ba to lahat ky Ron2 o hindi. Syempre madali lang iwasan si Ronin pero ibang bagay si Ron2. Iisang bahay lang kami at mahirap siyang ihandle kung bigla2 di ko siya pansinin. And i'm hoping na maybe if sabihin ko sa kanya ang lahat may maaalala siya kung bakit siya nandito pa din sa lupa o kung bakit nandun siya sa bahay namin. Pero i think masasaktan siya kapag nalaman niyang mamamatay ang katawan niya sooner or later.

Although alam kong kaluluwa na siya at maiintidihan niya yun, i can't bare the thought na ako ang magbibigay ng sakit sa kanya gayong grabe na ang pinagdaanan niya. Syempre alam kong masasaktan at masasaktan din siya.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon