"Nana. Ok ka lang ba?", tanong ni mommy sakin habang kumakain kami sa mesa.
Di ko napansing pinaglalaruan ko lang ang pagkain ko.
Nakapangalumbaba naman sa harapan ko si Ron2.
Masyado ko kasing iniisip ang mga pinag-usapan namin kanina ni Ronin, kaya eto para akong lutang! Haist!
"Iniisip mo mga sinabi ko kanina noh.", sabi ni Ron2.
"Wala naman po mommy.", sabi ko.
Hinawakan niya ang noo ko para pakiramdaman iyun.
"Pagod ka ba? Wala ka namang lagnat. Magpahinga ka na lang ngayon ok?", sabi ni mommy.
"Tsk. Malala na yata tama mo sakin eh.", sabi pa ni Ron2.
"Ok lang ako sabi.", sagot ko.
As if totoo naman yang pag-aalala niya sakin. Alam ko, takot pa din siya sakin hanggang ngayon. She always keeps her distance sakin tulad noon. At di yun nagbago.
Yeah atleast may mommy ako. Kahit anong rason ang meron ako para magalit sa kanya,siya pa din ang nagluwal sakin at di yun mababago. But it won't change anything...tingin ko magiging ganito na kami sa isa't-isa for the rest of our lives.
"Aminin...", tukso ni Ron2.
'You shut up!', kausap ko kay Ron2 sa isip ko.
.........................................................
Nag-aaral ako habang pinaglalaruan ni Ron2 ang kurtina sa may bintana. Pinipilit niya yung hawakan pero di niya magawa. Sinubukan din niyang pagalawin yun sa pamamagitan ng isip niya pero wala din siyang napala.
Ilang oras na akong nanatili sa first page ng binabasa ko dahil kahit anong ulit ko dito, di ko maintindihan. Palaging sumisingit sa utak ko ang mga naganap ngayong araw. Bumabagabag pa din sakin yung thought na iniisip ni Ronin na magigising pa ang ama niya. Di ko maiwasang maawa sa kanya. Kahit ayaw ko dahil kung sakin man mangyari ang mga iyun, ayoko ding kaawaan ako. I just can't imagine lahat ng kamalasang nangyari sa buhay niya yet, he was able to live like that.
Oo humahanga naman ako sa kanya. More than what i expect. And i think i'm liking him more.
Haist! Puso ko...
Napatingin ako kay Ron2 na para pa ding baliw na pinaglalaruan ang kurtina. At eto ako ini.expect na mayroong magmumukmok dito dahil sa mga nalaman niya ngayong araw. Mas nagmukmok pa siya Pero mas affected pa ata ako kesa sa kanya.
Ano bang cool sa lalaking ito? Parang timang din kasi ito kung minsan.
"Hoy!", saway ko sa kanya.
Napalingon naman siya sakin. Ngumiti siya kagad. Napabuntong hininga na lang ako. Ba't ba ako nag-aalala sa lalaking ito eh mukang wala naman siyang pakealam.
"Malapit na Nana! Konting praktis na lang mahahawakan ko na ang mga bagay-bagay.", excited pa niyang wika.
"Mas importante ba yan?", naiirita kong tanong. I mean, eto ako nag-iisip kung anong nararamdaman niya ngayon tapos eto siya at parang tanga lang dyan!
"Oo kaya! Mas importanteng mahawakan na din kita para makatakas na ko sayo kapag ginugulpi mo ko.", sabi niya.
"Ron2 seryoso ako."
"Seryoso din naman ako ah...gusto ko ding mahawakan ka."
"Mas importante ba yan kesa sa papa mo ngayon?? Nasa coma ang papa mo!"
"Alam ko.", malungkot siyang ngumiti.
"Ngayon mo lang nalaman di ba?"
"Oo."
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..