Stupid

162 3 0
                                    

"Yow!", bati ni Ronin sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng gate ng school.

Di ko siya pinansin at dire-diretso lang ako sa paglalakad. Akala ko, babatiin niya lang ako pero naglakad siya  kasabay ko.

"Kumusta ng sugat mo? Ok na? Dina ba masakit?" ,tanong niyang nakangiti sakin.

"Dapat sarili mo tinatanong mo niyan. Kumusta na bukol mo? Naaalog pa ba utak mo? Kasi mukhang oo eh. Now get lost." , sabi ko.

" Haha! Nice one!", tawa niya.

Pinagtawanan lang din ba niya sarili niya? Baliw!

"Hey Ronin.", ngiti ng isang babaeng nakasalubong namin.

"Oi hey! Looking fresh.", sabi niya.

Napatawa yung babaeng nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Ronin, aga natin ah.", sabi din ng nakasalubong namin na lalaki.

"Bagong buhay pre!", high five nila.

"Ronin! Di ka na nagreply kagabi ah.", sabi din ng isang babae.

"Haha. Maaga akong natulog. Text ya later."

"Hi Ronin!", tawag ng mga grupo ng babae.

"Yow!"

"Ronin utang mo bayaran mo!", tawa ng isang lalaki.

"Haha! Bukas na lang ok?"

So kilala niya lahat ng tao sa school. Nice. Whatever. Mas binilisan ko ang lakad ko pero binilisan din niya lakad niya.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Di pa naman tayo late. Ba' t ang bilis mo---"

"Tawag ka oh.", nguso ko sa isang grupo ng studyante.

Liningon niya iyon. At dali-dali akong naglakad na halos takbuhin ko na patungong classroom ko. Buti na lang di niya ko naabutan at natakasan ko siya.

Ayoko lang kasi sa kanya. Tsk.

Lunch.

Inilabas ko ang baon ko at nagsimula  ng kumain. Giniling na baboy ang ulam ko. Iniluwa ko ang unang isinubo ko at nilagay ko sa gilid ng plato. Pangit ng lasa. Rice na lang kainin ko.

Habang nagsisimulang umingay ang paligid, busy naman ako sa pagkain. May bigla na lang naglagay ng pagkain niya sa mesa ko. Tiningala ko siya. As expected, si Ronin.

Kumuha siya  ng upuan sa malapit at umupo sa harapan ko.

"Mind eating lunch with you?", sabi niya.

Tiningnan ko siya na nakangiting abot tenga. Tiningnan ko din ang buong klase na nakatingin sa amin ngayon.Natigilan sila sa mga ginagawa nila at Shock ang buong mukha na di makapaniwala sa nangyayari.

Letsugas ka Ronin!

Biglang nag walk out sa klase namin si Angelica. Sumunod din ang ilang kaibigan niya.

Whatever! Bahala nga kayo!

Tiningnan ko lang si Ronin ng masama pero parang wala siyang planong pansinin ang tingin ko sa kanya.

"Oi sarap naman ng pagkain mo. Pahingi ah.", at agad niya itong sinubo sa bibig niya.

"Iniluwa ko na  yan."

At agad niyang naibuga ang nasa bibig niya at dali-daling uminom ng tubig.

"Kadiri.", sabi ko habang tinitingnan kung gano siya ka stupid.

"Nana naman eh!", angal niya.

"Kasalanan ko?", napataas kilay ko.

"Ba't mo kasi inilagay dyan sa gilid ng---"

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon