Wedding

103 2 0
                                    


~Guys..i'm going to narrate this story from now on by going back and forth sa future..hehe..hope di kayo malito..~

Ten Years in the future...

Bumaba ako ng sasakyan at itinali ang buhok ko for ponytail. Umikot ako sa likod ng sasakyan at binuksan ang compartment para kunin ang isang special decoration na ginawa ko.

It was a big glass transparent  flower na ilalagay ko sana sa  itaas ng decorated wedding cake ko.

"Ma'am 3 minutes bago sila dumating.", sabi ni Verna isa sa mga katulong ko sa shop ko.

Yep, may shop ako at gumagawa ako ng mga cakes. I do personalize cakes base sa gusto ng mga clients. And i always make it a point na kaya kong gawin kung ano man ang gusto nila. That's why for the past 3 years, mabilis na umusbong ang sinimulan kong business. Paborito kong gawin ang wedding cakes. Kasi...it reminds me of that one very special day.

...........................................................

Back to the present...

"You look pretty!", sabi ni Tanya sakin.

"Thanks.", ngiti ko.

Suot ko ang isa white cocktail dress at may hawak akong 3 roses.

Ngayon ang kasal namin ni Ronin. Di naman yun official. Parang amin-amin lang. Walang papel. It's just a seal para sa amin ni Ronin na kahit anong mangyari from now on, para kami sa isa't-isa.

Nandito kami sa likod ng isang beach resort na di maraming tao ang pumupunta. Ayoko naman kasi na makita ng ibang tao ang kaepalan namin. Para lang kaming naglalaro-laro kung titingnan ng ibang tao, pero para sa amin ni Ronin, it is special. Totoo ito. Ang nararamdaman namin. Dahil takot kami na baka itong araw lang ang meron kami.

"Start na?", sinilip kami ni Brad sa loob ng kurtina.

"Yep!", sagot ni Tanya.

"Ok. Dun ka na sa pwesto mo!", sabi niya.

"Ok. Bye Nana!"

Paglabas nila, bumunot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako. Ganito pala pakiramdam ng kinakasal?? Gosh! Di ako mapakali. Pinagpapawisan pa kamay ko.

Napahawak ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko. Kumikinang na yun ngayon dahil pinalinisan ko. Napangiti ako.

Pumasok si mommy. Oo nga pala, kasama sa kalokohan namin si mommy. Di to magaganap kung walang financial assisstance ng mommy ko. Di ko nga alam kung pano napasok siya dito. Bigla na lang siyang sumulpot sa gitna ng pag-iyak ko noong nagpropose si Ronin sakin.

May konting kainan daw mamaya pagkatapos ng ceremony. At syempre,..thanks to my mom.

"Let's go?", tanong ni mommy.

"Mom.", hinawakan ko kamay niya kaya napatingin siya sakin, "Thank you."

Ngumiti siya sakin at bigla siyang na teary eye, bahagyang nanginig ang labi niya.

"And i'm sorry for the past years na trinato kita ng ganoon."

"No...", hinaplos niya pisngi ko dahil pumatak mula dun ang mabibigat kong luha, "I am sorry. At ako dapat magpasalamat dahil masaya ka na ngayon. Thank you for being happy. Thank you for being my baby. I love you nak."

"I love you too mom.", at yinakap ko siya ng mahigpit.

Noon, never naisip kong masasabi ko to kay mommy. I hated her then. Pero ngayon, i realize napakaswerte ko na iniintindi niya lahat ng gusto ko, lahat ng nakakapagpasaya sakin. How could i live without her?

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon