Revelation part 1

166 5 0
                                    

So kunyari na naman merong nagtanong san ako nagbakasyon. Ok, sasabihin ko sa inyo..ang dami ng pinuntahan ko! Grabe! As in sobra...mga tatlong lugar din yun..dami noh? Pumunta ako sa Dinagat Island sa Surigao, saka sa cebu, saka sa probinsya sa Cebu sa Santander,at pumunta kami sa may mga butanding at ang ganda nila sobra...Gusto ko ba kayong mainggit kahit wala namang nakakainggit! Ay nKu! oo naman! Di...biro lang guys,haha..wala lang talaga akong trip ngayon...so yeah ito na ang isa pa..have fun reading!

"Nana? Ok ka lang ba?", tanong ni Ronin ng sinundo ako kinaumagahan papasok sa klase.

Di ako nagsalita at sumakay na lang diretso sa likod ng bike niya.

"Di ka ba nakatulog? May nangyari ba kagabi?", tanong pa niya.

Di pa din ako nagsalita kaya napailing na lang siya at nag bike na.

Tama, di nga ako nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi. Una, sobrang awkward ng ginawa ni Lowi sakin na pagkatapos noon ay halos di ko na matingnan kahit anino niya. Pangalawa, may sinabi siya na bumagabag sakin. Tungkol sa di ko daw pwedeng magustuhan si Ronin. Sasabihin daw niya sakin ang dahilan ngayon, pagkatapos ng klase. Dumating na daw kasi kahapon ang lolo niya.

Kinakabahan ako. Actually natatakot pa nga ako sa pwede kong malaman. Sa unang pagkakataon ay natatakot ako sa hinaharap.

Alam kong gusto ko si Ronin, pero kagabi, matapos sabihin sakin yun ni Lowi, di ko akalaing matatakot akong baka mawala siya. Ng una di ko maintindihan yung pakiramdam na bumabara sakin pero habang kausap ko si Ron2 kagabi, bigla ko lang naisip na ayokong mawala sila, ayokong malayo sa kanila, ayokong mawala itong lahat ng nararamdaman ko para sa kanila, ayokong matapos ang lahat ng to.

Si Ronin at Ron2 ang nagbigay ng bagong kulay sa buhay ko. Sila yung dalawang bagay na nagbibigay ng rason para abangan ko ang bukas.

"Nagawa mo na ba assignments natin?", tanong ni Ronin ng malapit na kami sa school.

"Di pa.", sabi ko.

"Tutulungan na lang kita mamaya. 3rd period pa naman natin eh."

"Ok."

Ganun pa din ang mga pangyayari ng araw na yun. Maliban na lang sa hindi ko pagpatol sa pangungulit ni Ronin. Madalas tipid lang ang mga sagot ko.

Hindi ko alam pero ayoko muna siyang kausapin ng hindi ko pa nakakausap ang lolo ni Lowi. Kailangan meron muna akong kumpirmahin kung bakit nasabi sakin ni Lowi yun. Pakiramdam ko may alam na siya.

Pagkatapos ng klase nakita ko na si Lowi sa labas ng pintuan, naka sunglasses ito. Mukang nagkaroon ng blackeye matapos kong suntukin kahapon. Syempre di ko pinalagpas yung bigla-bigla niyang panghahalik. Ano siya sinuswerte?

Bago pa makatayo si Ronin ay dumiretso na agad ako sa labas. Kinuha ni Lowi ang bag ko saka isinaklay sa balikat niya.

"Halika na.", ngiti nito, "Ow!", napahawak siya sa gilid ng labi niya.

Oo nga pala, dalawang suntok ang nakuha niya kahapon.

"Gusto mo dagdagan natin?", tanong ko.

"Napaka harsh mo talaga Nana.", paawa nito.

Paalis na sana kami ng narinig ko tinawag ako ni Ronin. Patakbo siyang lumapit sa amin.

"Uuwi na ba kayo?", tanong niya.

"Hindi...dadalhin ko sa bahay si Nana. Dumating na kasi Lolo ko. Gusto siyang makilala.", sabi ni Lowi.

Tiningnan ko siya ng masama. Parang iba kasi ang tunog ng mga sinabi niya. Parang ano yun, ipapakilala niya ko??

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon