Go

97 0 0
                                    

"Bakit ayaw mong pumasok?", nakataas ang kilay ni Angelica na kinausap ako bigla.

Nasa labas kami ng pintuan ng clinic. Nasa loob naman si Ronin. Ang balita ay nahimatay daw siya sa sobrang gutom, puyat at pagod. Di ko na kailangang alamin kung bakit. Alam ko na ang sagot.

"Mamaya.", sabi ko.

"Tsk. Sasabihin ko lang. Mas trip ka pa din ni Ronin kesa sa Joy na yun.", sabi niya at umalis na din.

Mataray pa din siya. Siguro ganun na nga talaga ang babaeng iyun.

Kanina pa si Ronin nasa loob ng clinic. Almost 3 hours na. At kanina pa din ako nasa labas. Di ko alam kung alam ba niya na nandito ako sa labas o hindi. Saglit lang na pumasok si Joy kanina at umalis na din para sa klase namin. Pero ako, di ko magawang umalis dun. I can't bare the thought na iiwan ko siyang mag-isa sa clinic. Although, di ko din naman magawang makapasok sa loob.

Alam ko na merong something. Alam ko na may dahilan kung bakit nangyayari lahat ng to. I wanted to know of course. Pero...sasabihin ba ni Ronin sakin? If he could dapat sinabi na niya yun.

Naguguluhan ako. Maybe Ron2 could answer everything.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at hinarap ang pintuan ng saradong clinic. I need to see him. I need to confront him. Hinawakan ko ang doorknob. Inikot ko yun pero it was locked.

"Umalis ka na Nana.", narinig ko ang boses ni Ronin sa likod ng pintuan.

Di ko maitatangging nagulat ako sa sinabi niya. I was dissappointed. Mas lalo tuloy lumakas ang pagnanais ko na makita siya. Pero...mapipilit ko ba siya?

Lumapit pa ko sa pintuan at isinandal ang noo ko dun. I could imagine him standing sa likod ng pintuan. Isang kahoy lang ang pagitan namin. Parang napakalapit lang pero parang sobrang layo din.

Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang makita. Gusto kong siguraduhin na kumain na siya ng marami. Gusto kong malaman kung ok na ba ang mga sugat niya. Gusto kong matulog siya sa balikat ko at siguraduhing makakapag pahinga siya. Gusto ko siyang patawanin. Malungkot ba siya ngayon?

Isang hamak na pintuan lang ang pagitan namin pero ang hirap basagin ng distansya. Kahit sobra-sobra akong nasasaktan ngayon sa ginagawa nila. Kahit halos kamunghian ko na siya. I know behind that anger and pain...mahal ko pa din siya.

I just want him.

I need him.

I love him higit pa sa buhay ko.

Yeah...higit pa sa buhay ko. Yun yung tamang description sa nararamdaman ko. Sana ako na lang ang nakakaramdam ng sakit at paghihirap niya ngayon. Sana alam ko kung anong pinagdaraanan niya. Sana kaya ko siyang intindihin at lahat ng mga nangyayari ngayon.

"Go.", narinig ko ulit na sabi niya.

Alam ko mahal pa din ako ni Ronin. Ramdam na ramdam ko yun. Something is so wrong! Alam ko yun. Nakita ng mga mata ko kung gano siya nag-hirap mahanap ang kwintas kagabi. Narinig ko yun! Kaya alam ko. There is that 95% chance na mahal pa din niya ko. Hindi si Joy.

It was sudden. Yung sa kanila ay napaka imposible! Hindi basta-basta gagawin yun ni Ronin sakin. I know him! Hindi niya ako kayang saktan.

Alam kong nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko. Sinaktan na nga ako, linoko ng harap-harapan, pinag mukhang tanga sa maraming tao, pero nandito pa din at nag-iisip na di ito lahat totoo.

Pero sinong sisisihin ko? Sinasabi ng guts ko na hindi ito lahat totoo.

"I trust you.", bulong ko sa pintuan.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon