Shaman

147 3 0
                                    

Maagang-maaga ng pinuntahan ko anf address ng sinabi sakin ni mommy. Tinanong ko kung kanila ba yung bahay pero sabi niya sa kaibigan pa daw yun ng kaibigan nila. Binigyan naman nila ako ng address dahil sinabi kong sobrang importante ng pakay ko.

"Tao po!", sigaw ko sa malaking bahay habang pinipindot ang doorbell.

Maya-maya ay may lumabas na maid at tinanong ko kung nandyan ba ang may-ari ng bahay.

"Wala po ma'am eh. Ano po bang pakay nila?"

Bago pa ko nakapagsalita ay may nagsalita na mula sa likod ng maid.

"Sino yan manang?"

Binuksan ng mas maluwag ng maid ang gate at tumambad sakin ang mukha ni Lowi.

Nice. This is great. Really great. At siya pa talaga huh?

"Hinahanap po niya mga magulang mo sir."

"Nana?", gulat niyang wika ng makita ako. Bumaling siya kay manang, "Ako ng bahala dito manang.", ngiti niya saka bumaling ulit sakin, "Anong ginagawa mo dito?", sabi niya na parang sobrang tuwa.

"May kailangan akong itanong sa parents mo.", sabi ko.

"Importante ba?"

"Oo. It's a matter of life and death.",

Napatawa siya dahil akala niya joke yun. Pero hindi. Seryoso ako dun.

"Tungkol san ba yan?"

"Sa bahay namin."

"Bahay niyo?", napakunot-noo siya saka napaisip. "Ah! Kayo ang nakabili ng bahay?"

"Oo."

"Hmm..mukang mahabang usapan to. Pasok ka muna.", sabi niya.

Walang pagdadalawang isip na pumasok din naman ako. Naglakad ako sa likod niya at kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

"Hey! Ahm, di ako makakarating. Something came up. Sunod na lang maybe?---ok---bye.", saka niya iyun binaba.

Napatingin ako sa paligid dahil wala ding kamulto-multo ang bahay nila. Kahit isa!

"My lolo is a shaman. He do rituals kaya walang multo dito sa bahay. Upo ka.", sabi niya ng nakarating kami sa maluwag na sala nila.

They're rich.

"Basically lahat kami dito sa bahay may third eye. Except sa maids namin. But ghost and paranormals run through our ancestor.", explain niya.

So kaya pala walang multo sa bahay namin. Except one pala.

"Merong multo sa bahay namin isa.", sabi ko,"Nakaligtaan ata ng lolo mo."

"Talaga?"

"Pwede niyo ba yung itaboy? I mean...paalisin o papuntahin sa itaas?", sabi ko.

Pinagisipan ko na yun kagabi at ito na ang naging desisyon ko.

"Ah. Well the thing is, di ko pa napag-aaralan ang mga ganyan. Only my Lolo can do that."

"Ok."

"But pano nagkaroon doon ng multo? I've been there before dahil dating bahay yun ni lolo at wala akong nakitang multo doon.", tanong niya, "Isa pa imposible naman ata na di siya matablan ng spell ng lolo ko."

"Wag mo kong tanungin kasi di ko alam. Kaya nga ko pumunta dito di ba?"

Ngumiti lang siya at tumango.

"He's not an ordinary ghost i think.", sabi ko pa, "I can touch him. He's not a blurry vision. Parang totoong tao siya actually. Except he can pass through walls."

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon