Panay ang tingin sakin ni Ronin habang kausap niya ang mga kaklase niya. Kahit di ko siya tingnan alam ko dahil nararamdaman ko. Hindi siya nagagandahan sakin kung yun ang inaakala niyo. Takot siyang nakatingin sakin. Dahil ngayon malamang kilala na niya ko dahil sa mga sinabi ng mga kaklase niya tungkol sakin.
As usual, tulad ng ibang tao, takot siya kung anong gagawin ko sa kanya. Kung kukulamin ko ba siya, tatakutin, o papatayin. Pero pagbibigyan ko muna siya ngayon dahil di niya ko kilala. Pag naulit pa ginawa niya sakin baka makita niya kung gano ako kaseryoso sa mga sinabi ko!
Tinanggal ko sa pag-iisip ko kung bakit may kamukha si Ron2 dito sa school. Para hindi kayo maguluhan, Ron2 ang tatawagin ko sa multong nasa bahay ko at Ronin naman sa makapal ang mukhang kaklase ko.
So, yun nga. Wala akong pakealam sa dalawang lalaki. Bahala sila sa buhay nila. Ayokong pumasok sa mga ganyang bagay na makakapag pasakit sa ulo ko. Ayokong mag-isip. Wala akong pakealam kung ano mang kababalaghan ang nasa kanilang dalawa. Basta gusto ko na ang bahay namin ngayon. I don't care sa ibang bagay!
Dumating din sa wakas ang most awaited hated subject of all time according to me...ang Recess. I hate it na kailangan pang mag aksaya ng ilang minuto para magpahinga at kumain gayong wala namang nakakapagod sa ginagawa namin.
Natulog na lang ako sa desk ko para palipasin ang oras. Palagi naman akong may baon pero ayoko lang kainin.
Nagsimula ng umingay ang classroom.
"Hi kuya Ronin! May dala kaming pagkain para sayo oh."
"Wow thank you. First yr ka? Ngayon lang ata ko kayo nakita dito."
"Oo."
"Wag mo na akong tawaging kuya. Ano bang pangalan niyo?"
"Jessica."
"Amanda."
"Sam."
"Cool. Ako naman si Ronin. So ikaw si Jessica bangs, Amanda dimples, at Sam sexy. Sige salamat dito ah. Alis muna ako, salamat sa pagbisita."
"Oh my god! Binigyan niya tayo ng nicknames!"
"Kyaaaaa!!!! Super cool niya talaga! Ang cute-cute pa at ang bait."
"Yeah..alam mo bang main guitarist siya ng banda ng school. Super cool kaya niya sa stage."
"Super friendly pa niya. Halos kaibigan niya lahat ng tao sa school. Siya na talaga ata ang dream guy ko!"
"Scholar lang siya pero alam niyo bang maintain niya ang grades niyang 85 sa lahat ng subjects! Like literally 85 talaga ang mga grades niya sa lahat! How cool is that!"
"Point guard din siya sa basketball team natin. And magaling siya sa 3 points shot!"
"At balita ko may part time job siyang modeling sa ilang magazines."
"Kahit poor lang siya. Di pa din maitatanggi ang cool niya talaga!"
"Shhh..baka madinig tayo ng ex niya."
"Sino? San siya dito?"
"Angelica Lopez. Yun oh..yung magandang babae sa unahan."
"Ang ganda din naman kasi niya eh."
"1 month lang sila break agad."
"Bakit kaya?"
"Malay. Pero buti nga dahil malaya tayong nakakalapit kay Ronin."
"Oh parating na uli si Ronin!"
"Hey girls!"
"Kyaaaa! Kinindatan ako!"
"Ako kaya!"
"Ako noh!"
"Justin catch!"
Bogsh!!!!
Naramdaman kong may tumama sa ulo ko at nabasa ako. Dahan-dahan akong bumangon kasabay ang pagtahimik ng buong paligid.
Basang-basa ako ng tubig as in i'm dripping wet!
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na namumutla at takot na takot ang mukha.
"D-d-i ako! Si Ronin! Si Ronin!", turo niya sa lalaking nakabuka pa rin ang bibig sa sobrang gulat.
Tiningnan ko siya ng masama at tumayo sa upuan ko.
Nakita kong napalunok siya ng naglakad ako palapit sa kanya.
Agad na nagsipag atrasan ang mga taong nakapaligid kay Ronin. Lahat nakatuon sa amin at inaabangan ang sunod na mangyayari.
"Ikaw?", sabi ko ng nasa harapan niya na ako.
Napakagat siya sa labi niya.
"Di ko sinasadya.", sabi niya.
Hinawakan ko ang manggas niya at linapit ang mukha niya sakin. Dahil mas matangkad siya, napayuko siya.
"Tingin mo ba dapat itapon ang ice water? Tingin mo ba bola ito na tatalbog?? Bobo ka ba? Ha!", galit kong sabi.
Napatingin siya sa labi ko saka sa mga mata ko at sa labi ko ulit.
"Aaaahhh..."
Bastos din ito eh!
Itinulak ko siya kaya napasandal siya sa pader. Saka nag flying kick ako sa sikmura niya. Napaluhod siya sa sakit habang hawak-hawak ang tiyan niya.
"Sasabihin ko to sayo ulit! Binabalaan kita, wag na wag mo kong iistorbohin o hahawakan!", sabi ko at nag walk out palabas ng room.
Agad din siyang dinumog ng mga kaklase niya.
Putangilasasa! Badtrip! Basang-basa ako at ang lamig ng tubig! Putchekingkoko!
Pumasok ako sa clinic at nakita kong may multo doon na nakatayo sa isang sulok. Walang tao sa paligid.
'Asan ang towel dito?', tanong ko sa multo. Masama ang tingin ko sa kanya dahil badtrip na badtrip ako ngayon.
Tinuro naman niya yung drawer sa itaas ng isang closet at agad na naglaho sa pader.
Naghanap ako ng stool at dun ako pumatong para abutin yung mataas na drawer.
"You see them too?", sabi ng boses lalaki sa likod ko. Bigla lang siyang napunta dun, di ko alam san siya nanggaling.
Di ko siya pinansin at ng nakuha ko na ang towel saka ko lang siya hinarap. Nakatingala siya sakin at nakangiti.
"You see ghosts too right?", tanong niya.
Tumalon ako mula sa stool at hinarap siya.
"Ikaw pa la ang sikat na si Nana Dizon. You look scary alright.", sabi pa niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Tinalikuran ko na siya at pumasok sa isang closed curtain room doon.
Ayokong mag-aksaya ng laway sa mga taong di ko kilala. Wala akong pakealam sa kanya!
Nagsimula akong maghubad dahil basa din ang pang-itaas kong damit.
"Ok! Labas na ko!", sabi ng lalaki na parang natatawa pa, "Nice meeting you Nana!"
Di na ko umimik at nadinig ko na lang ang pagbukas at pagsarado ng pintuan.
Whatever!
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..