Shake hands

239 6 0
                                    

"Sabihin mo sakin. Ano ba talagang nangyayari??", pabalik-balik  ng lakad ang lalaki sa kwarto ko.

Sanay na ko sa multo oo pero hindi ako sanay sa sobrang annoying, daldal at parang kiti-kiti na multo!

Usually ilang syllables lang ang kaya nilang sabihin. Yung mga hinanakit lang nila o kung anong lang gusto nilang sabihin. Hindi tulad nito!

Kanina pa siya ganyan. And daming tanong, ang daming sinasabi, kinukulit ako na parang may sagot ako sa lahat ng tanong niya.Mukhang hindi pa ata niya matanggap ang sitwasyon niya.

Haist, baka bukas matanggap na niyang patay na siya at wala na siyang magagawa dun. Pero kahit ako palaisipan pa din ang lahat ng nangyayari ngayon. Di ko maipaliwanag. Sobrang kakaiba.

Ang multong ito, ang bahay na to, ano ba talagang meron dito?

Pero ok na din to kesa naman sa ibang bahay na kung sino-sinong multo lang ang pumapasok at lumalabas. Atleast dito, isa lang ang multong makikita ko.

"Wala akong maalala. Bakit ganito? Pano ako namatay? Bakit??",

Humiga nako sa kama para matulog. Maaga pa ko papasok bukas.

"Matutulog ka na?", sabi niya sakin. "Hindi pa nga nasasagot lahat ng katanungan ko eh! Bakit ba di mo ko pinapansin kanina pa? Bakit ikaw lang ang nakakakita sakin? Nahahawakan mo din ako! Wag ka munang matulog oh! Kailangan ko ng kausap please.", kahit nakapikit ako alam kong nasa harapan na siya ng mukha ko. "Please miss? Ano bang pangalan mo? Di mo pa sinasabi sakin ah. Pwedeng malaman? Sige na miss. Pano mo ko nakita kanina? Bakit mo ko nakikita samantala yung mommy mo hindi? Di mo ba talaga sasabihin sakin pangalan mo?.",

Bigla akong napabangon. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kadaldal na multo. Para siyang armalite! Walang preno ang bibig!

Tiningnan ko siya ng masama! Yung tipong tatakbo na lang siya sa takot tulad ng ibang multo at ibang tao.

Pero kunot-noo lang niya kong tiningnan.

"Wag ka ngang magpacute sakin. Tinatanong ko pangalan mo.", pagtataka niya.

Ay anak ng tipaklong naman! Di ba siya tinatablan ng matutulis kong mga mata? Anong p.cute?? Ako magpapacute sa kanya! Puntingalasisi talaga!

Bigla naman siyang tumawa.

"Ano ba naman yang mukha mo. Parang galit ka pero di naman.", tawa pa niya, "Yung halatang galit ka sa loob pero di pinapakita ng mukha mo."

"Alam mo naman pa la kaya tumahimik ka na. May pasok pa ko bukas.", sabi ko.

"Oohhhh!", nagpormang bilog ang bibig niya, "Kinakausap mo na ko. Good. So anong pangalan mo?", ngiti niya.

Naningkit  ang mga mata ko. Like seriously? Importante pa ba ang pangalan ko kesa alalahanin niya ang pangalan niya?

"Hindi ko talaga kasi maalala pangalan ko kahit anong gawin ko. Since ikaw lang nakakakita sakin. Yung pangalan mo na lang kukunin ko. Siguro mag-iisip na din ako ng pangalan bukas.", ngiti niya.

Weird. Nabasa ba niya iniisip ko. At anong mag-iisip siya ng pangalan bukas? Ano yun, bibinyagan niya sarili niya??

"Na...hindi ko nababasa ang iniisip mo. For a person na walang ekspresyon, basang-basa ko pa din ang mga mata mo, your eyes says it all. Haha!"

"Shiena Samantha Dizon. Happy?", sabi ko.

"Sobra! I'm Ronin. Call me Ron2 for short."

Kala ko ba bukas pa niya pag-iisipan pangalan niya?

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon