Wounds

113 4 0
                                    

Ibinaba ako ni Ronin sa bed ng clinic.

"Ano ba Ro---"

"Tumigil ka Nana at umupo ka lang dyan!", bulyaw niya sakin.

Wow ha! Unang beses ko siyang narinig sinigawan ako. Anong karapatan niyang magalit sakin??!!

Pumunta siya sa mga cabinet at may kinuhang mga gamit. Pinagmasdan ko siya hanggang sa mapuno ang dalawang kamay niya ng mga panglinis ng sugat.

Nakatingin sakin ang multo na nandoon palagi sa clinic na yun. Parang nagtataka pa siya sa itsura ko kung ano mang itsura ko ngayon. Pinandilatan ko siya at umalis siya ng kwarto kaagad.

Lumapit ulit sakin si Ronin at padabog na inilapag ang mga gamit sa tabi ko.

"At galit ka pa sakin ha!", galit kong sabi, "Ako na nga itong---"

"At tingin mo tama yung ginawa mo kanina??!!" , sabi niya sa mataas na boses.

Mukhang mas galit pa siya kesa sakin. Pulang-pula ang buong mukha niya sa sobrang galit at halatang pinipigilan niya ito.

Napakamot siya sa buong buhok niya.

"Nana naman eh! Ang dami nila laban sayo! Di mo ba alam pwede kang mamatay dun kanina??? Palibhasa pride pinapairal mo eh! Ayaw mo magpatalo!"

"At bakit hindi?? Hahayaan ko lang na apihin nila ako??"

"At mapahamak ka?? Ok lang yun sayo?? That's bullshit Nana!! May ibang taong handang tumulong sayo! Hindi masamang humingi ng tulong!! Bakit ba ayaw mo ng tulong ng ibang tao?? Bakit ba akala mo kaya mo ang lahat? Bakit ayaw mong magpapasok ng tao sa buhay mo?? At bakit sa dinamidami ng tao si Lowi pa! Bakit hindi ako!"

Kunot-noo ko siyang tiningnan. At pilit kong iniintindi ang mga sinabi niya ngayon. Pero...di ko maipagdugtong-dugtong ang lahat ng nangyari ngayon sa sinasabi niya.

"Ano? Siya na ba gusto mo ngayon?? At pano ako?? Pinaibig mo ko Nana! At ngayon iiwasan mo ko bigla?? Ano bang nagawa ko?? May mali ba?? May hindi ka ba gusto sakin?? Am i less of a person para sayo? Dahil ba bike lang ang meron ako? Dahil ba hindi ako President ng school?? Dahil ba hindi ako kasing talino niya? Dahil ba mahirap lang---"

"Shut up!", biglang sumulpot si Lowi at agad kinwelyuhan si Ronin.

Humugot ako ng hangin at dun ko lang narealize na bumubuhos na ang luha ko kanina  pa. Kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko unconsciously at agad akong humikbi sa pag-iyak. Bawat salita na binitawan ni Ronin kanina ay parang kutsilyo na tumatagos sa puso at kaluluwa ko. It was like i've been accused as criminal at sinabihan akong pupugutan na ko ng ulo...or much worse.

"Oh..nandito ng prince charming mo. Wow naman Lowi. Perfect timing.", halos ngiti na sabi ni Ronin.

"I said shut up Ronin. Wala kang alam.", Lowi was clenching his jaw at mas lalong humigpit ang hawak niya sa kwelyo ni Ronin.

"At ang dami mong alam di ba? At ikaw ang bida. Tinuring pa din naman kitang kaibigan Lowi. Never thought you would do dirty tricks on me."

Malakas na tinulak ni Lowi si Ronin at napaupo ito sa sahig. Susugurin na sana ni Ronin si Lowi pero pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Stop it Ronin.", sabi ko. Naikuyom ko ang dalawang kamay ko ng mahigpit. I was holding back the tears pero they just keep on falling at ayaw nilang magpaawat. "Gusto mong malaman ang totoo? Hindi naman talaga kita nagustihan eh. Pinagpipilitan mo lang ang sarili mo sakin. Hindi kita pinaibig dahil wala naman akong ginawa eh. Kusa kang nagkagusto sakin kahit---", humihikbi ako ng pag-iyak at nahihirapan na akong magsalita, pero pinagpatuloy ko. This has to end now...para kay Ronin, "--from the very start ipinakita ko sayo na hindi kita kailan man magugustuhan!"

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon