"Kain na.", sabi ni Ronin sakin ng inilapag niya ang nilutong fried eggs sa mesa.
Syempre di ako ang nagluto dahil di ako marunong. Nandito kami sa bahay niya. Simple lang naman yun, maliit, gawa sa kahoy, yero ang bubung, kahoy ang upuan at mesa, at may isang tv na luma na ata. Pero isang bagay na maganda sa bahay na iyun, ay ang sobrang kalinisan nito. Kahit ganun kaliit ang bahay, maluwag na yun para sa iisang tao. Na imagine ko tuloy kung buo pa ang pamilya niya, malamang magiging masikip iyun.
Linagyan niya ako ng plato sa harapan ko atsaka kutsara at tinidor. May kanin na din sa mesa.
"Anong gusto mo? Kape, gatas, milo, o juice?", tanong niya na naglabas ng dalawang mug.
"Tubig."
"Tubig? Pano maiinitan ang tiyan mo niyan?", tanong niya.
"Bakit kailangan mainitan ang tiyan ko?", tanong ko naman.
"Para matuwa ang tiyan mo.", sabi niya na nagsimulang magtimpla.
Maya-maya pa ay nilapag niya ang isang mug ng milo sa harapan ko.
"Special yan, with milk.", kindat niya, "Dapat magpasalamat ka, nagtitipid kaya ako sa gatas."
"Eh di dapat di mo na nilagyan.", sabi ko pa.
"Ikaw talaga, ang hirap mong iplease. Oh, kain na baby witch.", saka nilagyan niya ng kanin ang plato ko at nilagyan din ng itlog.
"Stop calling me wierd names.", sabi ko at nagsimulang kumain.
"Then stop being a wierd one. Your wierdness is what i like most that makes me fall for you."
Kung malapit lang siya nabatukan ko na siya. Kaso nasa harapan ko siya at ang hirap niyang abutin kaya tiningnan ko lang siya ng masama. Masamang-masama.
"And stop doing that. You make me want to kiss you.", ngisi niya.
"Gusto mong tusukin kita nito?!", sabi ko na tinutukan siya ng tinidor.
Tumawa lang siya.
Haist! Bakit ba parang wala lang sa kanya kapag nagagalit ako?? Kainis talaga ang lalaking to! Kasalanan ko ba kung wierd ako?? Saka wierd din naman siya ah! Siya lang itong tao na tumatawa tuwing tinitingnan ko ng masama! Siya lang itong cute ang tingin sa death glare ko! Siya lang itong parang tanga na naniniwala sakin! Siya lang itong gagong kahit anong sabihin ko para lumayo siya dikit pa din ng dikit! Siya lang itong lalaking sa sobrang wierd nagugustuhan ko na din siya! Kainis!!!
Pagkatapos nun ay kwento pa siya ng kwento ng kung anu-ano habang patuloy ang pagkain namin. Matapos kumain ay dumiretso na kami ng school. Wala ng mga basura sa upuan namin. Napatingin ako kay Joy na ngumiti sakin ng nakita ako. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya napatalikod na lang ako at umupo na din sa upuan ko.
Nagpatuloy ang normal kong araw. Si Ronin na palaging kinukulit ako, ang mga boring classes, ang maingay na klase namin. It was a normal...happy day.
......................................................
Nadatnan kong nasa bahay na si mommy at inihahanda na ang mesa. Nasa likod lang niya si Ron2 at parang tinitingnan lang kung anong ginagawa ni mommy. Di pa nila ko napansing dumating.
Pumunta ako sa fridge at kumuha ng pitchel ng malamig na tubig at nagsalin nun sa baso habang nakatalikod pa din sakin sina mommy at Ronin.
Habang tinitingnan ang mesa namin na may nakalatag ng mga pagkain, naalala ko tuloy ang agahan namin kanina ni Ronin.
Hay!!, baliw talaga ang lalaking yun. Kung anu-anong pinagsasabi. Tsk!
Bigla kong narinig ang pagkabasag ng mga plato saka ang isang malakas na sigaw ni Ron2. Gulat akong napatingin kay mommy na nanglalaki ang mata din sa gulat na nakatingin sakin. Nagulat ata ng nakita ako bigla. Isa pa itong si Ron2 kung makasigaw parang nakakita ng multo eh siya nga itong multo.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..