"Wooow!"
"Sakay na tayo guys!"
"Pasensys na kayo ito lang nakaya kong iprepare guys."
"Sus! Ok na kaya to!"
"Sana may buwaya!"
"Or piranha!"
"Excited na ko dali na kayo!"
Nakatunganga ako sa isang maliit na bangka habang sumasakay na silang lahat doon. Di ako makapaniwalang sasakay kami sa banka! Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na byahe ay ito ang tatambad sakin. Di ko inaasahan ito! Sa'n ba talaga kami pupunta??
"Halika na.", iniabot ni Lowi sakin ang kamay niya para makasakay na ko sa bangka.
Tiningnan ko ang kamay niya saka tiningnan ko siya na nakangisi.
Teka.. di pa ko ata nagpaalam ky mommy. Pano kung hanapin ako nun?
"Nasabi ko bang tinawagan ko ang mommy mo para isama ka namin ngayon? Don't worry. Everything is ok na. Kailangan mo na lang talaga gawin ay sumama.", sabi ni Lowi.
Napansin kong ako na lang talaga ang hinihintay ng lahat at nakatingin pa sila sakin. Inaabangan nila kung sasakay ba ako o hindi.
Ang dami kong tanong pero isinantabi ko na lang iyun. Whether alam ko o hindi kung pano nila ginawa tong lahat, hindi ko naman ikakamatay. So i really don't care at all.
Hinawakan ko kamay ni Lowi at sumakay sa bangka. Nagsimula ulit ang kulitan nilang lahat habang umupo lang ako sa dulo at tiningnan ang unti-unting pagdilim ng paligid.
Di ko alam kung san kami papunta o bakit pa ko nila isinama. Ayokong isipin at itanong kaya habang tinitingnan ko ang dagat, naisip ko tuloy si Ron2. God knows how much i regretted na sinabi kong gusto ko si Lowi. Baka ano ng iniisip nun ngayon. Pano pag nalaman niyang sumama ako sa birthday ni Lowi? Tiyak magmumukmok na naman yun.
Ngayong alam ko na ako lang talaga ang meron yung multong yun, mas nagiging affected tuloy ako sa nararamdaman niya. Parang ayokong dagdagan ang bigat ng pinagdaanan niya ngayon.
Haist! Am i starting to care? Hay nakung buhay ito! Akala ko hanggang sa gusto lang ako. Pati ba naman pag-aalala sa kanya mararamdaman ko?? Asan ang hustisya dun??
"Hey Nana.", tumabi sakin si Tanya, "Ngayon lang tayo nagkausap di ba?",
Hay! Ba't kailangan itanong ang obvious? Di na lang ako umimik. Katamad magsabi ng isang bagay na alam naman na nila ang sagot.
"Pwede patingin ng death glare mo?", sabi pa niya sakin.
Napatingin ako sa kanya ng di oras. Sino ba naman ang magrerequest ng death glare ko ika pa nga niya! Wierd.
"Wow! Ang tulis talaga ng tingin mo! Nakakatakot.", sabi nito na yinakap ang sarili niya, "Pero totoo ba yung mga rumors na gusto mo si Ronin?"
Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko sa tanong niya. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinabahan ako. Parang nakapatay ako ng tao o ano. Pakiramdam ko katapusan ko na.
Putingalasese naman ng anak ng tupa ni Dagul! Bakit biglang ganun ang tanong! Ugh! Mamamatay na ko! Mamamatay na ko! Tulong!!!
Shiiiiitt!!!
"Hindi.", simple kong sagot.
Ilang sandali pa niya kong tiningnan. Parang binabasa ang mukha ko.
"Haha! Stone face ka talaga noh? Grabe. You're so wierd!", tawa niya.
Phew! Salamat Lord sa kakayanan kong itago ang emosyon ko! Never in my entire life na aabot sa puntong pasasalamatan kita sa ginawa mo! This stone face of mine is the best!
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..