Date

138 2 0
                                    

Napahawak ako sa pisngi ko at tiningnan sa kamay ko ang luhang tumulo. Ilang taon na ba ang akong di umiyak? Ever since namatay si lola pinangako kong magiging matatag ako at di mag-papaapi sa iba tulad ng palagi niyang sinasabi sakin noon.

Maybe that was the time i hid all those emotions. Happiness, sadness...Itinago ko ang mga emosyong ito kaya sa paglipas ng taon, tuluyan ko na silang nakalimutan. Tuluyan kong nakalimutan dahil wala naman ding mga bagay na nagpapasaya o nagpapalungkot sakin.

Pero ngayon, unti-unti na silang nagsisilabasan. And i wonder why.

Inabot ako ni Lowi at pinahid ng index finger niya ang pisngi ko. Tapos bigla niya itong kinurot.

"Don't cry ok? You'll see her i promise.", sabi niya sakin.

Tumango lang ako saka niya binitawan pisngi ko.

"Now, eat."

Nakatunganga si Lowi sakin habang tinitingnan ang pagubos ko ng ikalimang waffle na binili ko sa store. Oo busog na ko sa mga kinain namin kanina pero nothing beats the waffle as dessert para sakin lalo pa't nandito kami sa mall.

"Grabe pala tiyan mo noh.", sabi ni Lowi sakin.

Nagkibitbalikat lang ako. Tatlong cup of rice talaga palagi kong nauubos sa bahay. Malakas na talaga akong kumain noon pa. I don't know why.

Naglalakad kami paalis na ng mall at papunta na sana ng parking lot ng napahinto bigla si Lowi.

"Hey!", tawag niya.

Tiningnan ko ang taong tinawag niya at nakita ko si  Ronin. Di lang yun, kasama pa niya si Angelica. At mas lalong di lang din yun, magkahawak pa mga kamay nila.

I didn't notice I was gritting my teeth, narealize ko lang ng sumakit panga ko. Seryoso pala siya ha? Parang kagabi lang kung sino siya makapasok sa bahay at kwarto ko tapos may Angelica siya kagad ngayon? Dapat pala pinatay ko na siya ng tuluyan kagabi eh! Kung alam ko lang!

Tumingin siya sakin saka kay Lowi. Hinatak siya ni Angelica palapit samin habang magkahawak pa din ang mga kamay nila.

Nag-apiran si Ronin at Lowi.

"Yow.", ngiti ni Ronin.

"Hey pare!", sabi naman ni Lowi.

"Lowi,", bati ni Angelica saka napataas ang kilay na tumingin sakin, "Nag date din kayo?", sabi niya.

"Yep!", agad na tugon ni Lowi na nakangiti.

Wala na akong pakealam sa sinabi ni Lowi dahil nag-iinit ang ulo ka sa nakikita ko. Pasulyap-sulyap sakin si Ronin na hilaw ang ngiti, halatang di siya makatingin sakin ng diretso. Pero hindi ko tinanggal ang tingin ko kay Ronin and how i wish mamatay siya sa tingin ko.

I'm so angry gusto ko siyang ilampaso sa sahig. And i don't even know why! Basta! Naiinis ako!

"Really??", exaggerated na gulat effect ni Angelica, "Nice catch Nana. Turuan mo ko minsan nang gamit mong spells ha."

Dun ako napatingin sa mukang pokpok na si Angelica dahil sa kapal ng make-up niya.

"Turuan mo din akong mag mukang pokpok minsan ah.", agad kong sabi.

"Pft!", nagpigil ng tawa si Ronin at tiningnan siya  ng masama ni Angelica.

Pinipilit din naman ni Lowi na  di matawa kaya nagsalita na lang ito, "San na ba kayo papunta?", tanong niya.

"Maghahanap kami ng susuotin namin para sa party.", sabi naman ni Angelica.

"Cool. Kayo ang partner?", tanong ni Lowi.

"Nope.", agad na sagot ni Ronin, "Sinamahan ko lang siya maghanap ng damit."

Halatang biglang di maipinta ang mukha ni Angelica sa sinabi ni Ronin.

"Ah, ok. Then meet my partner nga pala.", sabi ni Lowi na inakbayan ako, "Bagay ba?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Lowi. Ako??? Ay fukingtsenis! Bakit ako??

Bago pa ko makapagsalita ay mabilis na niya akong hinatak palayo.

"Sige guys! Alis na kami! Natatae na  kasi si Nana! Bye!"

"Para maliwanag lang, di ako pupunta ng party.", sabi ko ng nakasakay na kami sa kotse.

"No. You're coming with me.", sabi niya na ipinaandar ang sasakyan.

"No i'm not.", sabi ko pa.

"Akala ko ba gusto mo makita ang lola mo?", tanong niya.

Agad akong napatingin sa kanya.

Binabalak ba niyang gamitin iyun para mapasunod ako sa kanya? Binablackmail ba niya ko??

"Di pa din ako pupunta ng party.", sabi ko.

"Ok. Ikaw bahala. Hanapin mo na lang lola mo. Baka sakaling makita mo siya.", nagpipigil siya ng tawa.

Grabe! Ang sama niya! Kala ko Prince siya ng school?? Eh siya kaya itong villain!

Sobra akong galit na umiinit na naman ang ulo ko. This is so not fair!

Nagsimulang umandar ang kotse at tahimik lang ako sa daan. Pinag-iisipan ko ng mabuti ang lahat. Kahit galit ako ay sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko. Nakasalalay pa din dito ang chance na makita ko ulit si Lola!

I hate parties! Ayoko ng mga ganun! Sobrang ingay! Sobrang gulo! At ako ang center palagi ng bully. I know! I've been to those events before and it do me no good. Hindi talaga ako para sa mga party2 na yan.

But! Pano ang lola ko??? I missed her so much! It would be soooo amazing to see her and talk to her. Marami akong gustong sabihin at itanong. Gusto kong marinig kung kumusta na siya...kung masaya ba siya dun kung asan man siya.

I can tolerate parties. Kaya ko naman...siguro. I'll try. Para sa lola ko, I'll do anything to see her.

"Ito ba ang way ng pagkokontrol mo sakin?", bigla kong wika at di maitago sa boses ko ang pagkairita.

"No. This is my way of grabing my opportunity.", ngiti niya sakin.

I don't know anong ibig sabihin niya dun  pero i have no choice.

"Fine. I'm going.", sabi ko.

Lumapad ang ngiti niya, "You forgot to say you're going with me Nana."

"Whatever.", kibit balikat ko.

Putingalasisi! Makikita ko dun si Ronin! Lechebuntingu! Alam ko he will have Angelica as her date ngayong alam niyang kay Lowi ako sasama! Papayag ba yun na walang date??? Magsama sila ng pokpok niya!!

I DON'T CARE!!!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon