~Nanana...may ibang nagvovote na dyan..hehe..thanks guys..vote pa kayo ha! mwah!~
Isang linggong walang pansinan...isang linggo na pagpapanggap na parang hindi kami magkakilala...isang linggo na tiniis kong hindi siya tingnan pero palagi akong pumapalpak...isang linggo na paghihirap para makalimutan siya...isang linggo na kalungkutan at sakit tuwing na mimiss ko siya...isang linggo at nakalimutan na niya kaagad ako...isang linggo at nakahanap na siya ng iba...isang linggo lang...isang linggo lang at ngayon masaya na siya...samantala ako, nandito pa din sa kinatatayuan ko.
Pano ko nalaman? Narinig ko sa buong kaklase ko. And that morning, nakita ko silang dalawa na sabay pumasok sa classroom namin. They were smiling...happy.
Ang sarap umiyak ng araw na yun. Ang sarap sumigaw at magdabog at itapon lahat ng gamit ko sa pagmumuka nilang dalawa.
Pakiramdam ko linoko niya lang ako. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako kahit hindi naman. Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko sa sakit...sa selos...sa galit...sa lungkot.
Ronin did never glance at me simula ng araw ng usapan namin sa clinic. Ni minsan di niya ko tinapunan ng tingin kahit isang segundo. And i felt betrayed. Naisip kong siguro di talaga totoo lahat ng sinabi niya sakin...lahat ng ginawa niya para sakin.
Was i been fooled?
Asan yung sinasabi ni Lowi na mahal niya ko?? Na kaya siya mamamatay dahil sa lutsugarengreng na pagmamahalan namin?? Kung ganun bakit andyan si Angelica ngayon???
I was clenching my fist ng hindi ko napapansin. Kung hindi ko pa naramdaman ang sakit ng mga kuku ko di ko pa malalaman.
Nagsimula ang lessons at di ako makaconcentrate sa tinuturo ng bawat guro. Biglang bumagal ang oras at bawat detalye ng mga nangyayari sa paligid ko ay naging isang blurr na lang.
Nakahinga ako ng maluwag ng nag ring ang bell para sa break time. Agad akong tumayo ng di inaayos ang mga gamit ko at lumabas. Di ko alam kung san ako pupunta pero naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa bigla kong naalala si Ron2.
Tama. Alam kong alam niya kung anong tumatakbo sa isip ni Ronin! I need to see him now! I need to confirm kung niloko lang ba niya ko! I need to know kung si Angelica na ngayon ang mahal niya! Dahil LINTIKONGKONG TALAGA SAKIN SILANG DALAWA KAPAG NALAMAN KONG PINAGLARUAN LANG NILA AKO! HINDI AKO JOKE AT PAPATAYIN KO TALAGA SILANG DALAWA! SUSUNDAN KO PA SILA SA IMPYERNO! PUTINGALASISI SILA!
URGH! Ang sarap manakal! Ang sarap pasabugan ang mga ngalangala nila ng atomic bomb!
Haist!
Pinagbubunot ko ang mga dahon ng mga tanim sa paligid. Di lang ako galit ngayon. Nag-aapoy pa ko sa galit!
Tinakbo ko agad ang likod ng school namin para makatakas dito. Alam kong break pa lang ngayon kaya di pa ko papauwiin ng guard. Ito lang ang paraan na alam ko. At kung tinatanong niyo kung baliw na ako para mag cutting classes para lang sa isang ulol na lalaki...well, obvious ba?? Kailangan ko talaga ang sagot sa mga tanong ko ngayon na kaagad! Sa lalong madaling panahon!
"I hate you cupid!", bulong ko sa sarili ko. May masisi lang eh noh?
Nakarating ako sa likod ng school at tiningnan ang mataas na pader. Naghanap ako sa paligid ng matutungtungan at sakto naman na mayroong mga nakatambak na sirang upuan doon. Pinili ko ang medyo matibay at di masyadong sira na tingin ko ay kakayanin ang bigat ko.
Agad kong dinikit ang upuan sa pader at umakyat doon. Pinilit kong abutin yung tuktok ng pader pero kulang pa ako ng isang dangkal na taas. Sinubukan kong tumalon-talon sa upuan at sobrang saya ko ng nahawakan ko na ang tuktok.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..