Flash

128 4 0
                                    

"F*ck!", bulong ko sa sarili ko dahil masakit yung sprain ko.

Umuusad na ang pila at sunod-sunod na ang pagpaso ng magpartner. Kahit pigilan ko, napapahigpit ang hawak ko sa kamay ni Ronin tuwing naglalakad ako. Oo, magkahawak pa din kami ng kamay! Bwesit!!

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa kaya gustong-gusto ko ng matapos itong walang kwentang event na ito.

"Don't be grumpy my little witch.", sabi ni Ronin sakin. "Pumapangit ka eh."

Ayan pa! Isa pa yan! Di pa ba sapat na nakakachansing na siya sakin ngayon? Tinatawag pa niya kong little witch! Fine! I'm a little witch. Pero hindi niya ko pag-aari para tawaging "my"!

Letchugas ni Maria naman oh!

Eto na naman...ang puso ko...haist! Mababaliw na talaga ako!

"Smile ok?", sabi niya.

Di ko siya pinansin. Ayoko na siyang pansinin!!

Malapit na kami kaya laking pasasalamat ko. Makaupo lang ako aayusin ko talaga tong paa ko! Sarap lang tanggalin eh!

"I think you don't look ok.", sabi ni Ronin na seryoso na ang boses, "Ok ka lang ba talaga?"

Sh*t! Nararamdaman kong may gagawin na naman ito ngayon kung ano! Kinakabahan tuloy ako.

Pinili kong di magsalita. Ayoko ng skandalo na naman. Nakakarami na ang isang t----

"Hey, look at me.", bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at itinapat sa muka niya,"You ok?", kunot-noo niyang sabi.

What the---

Malakas ko siyang binatukan.

"Aray!", hawak niya sa ulo niya.

Sh*t! Mamamatay na ko. Ang puso ko! Ahrgh! Bwesit! Nagulat ako dun ah.

"Putingalasusu Ronin nakakarami ka na ah!", bulyaw ko sa kanya.

Agad kaming pinagtinginan ng mga tao sa paligid.

"Kanina pa ata sila sweet oh."

"I think they're good together."

"Maganda naman pala si Nana eh, bagay sila ni Ronin."

"She looks like a living doll."

"Pano na si Angelica?"

"Wala na ba talaga ang Ronin natin?"

Yeah, i can hear them. At ayoko ng mga naririnig ko. Di ko matanggap na ito ang mga bagay na sinasabi nila sakin! I'd rather pag-usapan nila ako na isa akong wierd, witch, baliw, demonyita, or stone face tulad ng ginagawa nila dati noon! No this! I'm just...not use to it. And i hate it!

"Nag-aalala lang naman ako sayo.", sabi ni Ronin, "Saka anong putingala---ano?? Do you use alien words?"

Ambang babatukan ko siya ulit  kaso biglang sumakit ang paa ko kaya napahinto ako at napapikit sa sakit.

"What? Anong problema Nana?", tanong ni Ronin.

"Uhm..excuse me.", sabi ng babaeng nasa likod namin. "Pwede na ba kayong umusad? Malapit na tayo oh.",

Napatingin ako at di ko napansing medyo malayo na pala agwat namin sa pila. Pinilit kong maglakad ng maayos pero dahil wala na ang suporta ni Ronin, mas nahirapan ako at naging halata ang pag-iika-ika ko.

This is bullsh*t!

Hinawakan agad ako ni Ronin. Ang isang kamay sa bewang ko at ang isa nakahawak sa braso ko.

"Ba't di mo sinabing masakit ang paa mo?", tanong niya.

Di na ko nagsalita. Sapat ng hinayaan ko siyang alalayan ako. Ayoko mang aminin, kailangan ko talaga ng supporta at tulong ngayon. Ayoko naman gumapang sa sakit dito.

Kami na ang susunod na maglalakad sa stage at nakita ko kung gano kalayo ang lalakarin ko. Kaya ko ba ito? Bwesit! Urgh!

"Don't worry. Nandito ako.", sabi ni Ronin. "

Napatingin ako sa kanya na abot tenga ang ngiti.

"I won't let you fall.", dagdag niya at kinindatan ako.

Literally na nanginig ang buong katawan ko. Yung kiliti naramdaman ko na naman. Yung...yung something na parang meron sa tiyan ko.

Butterfly in my stomach?

Yun ba yung sabi ng doctor? Hindi ko alam kung yun nga yun pero nararamdaman ko talaga.

At pakiramdam ko sasabog ako. Sasabog ang nararamdaman ko!

"Woooaa! I thought you smile back there.", sabi ni Ronin.

Napaiwas ako ng tingin.

What??? Nagkakamali ata siya! Huh! It's....impossible right?

"Wierd. Akala ko talaga kanina." , sabi pa ni Ronin. "Hey tayo na ang sunod."

"Next!", announce ng emcee na namukhaan kong si Lowi, "Ronin Eñigo Frances with his partner Shiena Samantha Dizon."

"Ready?", tanong ni Ronin sakin.

Napatango naman ako.

Bigla na lang niya akong kinarga ng bridal style. Napatingin ako sa kanya at napakurap-kurap. Nagulat ako sa ginawa niya na sobrang di ko inaasahan. Ngumiti siya sakin.

"Now...let's pray i won't fall. Ang bigat mo!", tawa niya. "Hold on tight my little witch."

Unconsciously ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. Sobrang kaba ko lang mahulog kami!

Nagsimula siyang maglakad sa gitna ng stage. Nadinig ko ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga audience.

"Now this is what i call a grand entrance.", sabi ni Lowi sa mic.

All those time  di ko matanggal ang pagkakatitig ko kay Ronin habang naglalakad siya. On that spotlight, i am speechless on how gorgeous his smile, his eyes was...he's glowing.

At napaisip ako bigla, bakit ba niya ko nagustuhan? Pano niya ko nagustuhan? He's like  a sun radiating and i'm like a moon in the darkness. Sobrang magkaiba kami. Sobrang opposite in every way.

Everyone wants to be with him, samantala ako iniiwasan ng kahit na sino, kahit mga multo.  I have no one. He has everything.

Kahit anong taboy ko sa kanya, he always ends up with me. And everytime he's near, my whole system just gets out of control.

Tama, sa kanya ko ulit naramdaman ang iba't-ibang emosyon na matagal ko ng nakalimutan. At ngayon, kahit anong tanggi ko sa sarili ko, kahit sobrang hirap aminin...alam ko ang pamilyar na pakiramdam na ito.

Minsan ko din itong naramdaman noon...noong di pa ko binalot ng pagkamunghi at kalungkutan.

And i know...it's called happiness.

"Smile Nana!", sabi ni Ronin sakin na tinutukoy ang pagkuha ng litrato samin  ng camera man.

My eyes is glued kay Ronin. I felt the lightness in my heart. Nararamdaman ko ang explosion ng emotion sa loob ng dibdib ko, which eventually, unconsciously, uncontrollably made me smile.

Then nag flash ang camera.

Bumaling siya sakin at nawala bigla ang ngiti ko ng isang iglap at napalitan ito ng kaba.

He smirk, "Stone face as ever.", sabi niya.

Kahapon pa sana to tapos kaso nangawit isang braso ko eh. Sobrang pagod din ako kasi isa lang ako na nagduty sa shift ko! I tried updating as fast as i could but sa sobrang pagod ko kahapon knock down ang beauty ng lola niyo ...hehehe..anyways,hope you like this chapter!

Plz comment and vote!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon