Wink

97 4 0
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nadatnan ko si mommy na umiiyak sa sala. Naguilty tuloy ako. I know it was wrong for me na basta na lang umalis ng ganun. I made her worried. Isa pa, it's my first time seeing her cry and it hurts a little na ako ang reason nun.

"Mom.", tawag ko.

Napatingin siya sakin at agad na tumakbo palapit sakin at yinakap ako ng mahigpit.

"Alam mo ba kung gano ako nag-alala?? Wag mo na tong uulitin ulit!", iyak pa din niya.
Hinarap niya ko.

"Ano bang problema anak? Di ka naman ganito dati. Alam ko naman na may dinaramdam ka eh! Sabihin mo sakin. Kahit ano pa yan! Makikinig ako! Kahit gano pa yan kabigat tutulungan kita! Ako ang ina mo! Ayokong nakikita kang nasasaktan. Ayokong mag-isa ka diyan sa pinagdadaanan mo. Tell me. Anong problema?"

Di ko mapigilang di mapaluha sa mga sinabi ni mommy. It was very warm. At ilang taon din na ginusto kong marinig yun mula sa kanya.

Napaluha ako and I hug her tight. That night, I told her everything leaving nothing behind. Nagulat siya and I thought matatagalan bago siya maniwala sakin pero hindi...agad niya akong pinaniwalaan and she offered me help.

Tama sila. Di ko kayang mag-isa. Di pwedeng akuin ko ang lahat.

At di ko iniexpect ngayon na ikakatuwa ko ginawa ko ang desisyong ito. Because it brought me a little closer to my mom.

..........................................

Grand opening ng 150th school festival ng school. Sobrang dami ng tao sa gym kung saan gaganapin ang opening ceremony. Nasa backstage kami kasama ang mga kagrupo ko sa cheerdance. Sunod kasi ng mga speeches ay ang cheerdance competition between every highschool level. Kami ang last kaya medyo marami pang oras namin.

Nakatayo lang ako sa sulok habang tinitingnan ang ibang tao na nag-aayos ng mga mukha nila. Wala akong masyadong ginawa sa sarili ko since matatabunan lang naman ako ng mga props. Kung di lang talaga sa points na yun di naman talaga ako dapat nandito.

Maya-maya ay nagbuzz ang phone ko. Tiningnan ko yun at si Ronin ang nagtext. Isang salita lang yun pero agad bumilis ang tibok ng puso ko.

"Break a leg.", basa ko sa text niya.

As if naman sasayaw ako dun. Di nga siguro niya ko makikita dun eh.

"Hello!", tili ni Angelica mula sa phone niya dahilan para mapatingin lahat ng tao sa kanya.

"Oh babes?"

"Si Ronin ba yan?", tanong ng ibang babae sa paligid niya na kinikilig din tulad niya.

Para silang mga nagkukumpulang bulati na nag wiwiggle dahil linagyan mo ng asin.

Tumango naman si Angelica na abot tenga ang ngiti. "Yeah...thanks. Icheer mo kami ha.", sabi niya sa kabilang linya, "Hello? Ronin? Hello?", napakunot siya dahil nawalan siguro ng signal ang phone niya.

Buti nga. Bakit ba kung makaasta siya parang sila?? Sabi naman ni Ronin hindi sila.

Then again, napatingin ako sa phone ko. He texted me, while tinawagan niya si Angelica. Difference? Spelling. At ang effort. Ano ba kasing iniexpect ko? Na mas special talaga ako? No. For all i know baka nagsinungaling lang si Ronin sakin ng sinabi niya yun.

Ever since ng gabing yun, di naman ulit kami nagpansinan. Balik ulit kami tulad ng dati.

Ouch ha. Napabuntong hininga ako. Expectations sucks big time!

Lumapit si Angelica sakin habang naghahanap ata ng signal. Ng nasa tabi ko na nga talaga siya, napahinto siya dun.

"Ayan. May signal na.", sabi niya.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon