Sinabi ko kay Ron2 ang lahat ng nalaman ko. At syempre nagulat din siya sa mga nalaman. Pati ang mga plano ko ay sinabi ko na din. Binuhos ko na ang lahat ng alam ko. Maliban sa part na kaya siya mamamatay ay dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Sinabi ko lang na kailangan ko ng iwasan si Ronin dahil kapag kasama niya ako, mapapahamak siya. Masyado na kasing komplikado ang lahat.
Nakinig lang siya at gumagawa lang ng mukang gulat pero wala siyang sinabi. At ng natapos ako, ilang minuto din nagkaroon ng katahimikan.
Hinintay ko ang magiging reaksyon niya o kung anong sasabihin niya.
"Wow.", sabi niya na parang mas nagtataka kaysa sa gulat.
"Yun lang?? Really Ron2? Yun lang sasabihin mo??", biglang gusto ko siyang sipain. Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg sa pAg-iexplain tapos yun lang ang sinabi niya??
"Pwede namang di mo ko iligtas eh.", sabi niya bigla. At mas ikinagulat ko ng ngumiti pa siya, "Mangyayari at mangyayari ang lahat. Ok na yun. Wag mo ng alalahanin ang lahat. Hayaan mo na lang kung ano man ang magiging kapalaran ko."
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Biglang sumakit ang dibdib ko. Ano yun? Wala ba siyang pakealam sa buhay niya? Ganun na lang ba yun para sa kanya??
"Relax ok? Masaya na ako ngayon. Kaya ayokong iwasan mo ko.", malumanay ang boses niya.
"No!", madiin kong sabi, "Di mo ba naiintindihan? Mamamatay ka!"
"Alam ko.", agad niyang sabi, "Alam ko Nana. Kaya nga ako nandito ngayon di ba? Pero namamatay naman talaga lahat ng tao di ba? Kailangan natin yung tanggapin."
Umiling-iling ako.
"Palibhasa di mo nararamdaman ang nararamdaman ko!", galit kong sabi sa kanya, "Di ikaw ang maiiwan! Di ikaw ang malulungkot! Di ikaw ang magiguilty kapag may nangyaring masama sayo! Palibhasa ang kailangan mo lang gawin ay hintayin yang kamatayan mo! Pero pano ako? Di mo ba inisip ang sitwasyon ko??"
"Di kita maintindihan Nana. Alam mo, wala ka namang kailangan gawin eh. Kapag natapos to babalik din sa dati ang buhay mo. Tulad ng matagal mo ng gusto."
Agad napuno ng mga luha ang mga mata ko. At agad yung nag-unahan sa pagpatak. Pano ko sasabihin na di na ito ngayon tulad ng dati? Na hindi na iyun ang gusto ko. Na all i ever wanted is to be with him...or to see him alive...or to see him happy. Pano ko sasabihin na binago niya ang lahat sakin ngayon.
"God Nana. Ano ba talagang problema? Sabihin mo sakin ng malaman ko.", sabi pa niya. "Would you just please stop crying?!", frustated niyang sabi.
Pinahid ko ang mga luha ko at tiningnan siya. Wala akong planong sabihin to pero...i think dapat niyang malaman.
"Mahal kita. At yun ang problema."
......................................................
The moment na narealize kong mahal ko si Ronin o Ron2 was the same very moment i decided to let him go. Alam kong nagsisimula pa lang ang feelings ko at dapat di ako ganong nasasaktan, pero di ko maipaliwanag kung bakit sobrang sakit pa din.
But napagdesisyunan ko na ang lahat. At susundin ko pa din ang plano kong iligtas sila. Matapos ng usapan namin ni Ron2 kahapon, hindi ko na siya pinansin pa. Trinato ko siya tulad ng ibang multo na di ko pinapansin. Na kahit anong ingay ay di ko pinakikinggan, at kahit anong gawin niya di ko nakikita. I know nagmukha akong masama ng sabihin kong mahal ko siya tapos biglang di ko na siya papansinin, pero...pano niya ko maiintindihan kung bakit ko to ginagawa?? At pano kapag nailigtas ko na si Ronin at oras na para umakyat ni Ron2 sa taas at di siya makaakyat dahil di niya naiintindihan ang nararamdaman ko. Mas mabuti ng matanggap niya ang lahat ngayon para sa tamang oras, makaakyat na siya sa taas ng walang inaalala.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomansaHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..