Rooftop

222 2 0
                                    


Di ako nakatulog pag-uwi ko ng bahay. Sino ba naman ang makakatulog pagkatapos ng lahat ng nangyari at nalaman ko ngayon?? I need to do something. I need to know bakit galit na galit siya??

I started browsing the net and I searched Joy's full name. And what i learned shocked me. She is part of the socialite group. Makapangyarihan ang mga magulang niya di lang sa business world. They also have something to do with the black market. Verdoza ang apelyido niya at kilala ang pamilya nila sa pagiging ruthless.

Hindi ko alam kung tinatago niya ito sa whole school or sadyang di lang siya nagpapahalata. I don't get the point. Plinano ba niya lahat ng to??

For me? Ganito na ba siya kagalit sakin para gawin lahat ng to? An elaborate plan to knock me down? Ako na hamak na tao lang and i don't even know what have i done!

Ano ba talagang kasalanan ko?? Kahit anong gawin kong pag-iisip ay di ko talaga alam kung bakit niya to ginagawa!

Itong bagay na ito ang di ko masabi-sabi kay mom. She would panick for sure. At ayoko din siyang madamay sa kahit na anong gulo.

Napabuntong-hininga ako.

"May nalaman ka na?", tanong ni Ron2 mula sa aking likuran.

Kinagat ko ang kuko ko sa hinlalaki at nag browse pa sa internet.

"Alam ko lang makapangyarihan ang pamilya nila sa business at sa black market. They are known for being ruthless.", sabi ko.

"Di ba alam ni Ronin kung anong dahilan?", tanong pa niya, "Wala bang kahit isang hint na binigay yang Joy sa kanya? Kahit konti lang? I mean palagi naman silang magkausap ah."

"Shh.", saway ko sa kanya ng may nakita ako habang nag brobrowse. It caught my attention. Napahinto naman si Ron2 sa pagsasalita.

Tinitigan ko ang isang picture ng babae. May headline na nakasulat dun.

"Verdoza's eldest daughter missing"

"Bakit?", tanong ni Ron2.

"Shit.", bigkas ko ng naalala kung sino ang babae na tinitingnan ko sa screen ng laptop ko.

"Bakit?", tanong ulit ni Ron2.

Binasa ko ang article. 5 yrs ago, nawala bigla ang eldest daughter ng Verdoza's family. No trace found. Hanggang ngayon, the case was still unsolved.

"Siya ang multo na parati kong nakikita sa classroom.", sabi ko, "Siya yung babae na yun."

"Ibig mong sabihin kapatid siya ni Joy? Yung multo sa school niyo kapatid ni Joy?",

"Bakit?", napatanong ako sa sarili ko, "Di ko pa din maintindihan."

Inalala ko ulit yung mga panahon noon  na baka nakaligtaan ko lang na pansinin ang koneksyon nilang dalawa pero wala akong maalala. She even pointed out kay Joy noong nagtanong ako kung sinong may gawa ng vandal sa upuan ko!

Ugh! Bakit?

"Tanungin mo kaya yung multo na yun.", tanong ni Ron2.

"Ghost don't speak like you Ron2. Iba ang paraan ng communikasyon nila. At hindi ko yun alam.", nag-isip pa ko ng mabuti, "I can hear them, i can feel their emotions pero di ko sila maintindihan."

Kailangang gumana ng utak ko. Masasagot lahat ng katanungan ko sa pamamagitan ng multong iyun. I have to speak to her! Pero pano?? I can communicate with them through mind pero hirap silang makig communicate sakin through mind. I need someone....someone who knows how to....

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon