Saved!

180 5 0
                                    

Oo meron kaming deal ni Ron2 na tutulungan ko siya at tutulungan niya ko, pero hindi ako sumang-ayon na dikitan si Ronin sa school.

Ano ako uto-uto?? Pwede namang bumalik ang alaala ni Ron2 kahit tingnan lang ako ni Ronin. Yun kaya sabi niya. Sapat na ang pumapasok ako sa school na tulong ko sa kanya.

Madalas lang akong tingnan ni Ronin. Alam ko kahit di ko mahuli tingin niya sakin dahil nararamdaman ko. Tulad ng pakikiramdam ko sa mga multo. Di ko alam pero parang ganun na talaga kalakas ang senses ko. Di ko na lang siya pinapansin dahil for sure hanggang ngayon takot pa din yan sakin.

May mga naikwento si Ron2 sa aking alaala tuwing umuuwi ako pero madalas di ko na pinapansin. Wala naman kasi siyang binabanggit na paraan para mawala siya sa bahay namin.

At eto pa, sooooobrang kulit niya! Parang kiti-kiti na di pumipirme. Masyadong hyper! Tulad ng Ronin sa school na palaging may kausap at kung saan-saan pumupunta. Di naman sa pinapansin ko siya o sinusundan pero duh! Ang lakas kaya ng boses nila pag nag kukwentuhan at madalas kong marinig na hinahanap siya! Di ko alam san bAnda sa lalaking yun ang cool.

"Nana tingnan mo ang muscles ko! Macho ko na noh!"

"Nana gusto ko manood ng Tom and Jerry."

"Nana pwede ba akong kumanta?"

"Nana nagawa kong hawakan ang unan! Galing!"

"Nana may magandang movie ngayon nakita ko sa palatastas kanina sa tv!"

"Nana may daga dun sa basement kanina! Tingin ko isa na silang pamilya."

"Nana nagtumbling ako kanina tapos tumagos ako sa pader nagpagulong-gulong ako. Hahaha!"

"Nana ang baho ng utot ng mommy mo! Nakakamatay!"

"Nana!..."

"Nana!..."

"Nana..."

"Nana..."

"Nana..."

"Ugh! Ron2 tumahimik ka nga!!!", galit kong sigaw sa kanya. Tumahimik din naman siya at napatigil sa pagbibilang ng pahina ng notebook ko.

"Tahimik naman ako ah.", painosente niyang sabi.

Grabe! Kainis! Isang linggo ko na pinagtitiisan ang lalaking to! Kulang ata to sa pansin eh! Mas gugustuhin ko pa yung parang bubuyog ang naririnig ko kesa sa kanya na kung ano-anu ang mga pinagsasasabi.

"Labas!", sabi ko sa kanya.

"Nana ayos ka lang ba dyan?", sigaw ni mommy sa ibaba.

"Opo!!", sigaw ko din pabalik.

'Labas ka na nga!', sabi ko sa isip sa kanya.

"Ayoko.", sabi niya, "Dito lang ako. Promise di na kita didistorbuhin at kakausapin pero dito lang ako please! Ayoko talaga kasi ng mag-isa. Di naman ako nakikita ng mommy mo eh.", malungkot niyang wika.

'Wala akong pakealam! Alis!', sabi ko pa at tiningnan siya ng masama.

Tiningnan din niya ko kaya nagkatinginan kami mata sa mata ng ilang segundo.

"Bakit ba gusto mo palagi kang mag-isa? Kahit sa school ganun ka pa din. Mayroon kang aura na parang ayaw mong lapitan ka ng ibang tao. Hindi ka ba nalulungkot?"

Parang di ako makapaniwalang sinasabihan ako ng ganito ng isang multo. Parang isang linggo pa lang kami magkakilala akala niya 10 yrs na pinagsamahan namin. Ni mommy ko nga di ako sinasabihan ng ganito tapos siya biglang---- Haist! Bwesit!

"Bakit, yun ba ang iniisip din ni Ronin? Yun ba ang alaala na nakalagay sayo ngayon? Na mag-isa ako at malungkot?? Pwes nagkakamali ka! Gustong-gusto ko ang mag-isa! Masaya Ako kapag mag-isa lang ako kaya labas sabi!"

Agad din siyang naglaho sa paningin ko.

Badtrip! Putingalasasa! Bwesit!

Grrrrr!!!!

Siya na ang pinakanakakainis na multong nakilala ko!

Ilang araw di nagpakita sakin si Ron2, ewan ko kung san siya nagsususuot sa bahay.

Tumahimik din sa wakas ang buhay ko pero...alam niyo yun...parang may kakaiba akong nararamdaman ng di na siya nagpakita sakin...di ko lang alam kung ano, parang...ah ewan! Bahala siya sa buhay niya!

Wala akong pakealam!

P.E namin kinabukasan sa school at sa gym kami naglaro ng mga sports. Marami sa mga lalaki ang naglalaro ng basketball at volleyball naman ang ibang girls, yung iba taga hiyaw lang ni Ronin.

Nasa pinakamataas akong bench at naglalaro lang ng cp ko dahil di naman ako mahilig sa sports.

May isang multo sa gym at nakatayo lang siya sa gitna ng basketball court. Isang babae na mahaba ang buhok. Dinig na dinig ko ang galit niya dahil sa ingay ng paligid. Ayaw  niya nito. Pero wala akong pakealam kaya hinayaan ko na.

Maya-maya pa ay tumalbog ang bola malapit sakin. Napatingin lahat sakin.

Ano tingin nila kukunin ko ang bola?? Mukha ba akong taga kuha ng bola?

Si Ronin ang lumapit. Bago niya kinuha ang bola ay sumulyap siya sakin habang busy pa din ako sa cp ko.

Tumalikod na siya.

"Mahuhulog...mahuhulog...mahuhulog...", nadinig ko ang sabi ng multo.

Tiningnan ko si Ronin pero mukang ok naman siya na pababa na ng hagdan.

"Mahuhulog...mahuhulog...", ulit ng multo.

Tiningnan ko ang multo at nakita ko siyang nakatingala sa itaas ng kisame.

Ng tiningnan ko ang kisame, may nakita akong kahoy na nakalambitin. Parang umaalog ito. Di ko na sana papansinin ng biglang huminto si Ronin sa mismong itaas ng kahoy na nakita ko at umupo  para itali ang sintas niya.

Ah bwesit! Bakit diyan pa siya huminto??

Napatayo ako. Gusto kong tumakbo pero bigla akong napatigil. Bakit ko siya ililigtas? Di naman siguro siya mamamatay. At baka ako pa ang matigok nito!

Ah bahala siya!

Pero di din ako makaupo dahil mahuhulog na ata ang kahoy.

Pero alam niyo yun, naguguluhan ako kung anong gagawin ko. I don't care dapat Nana di ba? Bakit gusto mo ngayong iligtas yan?? Kailan ka ba nangialam sa buhay ng ibang tao??

Biglang pumasok sa utak ko si Ron2.

Letse! Anong mangyayari dun kapag napahamak tong si Ronin.

Putingalasese ka Ron2! Papatayin talaga kita pag nakita kita mamaya!

Nakita kong mahuhulog na ang kahoy!

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at itinulak siya dahilan para magpagulong-gulong siya sa hagdan.

Nakarinig ako ng malakas na sigaw galing sa ibang tao.

Nahulog ang kahoy at dahil di na ko nakailag, natamaan ang kaliwang balikat ko.

Shockz lang! Ang saaaaaakiiiit!!!

Nakita kong agad nagsipaglapitan ang lahat sa nahulog na si Ronin. Tinatanong kung ok lang siya at kung anu-ano pang kaekekan.

"You!", sigaw ng Angelica sakin. Oo kilala ko siya dahil siya ang unang nag hands up dahil ayaw daw niya sakin. At ex ni Ronin na may alaala ni Ron2 at whatever na wala akong pakealam.

Tumingin lahat ng tao sakin.

Ito nga ba ang sinasabi ko eh.

Ahmmm..masyado bang mabilis ang story? hehe..comment po kayo..tnx!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon