Agad ko siyang nabatukan.
Pumunta lang ako dito mag-aasume na siya? Oo totoo yun, pero wala akong planong malaman niya.
Napatawa na lang siya at umupo na kami sa sahig. Nagtatago kami sa likod ng pader at doon namin aabangan si Joy. 5 am pa lang ng umaga kaya medyo madilim pa. Pero may kaunting sinag din naman ng araw.
"Pero di nga..pano mo nalaman? Wala naman akong pinagsabihan sa plano kong ito.", sabi ni Ronin.
Hay naku...eto na nga ba sinasabi ko eh.
"Pwede tumahimik ka na lang?", sabi ko naman.
"Ohhh..so totoo pala ang balitang your into witchcraft. So nahuhulaan mo ang hinaharap? O ang iniisip ng tao? Wait di ba bampira yun? Guess. Your half vampire half witch. Cool ata nun. Can't imagine. So...ano ka ba talaga?"
Tiningnan ko lang siya ng masama.. Ngumiti lang siya at tumahimik na din.
Di ko na talaga kilala ang sarili ko. Parang kagAbi lang ay super sure ako na di ko siya pupuntahan dito, pero eto ako ngayon at katabi na naman ang butikeng ito. Haist!!,.
Ano ba kasing nagustuhan ko sa lalaking ito?? Nagkabuhol-buhol na ang buhay ko ng dahil sa kanya.
"Hey.", tawag niya pagkaraan ng 10 seconds.
Oo binilang ko dahil alam kong di niya kayang tumahimik ng lagpas 10 seconds. Proven and tested through Ron2.
Lumingon ako sa kanya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Hinintay ko siyang magsalita pero tinitigan lang niya ko ng maige. Like he was searching for something through my eyes.
Pero kahit gustong kong mag-iwas ng tingin, di ko magawa. Parang every second of that moment na nagkakatitigan kami is a joy to my heart. Di ko alam kung bakit ganun bigla ang naramdaman ko. But i'm certain i'm leaping with happiness sa kaloob-looban ko.
Oo na, ako na ang tinamaan ng lintik na kupidong iyan!
Ngumiti siya kaya bumalik ako sa realidad. Nakalimutan kong ako si Nana. Ako si Shiena Samantha Dizon. And what i just did is not me. Babatukan ko na sana siya ng napayuko ito at nakita kong namumula ang tenga niya.
"Ah! Nana! Why are you so beautiful?", sabi niya na nakatakip ang mukha.
Kahit ako nag-init din bigla ang mukha kaya napatingin na lang ako sa ibang direksyon.
Shockz lang! Ilang beses ko ng nadinig ang ganong klaseng kompliment sa buong buhay ko pero palagi kong binabalewala. Bakit ngayon parang...parang pakiramdam ko totoo? Bakit gusto kong maniwala? Bakit nakaramdam ako ng kasiyahan?
"Di mo ba naisip na baka totoo ang sinasabi ng ibang tao.", nasabi ko out of nowhere, para magkaroon din ng distraction ang utak ko, and since naumpisahan ko, tatapusin ko na lang, "Bakit di ka takot sakin kahit nakita mo na ang video?", tanong ko. "Di ba yun wierd para sayo?"
"Lasing ka kaya nun. Everyone do wierd stuff kapag lasing tayo. Eh sa yun trip mo eh. Ako nga kapag lasing gusto kong yakapin ang mga poste. Pero i have to admit sobrang timing ng sigaw mo saka biglang pagbuhos ng ulan at kidlat.", ngiti niya.
Ok. So yun lang ang reason niya?
Fine. Wierd talaga ng lalaking to. Kaso, di nga niya alam ang dahilan kaya ganun. Pero...atleast di siya tulad ng ibang tao.
"Eh ikaw pano mo nasigurado kagad na si Joy ang may kagagawan nito?", tanong naman niya.
Natahimik ako. Ngayon pano ko ipapaliwanag?
Bigla kaming may narinig na ingay kaya naging alerto kami. Buti na lang. Save by the bell.
Sinilip namin kung san nanggagaling yun at nakita nga namin si Joy. May dala siyang isang bag ng basura at isang can ng pintura.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..