Something

100 2 0
                                    

"What do you mean? Di mo ko pinaniwalaan noon??", sabi ko pa.

Di makapaniwalang nagpanggap lang siya na naniwala sakin.

"Imposible yun di ba?", sabi pa niya.

Wow! I was fooled. Sabagay sino ba naman ang niloloko ko na paniniwalaan ang mga sinabi ko. Walang normal na taong maniniwala sakin. Nagmukha tuloy akong baliw sa harapan niya.

"Sabihin mo sakin pano mo nalaman lahat.", tanong pa niya.

Naibagsak ko ang  mga balikat ko. I didn't expect this. Pumunta ako dito na naniniwala sa kanya, yet ako...ako di niya ko pinaniwalaan. Ang tanga-tanga ko. Masyado akong naniwala na mahal niya ko.

Tumalikod ako dahil gusto ko ng umalis pero mabilis niya kong pinihit paharap sa kanya.

"No! Don't go! Sabihin mo sakin---"

Agad ko siyang itinulak at napaatras siya.

"Sinabi ko na sayo. It's up to you to believe in me or hindi. I don't care.", mariin kong sabi.

Tumalikod ako pero naramdaman kong yinakap niya ko mula sa likod. Di ako nakakilos. Nanghina kagad ang mga tuhod ko. My anger disappear sa isang kisap-mata. Ramdam ko ang mabigat niyang paghinga sa leeg ko. Mainit yun at masarap sa pakiramdam.

"Don't go...", bulong niya, "I'm scared...i need you."

Napapikit ako. What the hell Nana! Nandito ka para tulungan siya! Hindi para mag-inarte. Ano ngayon kung nasaktan ka. Normal lang naman na di ka niya paniwalaan di ba?? Nandyan siya tuwing kailangan mo siya. At ngayon, ako naman ang kailangan niya, i need to be with him. Put down your pride.

"Pumunta ako dito dahil naniniwala ako sayo. Because i trust you. Because i wanted to help."

"No...", sabi niya na binitawan ako. Napaharap ulit ako sa kanya.

Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harapan ko. Napahilamos siya sa mukha niya tulad ng ginagawa din ni Ron2 kapag frustrated siya. Hinarap niya ko ulit at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Listen. Wala kang gagawin ok? Di mo to alam. Magpapanggap kang walang alam."

Napailing ako. Di ko maintindihan sinasabi niya.

Napapikit siya at ramdam ko ang bigat ng hawak niya sa balikat ko. Parang kinakalma niya ang sarili niya.

"She's willing to do everything para  makaganti sayo Nana. Malaki ang galit niya sayo. She...can harm you!"

"Pero anong kasalanan ko??"

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang she's doing extreme. Kaya ka niyang saktan at di ko yun pwedeng hayaang mangyari. Kapag nalaman niyang gumuho ang plano niya di ko alam ang gagawin niya---she's crazy...she's crazy Nana! Pwede ka niyang ipapatay at...", nanghina siya sa sinabi niya at yinakap ako ng mahigpit, "Alam mo bang pag nalaman niyang nandito ka ngayon, she could kill you in an instant. Dahil hindi ito kasali sa plano niya. Maraming mata ang nagmamatyag sakin. Kaya kailangan mong mag-ingat."

Yinakap ko din siya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. I feel secured kapag yakap ko siya. Pakiramdam ko safe ako sa kanya.

"I'm not scared.", sabi ko.

May munting tawa na lumabas sa kanya.

"As expected. But kailangan mong mag-ingat.", sabi niya.

"Ikaw din."

"Kaya ko ang sarili ko."

"Kaya ko din naman ang sarili ko."

Hinarap niya ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon