Dinala ako ni Lowi sa dalampasigan at naupo ako sa ilalim ng isang niyog. Malakas ang hangin kaya medyo malamig kaya yakap-yakap ko ang mga binti ko.
Ayoko pa kasing umuwi. Ayoko pang malaman kung andun pa ba talaga si Ron2. Oo, ok na si Ronin at posibleng hindi napano si Ron2 pero posible din kaya naging ok si Ronin ay dahil nawala si Ron2.
Alam niyo yun? Baka nawala na ang present na kaluluwa ni Ronin tapos pumasok dun si Ron2 kaya bigla siyang nawala kanina. O baka naman nawala na lang ng tuluyan si Ron2 dahil sa aksidente kanina dahil----dahil ewan!
Haist!
Naramdaman kong may jacket na bumalot sa mga balikat ko.
"Malamig." ,sabi ni Lowi.
Isinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. "Iwan mo muna ako Lowi."
"Hindi ba pwedeng magisip-isip din ako dito?" ,tanong niya. "Alam mo, pareho lang din tayo ng pinagdadaanan. Wag mong iisiping ikaw lang ang nahihirapan dito."
Napatingin ako sa kanya. Tingin ko mas mahirap ang pinagdadaanan ko dahil kaibigan lang naman niya ang mawawala sa kanya eh. Ako? Yung taong mahal ko. Yung multong mahal ko. At ang masama dun mamamatay pa si Ronin at tuluyang di ko na makikita si Ron2. Kaya kung nahihirapan siya sa lagay na yan, pano pa ako??
"Tingin mo ba ginusto ko itong lahat?", sabi niya na ngumiti ng malungkot, "Alam mo bang ampon lang ako?"
Nagulat ako dun at mas nakinig pa sa mga sinabi niya. I thought his life was perfect. Meron din pala siyang pinagdaanan na ganito.
"I was adopted when i was around 7 i think. Kaya natatandaan ko pa kung pano ang pakiramdam ng mawalan ng pamilya. Wala naman akong reklamo ng inampon nila ako eh, they were the best parents. But lately nalaman kong inampon nila ako dahil isa sa mga ninuno nila ay reincarnation ko daw. They said may reason daw kung bakit nila ako nakita sa ampunang iyun. Noon, pinagpapasalamat ko ang bagay na yun. Pero ngayon, how i wish hindi na lang nila ako inampon. Eh di sana hindi ako nandito sa sitwasyong ito."
"Alam ko simula pa lang na ganito na ang mga mangyayari. Sinabihan na ako ni Lolo tungkol sa storya ni Juan at ako noong unang buhay namin.",ngumiti siya ng konti, "Magiging karibal ko daw si Ronin sa iisang babae. Nung una di ako naniniwala. Pwede mo namang baguhin ang tadhanang nakalaan para sayo eh. Pwede ko namang piliin na di magustuhan ang babaeng magugustuhan ni Ronin. Kaibigan ko si Ronin at ayokong mawala ang bagay na yun."
"Noong naging sila ni Angelica natuwa ako dahil hindi nangyari yung sinabi ni Lolo. I mean, nakaya kong iwasan at baguhin ang tadhana ko. Hindi ko nagustuhan yung babaeng nagustuhan ni Ronin kaya akala ko di totoo ang lahat. And then i saw you.", nagkatinginan kami and for a split of second, nakita ko kung gano siya kalungkot.
"Nagustuhan na kita bago pa man tayo unang mag-usap. Alam kong di ka maniniwala pero ilang beses na tayong nagkita outside of school or bago ka pa man nagtransfer sa school. Hindi ko lang alam ang pangalan mo o kung bakit ganyan ka.", napatawa siya sa huli niyang sinabi kaya tiningnan ko siya ng masama, huminto din naman siya at nagpatuloy, "Tapos nagtransfer ka nga sa school at di ko inakalang ikaw pala ang sikat na Nana Dizon na sinasabi nila."
"I think i liked you first. Kaso mukang kampi talaga sa inyung dalawa ang tadhana dahil naging classmate kayo ni Ronin. To make the story short, i fell in love with you ng di ko nalalaman habang ganun din pala si Ronin. Before i knew it, wala na akong nagawa. Di na kita kayang iwasan at di na kita kayang pakawalan."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Lowi.
"Alam ko yung pakiramdam ng walang magawa Nana. Yung parang gusto mong kalabanin ang agos ng tadhana. Sinubukan kong iwasan ka at ang sitwasyong ito, pero...naisip ko bigla, siguro may rason kaya pinili ko pa ding mahalin ka sa buhay na ito. At gusto ko din kahit papano wala akong pagsisihan ngayon. Alam mo kung anong mas mahirap?"
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..