~Take note: Sadya yung wrong grammar na 'I too' ni Nana. Sa sobrang kaba niya mali ang nasabi niya kaya yun. Haha. Baka isipin niyo ang bobo ko naman!~
"Long time no see.", sabi ko sa kaharap na si Ron2.
Nasa kwarto kami at hawak-hawak ko ang phone ko. Inaabangan ang tawag ni Ronin. I'm expecting after 30 minutes tatawag na siya. Kapag hindi, ako na mismo ang tatawag mamaya.
Ngumiti siya, "Masaya ako sa ginawa mong desisyon. Salamat.", sabi niya.
"Tulad ng sabi ko kanina, you're worth the pain.", sabi ko, "Kakayanin ko, kakayanin natin."
"Ang awkward. Di naman tayo ganito dati.", tawa niya, "Pakiramdam ko nga pumikit lang ako saglit, pagdilat ko ulit eto na tayo."
Nagkatitigan kami ng ilang sandali. And i wonder pano ko naramdaman ang bagay nato sa kanila. San nagsimula? Bakit sila pa? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero napaka swerte ko lang at ang unang taong nagustuhan ko, gusto din ako. Oo medyo malas kami sa ibang bagay pero itong sitwasyon namin ngayon, mas lalong nakapagpatunay kung gano namin kamahal ang isa't-isa.
"I missed you.", sabi ko pagkaraan ng ilang sandali.
Napangiti siya, "I too."
Napangiti na lang din ako. At nag ring ang phone ko. Si Ronin.
.......................................................
That night was a good night sleep. Di ko na maalala kung kailan ang huling magandang tulog ko.
Nakatulog ako sa gitna ng mahabang usapan namin ni Ron2. Huling naalala kong pinag-usapan namin, tungkol sa pamilya niya. How he missed his family at kung gaano niya sila kamahal.
Kinabukasan, excited akong lumabas ng bahay. At my heart beat soar high when i saw Ronin with his bike. Pero nawala ang ngiti ko ng nakalapit na ko sa kaniya. Napansin ko kasi ang maliit na cut sa labi niya at pasa sa pisngi niya.
"Anong nangyari sa mukha mo??", pagtataka ko.
"Kagabi. Pumunta ako kay Lowi remember?"
Muntikan na ko magalit ng hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Relax. Bati na kami ok? Sabihin na lang natin nagkalabasan lang ng sama ng loob kagabi.", sabi niya sakin, "Ngayon, sakay na at baka ma late pa tayo."
Napabuntong hininga ako. Mga lalaki talaga. Ang hirap nilang intindihin! Pero atleast ok na sila.
Nakasakay na ko sa likod ng bike niya ng bigla naman niya akong pinababa. Asar akong bumaba.
May problema talaga ang lalaking to sa utak eh. Ang ganda na ng pwesto ko sa likod ng bike niya tapos biglang pabababain niya ko.? Late na nga di ba?
"Bakit ba?", asar kong wika.
Hinawakan niya bigla ang magkabilang pisngi ko na parang ayaw niya kong makawala sa kung ano man ang gagawin niya. Napakurapkurap ako sa gulat.
Then he kissed me sa lips. Madiin pero saglit lang. Smack ata tawag nun.
"Good morning kiss. Pangpa good vibes.", kindat niya.
Tahimik akong bumalik ulit sa kinauupuan ko kanina. Nawala lahat ng inis ko bigla.
Bitin ah. Kainis!
.......................................................
Pagdating ko ng booth, nakita ko agad si Lowi. May pasa din siya sa may labi at isang cut sa may kilay. I suddenly prayed na sana ok siya...emitionally speaking.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..