"B-bitawan mo ko...", sabi ko. Ba't nanghihina boses ko??
"No. Susuntukin mo ko eh. Dudugo sugat mo. Gusto mong maubusan ng dugo?", sabi pa niya.
Di talaga ako makaisip ng sasabihin. Nasa state pa ko ng mental shock kaya di ko na alam ang gagawin. First time akong yinakap ng ibang tao bukod sa lola ko. Kahit mommy ko di ito nagagawa.
And it felt ticklish. Parang kinikiliti ang loob ng tiyan ko na di ko maintindihan.
What is this??
"Thank you for saving me back there.", sabi pa niya, "Kahit tinulak mo ko at nagpagulong-gulong ako sa hagdan.", natatawa niyang wika, "But still thank you. Ikaw tuloy nasugatan ngayon."
Bakit ang init??? Bakit biglang uminit???
Biglang bumukas ang pinto at agad na lumayo si Ronin. Nakita ko ang isang babaeng naka white uniform. Nasa mid 30's na siya. Nagpabalik-balik tingin niya sa aming dalawa ni Ronin. Mukhang nahuli niya kaming nagyayakapan.
Nagyayakapan??? Yun ba ginawa namin kanina? No! Nagyayakapan kapag pareho kayong dalawa may gusto! Ba't siya lang itong niyakap ako!!!
Putnik ni espato naman eh!
Ang manyak mo Ronin!!!
"What are you two doing?", nakataas na kilay na tanong ng nurse.
"Nothing.", kibit balikat ni Ronin. "Just...uhm..trying to stop the bleeding.", nakangiti na nitong wika.
Tiningnan ako ng nurse.
"No.", sabi ko, "He was harrasing me.", turo ko kay Ronin.
Gulat na napatingin sakin si Ronin.
Namaywang ang nurse kay Ronin.
"Hindi ma'am!", sabi pa niya.
"Labas Mr. Frances!", sabi ng nurse.
Napailing-iling na lang si Ronin. At with hunch back ay tumungo sa pintuan. Pero bago niya binuksan ang pinto, bumaling muna siya sakin.
"Do you know your huggable Nana.", ngiti niya at dali-daling lumabas ng ambang babatukan siya ng nurse.
"Pasaway talaga ang batang yun.", sabi ng babae.
Huggable my ass! Manyak lang talaga! Sa susunod uulitin niya yun makikita na niya talaga! Bwesit!
Putingalasisi ka Ronin! Grrr!
Pinauwi ako ng maaga ng guro dahil wala naman akong magagawa sa whole day PE namin. May sugat nga ko di ba? Actually wala naman talaga sakin ang sugat. Di naman ako mamamatay dun.
Ayoko lang makita ulit si Ronin. Ayoko dahil ayoko! Tapos! Di ko kailangan ng rason para dun. Mag-eeffort pa ba akong mag-isip ng rason eh di ko naman din alam ba't ayoko siyang makita. Basta ayoko lang.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko si Ron2 sa sala na nakaupo at nakapikit. Oo nga naman! May takas pa ba ko? Si Ronin sa school at si Ron2 sa bahay. Eh 24 hrs ko siyang kasama eh! Malas! Dapat mawala na dito si Ron2 sa bahay.
Inilapag ko ang mga libro ko sa mesa ng sala namin. Napapitlag naman siya sa gulat.
"Teka---wala ka na sa school? Ang aga mo namang umuwi?", sabi niya, "Kaya pala di na kita makita."
Kung makapagsalita siya parang di siya nagtampo sakin ah. Parang di siya nagpakita ng ilang araw sakin!
Nakalimutan na niya hinanakit niya sakin? Kung sabagay, kapal lang ng mukha nito eh! Hindi ba niya alam ginawa niya sakin kanina??
"Matutulog ako kaya wag kang distorbo.", sabi ko at paakyat na sana ng hagdan.
"Ok lang ba sugat mo?", tanong niya.
"Kita mo to?", turo ko sa benda sa braso ko, "Ok na di ba? Kailangan pa bang itanong?"
Hahakbang na sana ako sa hagdan ng nagsalita siya ulit.
"Nana..ahh..tungkol kanina. Di naman kita naging crush dahil niligtas mo ko. Ang totoo niyan crush na talaga kita noongg una pa. Kaya...wag ka namang magalit oh."
Napabuntong hininga ako. Kaya nga ako pumayag na umuwi eh dahil sa mga ganitong usapan. Dahil alam ko gaganituhin din ako ni Ronin sa school. Pero ano? Eto pa ang isang to.
Tiningnan ko siya ng masama at unti-unting lumapit sa kanya. Kung kanina di ko nahawakan si Ronin, ngayon di na makakaligtas si Ron2 sakin.
"Anong...anong binabalak mo?", napapaatras siya.
Agad akong tumakbo para mahuli siya. Nahawakan ko ang braso niya.
"Aaaahhhh!!! Nana this is unfair!", sabi niya dahil tumatagos lang siya sakin, pero ako, kaya ko siyang hawakan, "Bitawan mo ko Nana! Isa!", hinila ko siya pataas sa hagdan.
Nagpupumiglas siya pero wala iyung silbi sakin. Magaan siya na parang hangin dahil multo siya.
"Please Nana! Anong gagawin mo sakin! Ano bang kasalanan ko sayo?? Ahhhh! Bakit ba kasi di kita mahawakan! Nana! Nana! Nana!"
Muntik ko pa siyang mabitawan ng nasa hagdan na kami pero ng tatakas na siya, paa na niya ang nahawakan ko. Kaya kinakaladkad ko na siya pataas sa hagdan.
Pinipilit niyang hawakan ang kung ano mang pwedeng hawakan pero tumatagos lang siya sa lahat ng bagay.
Ngayon makakahiganti nako!
"Aaaaahhhhh! Ayokong madouble dead! TULOOOOONGGGGGG!!!!"
At isinara ko na ang pinto sa kwarto ko.
"Aray!", hiyaw ni Ron2 ng pinitik ko ng malakas ang ilong niya. Dahil pointed at mataas yun ang dali lang para sakin nun.
Ang galing! Nagugustuhan ko tong ginagawa ko ah. Bawat maling sagot niya ay pinipitik ko ang ilong niya. Di siya makagalaw o makatakas kasi nakaikot ang braso ko sa leeg niya.
"Tama na Nana!", sabi niya na hawak-hawak ang ilong niya,"Kahit multo ako masakit pa din ah!"
"Eh mali ang sagot mo sa mga tanong ko eh.", sabi ko.
"Hindi yun mali! Ayaw mo kasi sa mga sagot ko. Totoo namang crush kita eh."
Pinitik ko ulit ilong niya.
"Aray!"
"Sabi ko di ba, wag kang mag kacrush sakin. Ano ka bata? Anong crush-crush pinagsasasabi mo?"
"Di ba pwede? Inamin na ni Ronin, may magaga---Aray!", sabi ko. "Urgggh! Nana tigilan mo na nga to!"
"Nope.", sabi ko, "Ngayon. Sundin mo ang sasabihin ko. Hindi kita crush Nana."
"Crush nga kita ang kulit mo naman eh!",
Binatukan ko siya sa ulo.
"Crush kita! Crush kita! Crush kita! Crush kita! Crush kita! Crush kitaaaaaaaa!!!!!!......"
Tinulak ko na siya. Kainis! Ang sakit sa tenga! Ayaw talagang paawat eh! Ang tigas ng ulo! Kulit!
"Whatever Ron2! Tsk! Badtrip!", sabi ko na humiga na lang sa kama.
"So tanggap mo na crush kita?", sabi niya na lumapit sakin.
Nasa tapat ko ang mukha niya. Pulang-pula ang ilong.
Naaalala ko bigla ang nangyari kanina sa amin ni Ronin. At ngayong tinitingnan ko si Ron2, oo, di maipagkakailang may itsura nga ang bogok na to. Hindi ko naman pinapansin ang every detail ng mukha niya noon pero ngayon...yeah, they're right, he's cute and handsome all in the same time. Perfect curved lips, bilugan ang mga mata pero intsik naman ang dulo, at...why do i feel ticklish sa tiyan?
Teka----ano tong pinag-iisip ko???? What the---
Tinulak ko ang mukha niya sa harapan ko, "Alis!", at sinubsub ang mukha ko sa unan.
Grrrrrrrrrrr!!!!!!... I hate this! Anong nangyayari sakin??? Bakit ganito???
Putangilasusu Ron2!!!!
Hi guys...nung say niyo sa chapter na to??,boring ba??
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
Roman d'amourHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..