Eksena

162 5 0
                                    

Gusto kong bugbugin si Ronin sa ginawa niya! Gusto ko siyang magkagutay-gutay! At kung nakamamatay lang ang tingin, patay na si Ronin kanina pa.

Eto kami at naglalakad papuntang klase namin. Ako puno ng itim na aura at di maipinta ang mukha, samantala eto siya sobrang liwanag at abot tenga ang ngiti.

Nanlaki ang mga mata ni Angelica ng nakitang hawak-hawak ni Ronin ang kamay ko. Pati buong klase namin ay nagulat. Kinalas ko na ang kamay ko sa kanya at umupo sa upuan ko.

"Uuuuyyyyy!", biglang tukso ng isang kaklase namin at sunod-sunod ng nagtuksuhan sila kay Ronin.

Syempre! Alangan naman tuksuhin nila ko, baka totoong makulam ko sila ng di oras! Badtrip! May araw ka din Ronin.

Ngiting-ngiti lang si Ronin saka nagkulitan sa mga kaklase naming boys.

Tiningnan ako ng masama ni Angelica at tinaasan ko lang siya ng kilay. Bahala nga siya sa buhay niya!

Urgh! Ang init ng ulo ko! Ang init ng panahon! Ang init! Punchingala!

"Hala nagbublush si Nana!", sabi ng isa naming kaklase.

"Gusto mong mamatay???", sigaw ko dahil alam niyo yun! Ang sama ng pakiramdam ko! Ang init, ang kati ng tiyan ko tapos parang kinikiliti pa yun, pero may something na di ko maintindihan na nagpapasakit ng ulo ko. It was so frustrating!

Tumawa si Ronin, "Cute niya noh?", sabi niya.

Nagkanchawan ulit ang mga kaklase ko at napatawa din sila.

What the hell??? Wala na bang effect ang killer look ko?? Tingin ba nila di ako seryoso at nag jojoke lang??

Putchikengkeng Ronin!

Recess at busy si Ronin sa mga babaeng nakikipagflirt sa kanya from different sections and yrs. Mukhang nagkakatuwaan sila at ang saya-saya ng mokong!

"Aba-aba...mukhang marami pa din ang in love sa charm ni Ronin ah."

"Syempre. Depende yun sa type ng girls noh. Kung gusto nila ng hot, andyan si Lance Vertiges, if gusto nila ng prince like andyan si Lowi Bustamante, if gusto mo yung genius andyan din si Iggy Hills,..marami kayang pagpipilian dito sa school natin."

"Daming papa dito noh?"

"Sinabi mo pa!"

Dinig na dinig ko pa din ang ganitong mga usapan kahit nagpapanggap akong tulog. Ugh! Kakasukang pagiisip naman yan! Utot ng mga yun mabaho at amoy tae ang tae nila.Anong kahanga-hanga dun?

"Knock. Knock.", katok ng isang masamang nilalang sa mesa ko. Oo masamang nilalang dahil dinidistorbo ako!

Tiningnan ko at nakita ko si Lowi na nakangiti. Umupo siya sa gilid ng mesa ko. Di namin siya kaklase pero kung makapasok siya dito parang dito siya galing.

"Ilang araw na ang lumipas at wala pa din akong natatanggap na pasasalamat.", sabi niya.

Blanko ang utak ko kaya nakatingin lang ako sa kanya. Ayokong mag-isip at isa pa, hindi ko gustong magpasalamat. Ayaw ko ng utang na loob nga di ba?

"Forget it kung nakalimutan mo na.", sabi niya.

Matutulog sana ulit ako ng itinukod niya ang hintuturo niya sa noo ko.

Napakunot-noo ako at muntikan ko na siyang itapon sa bintana dahil naudlot ang kunwaring pagtulog ko ng hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Inistretch niya iyun.

Napakurapkurap ako sa ginawa niya. Anong problema ng isang ito??? Wierdo!

"Alam mo feeling ko walang exercise itong facial muscles mo. Tingin ko hindi sila nagagamit dahil stone face ka, kaya dapat ginaganito mo mukha mo.", ngiti niya.

Anong pakealam niya sa mukha ko???

"Bibitawan mo ba ko...", mahinahon kong sabi dahil nasa room kami at ayaw kong gumawa ng skandalo dahil pag nagkataon, pangalawang skandalo ko na ito ngayong araw. Wala akong planong dagdagan to. "..o itatapon kita sa bintana."

Tumawa lang siya, "No wonder he likes you.", sabi niya.

Automatic akong napatingin kay Ronin sa labas at nakitang nakatingin siya sa amin. Halos mabali ang leeg niya habang nakapalibot pa din sa kanya ang mga tao.

"Di mo ba talaga bibitawan mukha ko??", sabi ko. Ang sama na naman ng pakiramdam ko!

"Ok.. ok..bibitawan na.", sabi niya na itinaas sa ere ang dalawang kamay. "Chillax Nana.", ngiti niya. "So...may partner ka na sa acquaintance party?"

"Not interested. Alis na.", sabi ko.

Pero di siya umalis at tiningnan lang ako. Napatingin tuloy ako kay Ronin na ngiti ng ngiti sa mga babae. Flirt!

"You hear them right?", sabi niya.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anong sinasabi ng babaeng multo diyan sa may pintuan?", tanong niya.

"May namimiss siya.", sabi ko na wala sa sarili. Nakit sinagot ko tanong niya??? Bakit???

"Really? It's a good thing but, wag mo na ulit gagawin yung ginawa mo kay Ronin na pagligtas sa kanya. Delikado yun.", sabi niya saka hinimas ulo ko at ginulo yun, "Sige bye!"

Psh! Alam kong delikado! And i swear that would be the last time! Bwesit yun! Saka bakit late reaction siya? Ilang araw na kayang lumipas mula ng insidenteng iyun!

Acquiantance party?? Tsk. A welcoming party?..as if naman welcome ako dito!

I don't care!!!

Vote2!,.haha,wala akong ginagawa kaya bilis ng update ko ngayon.. comment kayo ha!..mwah!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon