Pagtutuos

68 2 0
                                    

"Inumin mo muna to.", sabi ni Lowi na ibinigay sakin ang tsaa.

Tiningnan ko lang yun. Wala akong lakas na kunin yun sa kanya pero pinilit ko yung abotin kay Lowi. Pinilit ko ding uminom. Nagbabakasakaling kapag ginawa ko yun ay magkaroon ulit ako ng lakas. Dahil kailangan na kailangan ko yun ngayon. I desperately need strength.

"I think you need to stop Nana. Kami ng bahala ni Ronin dito.", sabi pa ni Lowi.

"No. Ngayon mas kailangan kong tapusin to. Tapusin ang mga ginawa ng kapatid ko.", sabi ko.

It tasted bitter ng sinabi kong kapatid ko si Joy. Di ko masikmura na may ganoon akong klaseng kapatid. Sang impyerno ba siya isinilang ng ina niya?

Shit.

Di ko lang talaga matanggap lahat ng ginawa niya ngayon at mga ginawa niya noon. Tao pa ba siya sa lagay na yan??

"Kailangan mong sabihin sakin kung anong plano niyo ni Ronin.", sabi ko pa.

Bumuntong hininga si Lowi.

"Di na ba tlaga kita mapipigilan?"

"Not now Lowi."

Napayuko siya at saglit na nag-isip. Saka tiningnana ako at napabuntong hininga ulit.

"Ok. Plano naming ilabas ang papa ni Ronin sa hospital na yun. Itakas siya. Ng sa ganun wala na siyang panghawakan laban kay Ronin. Then we are going head on head with her. Sabi ni Ronin limang tao lang ang meron siya.Kaya na namin yun kung tutuusin. I'll ask help sa iba pa."

"No.", sabi ko, "Wala ka ng iba pang idadamay dito. Not your friends. I have better plans. Yung ako ang hahabulin niya. Ako ang haharapin niya. Kami ang magtutuos. I'll fight this time."

............................................................

Napahagalpak ng tawa si Joy ng natapos ako ng kwento ko. She was laughing really hard na nagmumukhang pilit ito.

"So ano...ohhhh...nakakatakot naman. Alam mo na ang lahat, wow...", tawa pa din niya.

"Dapat lang matakot ka. Dahil alam na to ngayon ng papa mo...or rather...ng papa natin."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya at tinignan ako ng masama. Unti-unting nanglaki ang mga mata nito at napabuka ang bibig niya sa gulat. Kitang-kita ko ang pamumutla niya.

That face is precious. Gusto kong matawa.

"Anong sabi mo?", napapilig ang ulo niya at linapitan ako, "Ano nga ulit yun?"

"Game over Joy. Alam na ng ama mo lahat ng ginawa mo. Pati ang pagpatay mo sa kapatid natin.", sabi ko pa.

Napasigaw na lang siya bigla at nagwala doon.

"Hindi!!!!", paulit-ulit niyang sigaw.

Umalingawngaw pa ulit ang sigaw niya. Nakakabingi iyun. And i wonder if naputol na ba ang ugat niya sa leeg niya. Sana nga!

Hinablot niya bigla ang baril ng isa sa mga lalaki doon na nakalagay sa bewang nila. Agad niya iyung itinutok sakin.

"Papatayin kitaaaa!!!"

"Sorry ma'am.", tinutuok ng isang lalaki ang baril kay Joy.

Tinutok din ng dalawa pang lalaki ang baril nila sa dalawa pang lalaki doon. Itinaas naman ng dalawang lalaki ang kamay nila.

"Anong ginagawa niyo??", sigaw ni Joy.

"Mas malaki bayad ng papa mo ma'am. At mas maliit na sentensya ang matatanggap namin kapag ginawa namin to.. Sagot pa niya ang pamilya namin.", sabi ng isang lalaki.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon