ate

81 1 0
                                    

~Ugh! Im sorry guys! Nakalimutan ko sa past chapters ko na di pala nakakarinig si Lowi. I will edit it soon. Nakalimutan ko lang talaga..So sorry...Lets make it na nakakarinig din siya ok? Kailangan kasi dito eh..~

Anong pakiramdam kapag sinapak ka? Sobrang sakit na nawawalan ka ng ulirat saglit. Lasang dugo na ang bibig ko at gulong-gulo na ang buhok ko na tinatakpan na ang mukha ko. Di ko na maramdaman ang isang paa ko dahil sa paghataw nila ng kahoy doon. At dahil hindi na ko nakaupo ngayon kundi nakalambitin na isang dangkal mula sa lupa, sobrang sakit nA ng mga kamay ko na siyang sumasalo sa bigat ko.

"Ba't hindi man lang to sumisigaw?", pagtataka ng isa sa mga lalaki.

"Di ata malakas ang ginagawa mo."

"Anong di malakas? Tingnan mo nga ang itsura niyan. Lasag na oh."

"Tsk. Tama na yan. Pag masyado niyong tinodo tayo pa mapagalitan."

"Tibay kasi nito eh."

Narinig ko na naman ang yabag ng sapatos ni Joy. Di ko na siyang magawang tingnan dahil nanghihina na din ako. I decided to close my eyes.

"Sabi ko dahan-dahan lang di ba?? Mga bobo!", sigaw ni Joy, "Tabi nga!"

Naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Hinawakan niya ang mga parteng masakit sa katawan ko. Ang mga parteng pinalo ng mga lalaki sakin. Napakagat ako sa labi upang pigilan ang paghiyaw ko. Narinig ko ang pagtawa nito. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng sound ng pagkuha ng litrato.

Sh*t!

Napatingin ako sa kanya.

"Say cheeeeeese!",sabi pa nito sakin. "Ok! Send!", ngiti niya.

"K-kanino?", halos mangatal ang boses ko.

"Kay Ronin.",simple niya lang wikA.

Bumilis ang paghinga ko at napaiyak. No...not Ronin! Mag-aalala yun! Mahihirapan yun!! Hindi...baka hindi niya kayanin.

"Walang hiya ka!!!!", sigaw ko, "Papatayin kita!!"

"Awww..how sweet.", ngiti nito, "Kaninang pinapahirapan ka ang tahimik mo. Kapag si Ronin na bumibigay ka talaga noh? Kaya nga kinuha kita dito eh. Alam ko kasi pag sinaktan ko si Ronin emotionally, mas masasaktan ka. Eh di double kill di ba?"

"Mamatay ka na!!!", sigaw ko pa, "Susunugin kita hayop ka!!", at napahagulgol na ko ng iyak.

Not because of the pain na nararamdaman ko sa buong katawan ko but because i know mababaliw na si Ronin ngayon. Wasak na siya tapos wawasakin ko pa! Durog na durog na siya ngayon! Kailangan niya ko! Kailangan ako ni Ronin pero binibigyan ko lang siya ng dagdag na problema! I need to stay alive. Hindi ko siya pwedeng iwan. Kailangan niya ko. Ako na lang ang meron siya ngayon.

Napatawa siya, "Eh di subukan mo."

Nagring ang phone niya. "Ohhh...look who's calling.", ngiti niya sakin saka sinagot ang tawag, naka loud speaker yun.

"Hello."

"Please Joy. Wag mong...", pigil ang hininga ni Ronin sa kabilang linya, pinipigilan ang pag-iyak, "Please wag mo siyang saktan."

Bumuhos ang mga luha ko ng narinig ko ang boses ni Ronin. I was scared for him. Baka anong gawin niya.

"Ok. Madali naman akong kausap eh.", sabi ni Joy, "Papatayin ko na siya sa susunod kong picture na ipapadala. Promise, walang sakit."

"Hindi!!!", sigaw ni Ronin at biglang bumilis ang paghinga niya, "Anong gagawin ko? Susundin ko lahat! Please....wag si Nana! Nagmamakaawa ako.", tuluyan ng umiyak si Ronin, "Lahat...lahat gagawin ko. Please! Wag lang siya. Hm?"

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon