Shot

139 3 0
                                    

Pagkatapos ng kanta ni Ronin sakin ay nagpaalam agad ako ky Lowi na magsi-cr lang. Kailangan kong ayusin ang sobrang gulo kong damdamin.

Although alam ko na ang nararamdaman ko, pipigilan ko pa din to. Ayoko ng magulong buhay. Ayoko nito! Kahit kelan di ko ginustong ma in love sa kung sino man. Noon pa man inihanda ko na ang sarili ko na tatanda akong dalaga. Nandun na naka set ang mind ko. Sa ganung future.

Pagpasok ko ng cr tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na ikinagulat ko. Ngayon ko lang nakita sarili ko simula ng umalis ako sa bahay. Kaya pala...ganun na lang sila makareact sakin. Ang ganda ko nga naman. Siguradong maiinlove si Ronin sa mukhang ito! And i won't let that happen!

Naghilamos ako dun at tinanggal ang make-up ko. Ang hirap matanggal ng una pero kinuskos ko yun ng matagal hanggan sa tuluyan ng nabura ang lahat.

'Good.', sabi ko sa sarili ko ng matanggal na lahat. "No. Better!"

Palabas na sana ako ng nakita kong pumasok si Angelica. She's a pretty slut sa suot niya.

"Enjoying the night Nana?", mataray niyang wika.

"It's good.", sabi ko lang at aalis na sana ng nagsalita pa siya.

"Hindi ka bagay sa kanya Nana.", sabi pa niya, "Kapag nagtagal ka sa tabi niya you'll be ruining him."

Wow naman! Ako pa yung sisira sa buhay niya eh yung Ronin nga na iyun ang sumisira sa tahimik kong buhay ngayon eh!

"Baliktad ata. Ang alam ko siya ang sumisira sa tahimik kong buha---"

"Oh please Nana! Matagal ng sira ang buhay mo. You're this freak, wierdo, mangkukulam, demonyita and asshole bitch! Ganun ka na simula pa lang. But Ronin? Can't you see kung anong meron siya? Kung ano siya para sa ibang tao? So back off Nana! Di kayo bagay!", medyo hiningal pa siya sa sinabi niya iyun.

Tinaasan ko siya ng kilay, "I would appreciate kapag si Ronin ang sinabihan mo niyan. Siya naman kasi itong habol ng habol sakin kahit pilit ko siyang iwasan."

"Pilit iwasan?", sabi niya na mas lumapit sakin. "C'mmon Nana. Everyone knows gusto mo din ginagawa ni Ronin."

Tiningnan ko siya ng masama at lumapit din sa kanya. Nagtitigan kami ng matagal at maya-maya pa ay napapaatras na siya. Pero di ko siya pinakawalan. Tiningnan ko pa din siya hanggang sa matunaw siya.

"I pitty you Angelica.", sabi ko, "Kahit anong gawin mo di ka magugustuhan ni Ronin, kahit anong sabihin mo di magbabagong di ka pa din niya gusto. Ako, kahit wala akong gawin, parang baliw siyang sunod ng sunod sa kin. You're just this bitch ex who can't accept the fact na hiwalay na kayo ni Ronin. Di ba nakakaawa ka? Subukan mo kayang maawa sa sarili mo minsan."

Napabuka ang bibig niya pero di siya nakapagsalita.

I won!

Sabi ng di ako ang klase ng taong nagpapatalo eh!

Tumalikod ako at iniwan siyang nakabuka pa din ang bibig.

.................................................

Bumalik ako at tapos ng tumugtog  ang banda nila Ronin. Isang disco lights ang nasa gitna ng gym at marami ng nagsasayawan sa gitna nun. Sobrang lakas ng music.

Nakita ko si Ronin na nakikipag-usap sa mga barkada ata ni Lowi dahil mukang masayang-masaya sila na nag-uusap doon sa isang sulok.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng tiyan ko kaya dumiretso na ko sa buffet ng pagkain na nandoon pa din. Iilan na lang ang kumakain. Kumuha ako ng isang plato at inilagay sa pinggan lahat ng di ko pa natikman kanina.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon