"Mommy sino po yung bago nating maid?", tinuro ko yung babaeng nakatayo at nakatalikod sa pingganan namin.
Tiningnan ako ni mommy na may takot sa mga mata. Gulat na gulat siya at unti-unting namutla.
Pagtingin ko sa maid ay naglalakad na ito palapit sa amin. Di ito ngumingiti at alam kong galit siya. Di ko alam kung bakit pero galit siya. Tumayo siya sa likod ni mommy.
"Mommy oh! Tinitingnan ka niya ng masama!", turo ko sa maid na nasa likod nito.
Nanigas si mommy.
"Tumahimik ka Nana! Ano ba yang mga pinagsasabi mo?", saway niya sakin. "Di ba sabi ko tigilan mo na yan?", Patakbo siyang umalis at pumunta sa kwarto namin.
Bakit ganun? Bakit takot si mommy sakin? Ano bang nakakatakot sakin? Palagi niya na lang siya ganito. Palagi na lang siya ganun makatingin sakin.
Tiningnan ko ang bago naming katulong at naglakad ito paalis.
"Asan ng apo ko??", narinig ko ang boses ni Lola.
Agad akong tumakbo papuntang pintuan at sinalubong siya ng yakap.
"Lola! Andito na po ulit kayo!", masaya kong wika.
Pinaghahalikan niya ko sa pisngi.
"Ang baho ng apo ko ah!", ngiti niya.
Tumawa naman ako.
"Lola may bago po kaming katulong.", sabi ko at nagpalinga-linga. Nakita ko yung katulong namin na nakaupo sa sofa. "Ayun oh!", turo ko.
Tiningnan ni lola ang sofa. Ngumiti ito at bumaling sakin. Hinalikan pa niya ko ulit.
"Ligo na tayo?", sabi niya.
......................................................
Nagmulat ako ng mga mata. Tiningnan ko ang relo. It's 3:15 in the morning. Bumangon ako at umupo lang sa kama.
Bumalik na naman ang mga panaginip ko tungkol sa lola ko. Pero ngayon, hindi ko na maramdamang maging malungkot. Masaya na ko kung asan man siya ngayon. Although i still miss her so much.
"Having nightmares?", narinig kong sabi ni Ron2.
Doon ko lang napansin na nakatayo siya sa may bintana. The perks of being a ghost. Di sila natutulog. They don't have a sense of time. Wala silang ganun.
Lumapit siya sakin.
"Gusto mo kantahin kita para makatulog ka ulit?", ngiting-ngiti niyang tanong.
"No!", agad kong sabi. Without his guitar mukang tae siya kumanta. Ang pangit ng boses.
Tumawa naman siya, "Akala ko ba gusto mo yung kanta ko.", sabi niya.
"Tumahimik ka nga!", sabi ko na naalala yung mga pinagsasabi ko nung gabing nalasing ako. Naramdaman ko pamumula ng mukha ko kaya binato ko siya ng unan.
Tawa lang siya ng tawa.
"Pero may seryoso akong tanong. Anong nangyari at mukhang galing ka ng iyak kanina? May ginawa ba si Lowi sayo?", tanong niya, "Sabihin mo lang gugulpuhin ko talaga yun!"
"Psh! Angas mo din noh?!", sabi ko pa.
"Ano naman?? Kaya ko naman siyang hampasin ng vase sa ulo."
Tiningnan ko siya na para siyang baliw.
"Pag-aaralan kong hawakan!", depensa niya, "Watch and learn."
Napailing na lang ako. Wala talagang kwentang kausap ang isang to! Humiga ulit ako sa kama para matulog.
"Sigurado kang ayaw mong kantahan kita?", tanong pa niya ulit.
"Shut up!", sabi ko.
........................................................
"Alis na ko mom!", sigaw ko saka lumabas ng pintuan.
"Kung ano mang mangyari mamaya sa school, wag kang mag-alala, nandun din naman ako eh. As i said, proprotektahan kita.", sabi ni Ron2 sakin na sumusunod sakin habang palabas ako ng gate.
Di ko na lang siya pinansin. Una, kaya ko ang sarili ko. Pangalawa, di na ito bago kaya gagawin ko kung anong dati ko ng ginagawa. And di pansinin at makealam sa kung ano mang sabihin ng ibang tao.
"Bye! Ingat ka ha!" , sigaw niya.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng napahinto ako. Sa harapan ko kasi, nakatayo si Ronin habang hawak-hawak niya ang bike niya. Ngumiti kagad siya ng nakita ako.
"Good morning!", bati niya.
"At anong ginaga---", napahinto ako. Ugh! Mag aaksaya na naman ako ng laway sa tanong ko eh halata naman ang sagot. Patay na patay kasi ang isang to sakin eh!
"Stalker na ba kita?", tanong ko na tinawanan lang niya. Kala ata niya nagbibiro ako.
"Cute.", ginulo niya ang buhok ko, "Sakay na.", saka niya tinapik ang sakayan sa likod ng bike niya.
I rolled my eyes at naglakad na palayo. No way na sasakay ako sa kanya! Exempted yung time na nalasing ako dahil wala ako sa katinuan ng mga panahong yun!
Sinundan na lang niya akong maglakad habang tulak-tulak niya ang bike sa tagiliran niya.
"Kapag may kotse na ba ako sasakay ka na kapag inalok kita?", tanong niya.
Pinili kong di magsalita. Walang kwentang tanong kasi.
"Kaya pala kapag si Lowi nagyaya sayo sumasakay ka kasi kotse yung sa kanya.", patuloy niya.
Napalingon ako sa kanya.
"Pinapalabas mo ba akong materialistic?", inis kong wika. Ano ako cheap??? Ganun ba yun para sa kanya??
"Di bale, pag yumaman ako ikaw ang una kong pasasakayin sa kotse ko.",
Agad ko siyang binatukan.
"Yang bibig mo ha! Tatahiin ko talaga yan!", galit kong sabi.
Napakamot siya sa ulo niya pero nakangiti pa din ito.
"Mamaya sa school...", sabi niya ulit, "..kapag may nangyari mamaya sa school...ano...uhmmm.."
"Oo na! Alam ko.", putol ko sa sasabihin niya. Sinabi na ni Ron2 sakin! Paulit-ulit?? Bakit ba ganito buhay ko??
"Alam mo??", gulat niyang sabi.
Haist!!!! Kaasar! Kailangan ko ba talagang iexplain?? Bahala nga siya!
"Nababasa mo bang iniisip ko? Alam mo talaga? Baka hinuhulaan mo lang eh...pero pano mo mahuhulaan? Teka...di mo alam eh, ikaw talaga. Ayaw mo lang sabihin ko...well, gusto ko lang sabihin na kung ano mang mangyari mamaya sa scho--"
"Kapag umangkas ba ko sa bike mo tatahimik ka at di mo ko kakausapin??"
Nanlaki naman ang mga mata niya at mukhang tuwang-tuwa.
"Talaga?",
"Pero di mo ko kakausapin ok?"
"Sure! Teka lang.", may kinuha siya sa bag niyang perfume saka inispray sa likod niya, "Para pag inamoy mo ko mabango ako!", at kinindatan pa niya ko.
Grrrrr!!!!! Tinadyakan ko bike niya. Di naman yun malakas kaya napatawa lang siya.
"Sakay na sa porsche ko!"
Sumakay din naman ako. Agad kong pinagsisihan yun dahil kahit di niya ko kinakausap, kumakanta naman siya. Ang malala, yung kaninta pa niya nung party. Pero mas di ko kinaya ang bango niya! Sa sobrang bango ang sarap itulak! Letsugas ni Facundo na walang kilay! Nararamdaman ko na naman ang pagwawala ng buong katawan ko! Mas lalo ko siyang nagugustuhan!!!
Uuuurrrggghhhhh!!!!!!!
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..