Ng inilagay ako ni Ronin sa upuan, agad niyang tiningnan ang paa ko.
"Imamasahe ko ha. Medyo masakit to kaya tiis ka lang ng konti.", sabi niya sakin.
Inikot-ikot niya ang paa ko saka minasahe ito. Sobrang sakit pero di ko na ipinahalata.
"Minsan akong tinuruan ng papa ko.", kwento niya habang pinapatuloy ang ginagawa niya sa paa ko. "Palagi kasi akong naiinjury sa paglalaro ng basketball kaya madalas niya kong gamutin. Pati na rin ng kuya ko. Ayan...ok na.", sabi niya saka tumingala sakin, "Masakit pa ba?"
Umiling ako. Ok na siya kesa kanina. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa papa at kuya niya pero di ko ginawa. Kasi kapag nagtanong ako, ibig sabihin hindi na ako yung dating si Nana. And i will never let that happen.
"Good.", sabi niya at umupo na sa tabi ko.
Nagsimula siyang makipagkwentuhan sa mga taong nasa table namin. Mga anim din kami dun which means tatlong magpartner per table. Di nagtagal ay napuno ng tawanan ang mesa namin dahil sa kadaldalan at kakulitan ni Ronin.
Di talaga maiiwasan. Siya yung tipong napapasaya at nagbibigay saya sa kahit sinong taong makasalamuha niya. Siya yung tipong kahit ayaw mong ngumiti ay mapapangiti ka niya. Nakakahawa ang presence niya...ang ngiti niya...ang aura niya.
And i hate that he likes me when i'm like this! Ano yun?? Tanga lang siya?? Di niya makita kung gano kami kalayo sa isa't-isa??
Urgh!
Gago ka Ronin! Magsama kayo ni Ron2 na parehong may tuliling!
"Hey.", bahagya niya akong siniko,
"You're grumpy again."
"Will you just ignore me?", sabi ko na sobrang inis.
Alam kong nakatingin lahat ng nasa table samin ngayon.
Pero tinawanan lang ako ni Ronin as usual saka ginulo ang buhok ko.
"Pasensyahan niyo na siya guys. Hilig lang talaga nito magpa cute."
Napangiwi ang ibang tao doon sa mesa na ng tiningnan ko pa ng mabuti ang mga mukha, doon ko lang napansin mga kaklase namin sila.
"But ang ganda ni Nana ngayon di ba?", sabi pa ni Ronin.
What the packing you Ronin! Dapat ba yang sabihin sa harap ng maraming tao? Gusto ba niya akong mapahiya???
Pero biglang lumapad ang ngiti ng bawat isa doon. Saka they all agreed na nag-iba daw talaga ang mukha ko. Na di daw nila ako nakilala ng una...na they were surprise and shock to see me...na bagay sakin ang damit at kung ano-anu pa. Tinanong pa nga nila ako kung san daw ako nagpa make-up, san ko binili ang damit ko at bakit ko naisipang magsneakers at kung anu-ano pa pero iling lang ako ng iling.
They were all treating me the way they treat Ronin. Smiling and never getting scared. Like iba akong Nana. Yung hindi nakakatakot...yung normal na Nana. I looked at Ronin na nag saside comment sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sakin. Nagtatawanan sila. And while looking at that table. It's as if i belong. It's as if normal akong tao doon.
Ronin has really good influence on people. And it's amazing...no wonder people call him the cool guy.
Nagproceed pa ang party ng mga introductory speech ng kung sinu-sinong tao. Then after ng kainan nagstart na ang ilang mga dance and song performance ng iba't-ibang grupo. Then may slide shows and in between announcements lalo na sa mga first years and mga transferees ng school.
"Hey.", bulong ni Ronin sakin bigla, "Uhm..iiwan muna kita ha, saglit lang ako so don't move an inch.", ngiti niya.
Napatango naman ako ng wala sa oras. Ngitian ka kaya ng ganun mawawala ka talaga sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
I don't Care!!
RomanceHer own world is going smoothly tulad ng gusto niya at plano niya. But when he came crushing through her world, how devastated would she be? Lalo na ng may kiliti siyang nararamdaman sa lalaking nakapasok sa sarado niyang mundo..