Feelings

90 2 0
                                    




"Nakikinig ka ba sa mga sinabi ko??", gulat kong wika at iniiwas ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Yep! Dinig na dinig ko kung gano mo ko kamahal na prinoprotektahan mo ko.", ngiti pa niya, "And im thankful but i don't need it."

Naibuka ko ang bibig ko sa gulat sa mga narinig ko. Hindi ito yung iniexpect ko na mangyari.

Naguguluhan ako kung bakit ganito ang mentality ni Ronin ngayon.

"Mamamatay ka Ronin.", sabi ko pa, "Buhay mo ang nakasalalay. Kailangan mo kong iwasan. Di ka ba natatakot? Naiintindihan mo ba ang sitwasyon? Hindi ito biro. Tingin mo ba di totoo ang mga sinasabi ko?"

"I don't care. I don't care if i die.", seryoso niyang sabi.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko na di ko  pa namalayan kung di pa niya iyun pinunasan. Then he smile and caress my face. Gusto ko yung sensasyon. Ang init ng kamay niya. Im thinking of hugging him now.

"What's the difference with my life without you? Parang patay din naman ako kung wala ka. Masaya ako sa piling mo. Ugh! It's so cheesy but masaya na ko ngayon. At ayokong iwasan mo ko. Mamamatay din naman ako sooner or later so ok lang if it will be sooner. As long as kasama kita."

Narinig ko na ang linyang iyan. Right. Kay Ron2. Noong sinabi ko sa kanya ang lahat. Magugulat pa ba ako? Eh iisa lang din naman sila.

"So pano ako?", sabi ko at napaiyak na. Di ko mapigilan. Sobrang sakit isipin kapag wala na si Ronin. Di ko kayang isipin yun, "Anong mangyayari sakin kapag nawala ka na? Maiiwan akong--mag---isa.", napahikbi na din ako sa kakaiyak.

Di ko na alam kung anong mukha ko. Siguro ang pangit-pangit ko na. Parang baliw na ko tingnan.

"How could you say na it's ok na mawala ka? Ganun na lang ba ang tingin mo sa buhay mo? Ronin it's your life. Di ito basta-basta.", tinakpan ko na ang mukha ko at umiyak pa.

I don't even know now why i'm crying. Ang alam ko lang di ko sila mapigilan sa pag-agos. Di ko maiwasang isipin kung panaginip lang ba ang lahat ng to. Yung mga narinig ko galing sa kanya, yun naman talaga ang gustong-gusto kong marinig kaso, ngayong narinig ko na, ang hirap pa din paniwalaan.

How could someone love me so much more than his life??? It's not even possible.

But ang sad part lang din ay natutuwa ako. How selfish is that?

"Mamamatay ka din naman ah."

Napahinto ako sa pag-iyak at napatingin kay Ronin.

"Anong sabi mo?", tanong ko.

"Iniiyakan mo ang buhay ko eh ganun ka din naman. Mamamatay ka din soon."

Di ako makapaniwalang sinabi niya yun. Putregis ng buntis na kabayo.

Pinahid ko ang mga luha ko at tiningnan siya ng maige. Pero seryoso talaga siya sa sinabi niyang iyun.

Pero come to think of it...totoo naman talaga di ba? Mamamatay din ako. Tama nga naman siya. Bakit ko iniiyakan ang buhay niya o ang kamatayan niya kung ganun din naman ang mangyayari sakin sa hinaharap.

"Mauuna lang ako sayo.", sabi pa ni Ronin, "Pero di naman ibig sabihin noon ay matatakot na ko. Kung ganun nga ang mangyayari, eh di tatanggapin ko. I would live my life to the fullest. With every second na masaya, walang inaalala, malaya. Anong silbi ng isang napakahabang buhay kung puro sakit, kalungkutan at pagsisisi ang dinaranas mo. It would be just like hell. Equivalent to a life without you."

"But---", napahinto ako ng naramdaman ko na lang bigla ang labi niya sa mga labi ko.

I thought the time stopped. I thought my heart stopped beating. Ni di ko na maipikit ang mga mata ko. His lips is warm and soft.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon