Hands

167 3 0
                                    

"Nana.", pumasok sa kwarto ko si Ron2.

Di ako nagsalita at naglaro lang ng games sa phone ko. Lumapit pa siya at sinilip ang linalaro ko. Akala ko sasabihan niya ko ng mga words of wisdom o pangaralan o whatever pero nakilaro lang din siya sakin. Kumislap ang mga mata niya sa panonood ng candy crush ko.

Bakla ata to eh. Oo, bakla yung mga lalaking nahihilig sa candy crush. Di ba dapat yung mga tipong dota ang magustuhan nila?

Tinuturuan pa niya ko eh samantalang ngayon lang niya nakita ang larong to.

"Pwede pa laro?", sabi niya.

"Kapag nahawakan mo bakit hindi?", sabi ko. As if naman kaya niya.

Sinubukan naman niyang hawakan pero tumatagos lang kamay niya.

"Hirap naman maging multo eh!", sabi niya, "Pero ang saya kapag tumatagos ka sa pader. Tapos nalalaman mo mga sekreto ng mga tao sa paligid. Mas masaya sana kung nakakalipad ako at nakakalabas sa bahay na to. Bakit kaya ako nakakulong noh? Ano to sumpa?"

"Posible.", sabi ko lang.

"Bakit? May nagawa ba akong kasalanan?? Masama ba akong tao? Hindi naman ah! Bait ko nga eh.", sabi niya saka naglakad papuntang cabinet ko.

"Di rin noh.", sabi ko.

"Ba't ang sama mo?"

"Ba't ang saya mo? Eh multo ka na nga. Patay ka na at di na mabubuhay pa. Wala ka pang alaala. Tapos masaya kapag tumatagos ka sa pader? Baliw ka ba? Ano ang masaya dun?"

Tinitigan lang niya ako at agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Bakit ganito? Ba't parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko? Bwesit! Kailan ko ba binawi ang mga sinabi ko? Bahala nga siya!

Tiningnan ko siya ulit na nakatingin pa din sakin pero nakangiti na siya ngayon. Halatang hindi ganun kasaya ang mga ngiti niya.

"Baliw nga siguro ako.", sabi niya.

Putangilasusu Ron2!

Nakakapanghina yang sinabi mo! Pakiramdam ko tuloy kasalanan yung sinabi ko eh totoo naman lahat yun! Totoo naman talaga di ba?

"Nana kain na!", sigaw ni mommy sa ibaba.

"Opo!!", sigaw ko din at tumayo na para tumungo sa baba.

Pagpihit ko ng doorknob nagsalita ulit si Ron2. At dahil ayoko siyang lingunin, nakinig na lang ako habang nakatalikod sa kanya.

"Alam mo, nagtataka din ako kung ba't ako masaya nitong mga nakaraang araw.", sabi niya sakin.

"Kung bakit ang dali para sakin na tanggapin ang kalagayan ko. Wala akong masisi dahil wala akong alaala. Pero kahit ito ang meron ako ngayon, alam mo ba, masaya pa din ako dahil nakikita mo ko, nakakausap mo ko, nahahawakan mo ko, tinutulungan mo pa nga ko di ba? Basta't di ako nag-iisa, basta't nandyan ka, masaya na ko."

"Alam mo, para sa isang multo. Ang drama mo.", sabi ko.

"Haha! Well that's me!", sabi niya at lumabas na ko ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto agad akong napahawak sa tiyan ko. Bakit parang kinikiliti na naman ako? May sakit ba ko sa tiyan? Ma search nga minsan ang sakit na to. Bwesit! Maka CR nga mamaya.

Mabilis akong naglalakad papunta sa room ko. Nararamdaman ko kasing may sumusunod sakin sa likuran ko at parang alam ko na kung sinu yun.

"Goodmorning Nana!", bati niya sakin habang mabilis ding naglalakad sa tabi ko, "Bilis nating maglakad ah! Nagmamadali ka na---"

"Pst! Ronin!", kaway ng isang babae.

"Hi!", kaway din  ni Ronin, "Blooming ah!"

"Pare! Gwapo natin ngayon ah!",

bati ng nakasalubong namin.

"Langya ka! Nababakla ka na naman sakin!"

Tumawa lang ang lalaki.

"Wazzup yow!",

"Break it down yow! Haha!",

"Woi! Utang mo!"

"Utot mo blue!"

"Hi Ronin!",

"Hey!"

Argh! Bakit ba ganito palagi umaga ko?? Bwesit ka Ronin!

"Nakagawa ka na ba ng assignment Nana?", tanong niya sakin pero di ko pinansin, "May quiz daw tayo sa Math pero di ako nakapag-aral. Napagod ako sa praktis namin kagabi. Buti na lang di ka sumama dahil natagalan talaga kami. Pero dahil----"

"Ronin adik! Sandali!", tawag ng isang lalaki.

Napahinto siya at masaya na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "Wait.", sabi niya sakin.

Napakurapkurap ako sa ginawa niya. Anong wait??? Hihintayin ko siya?? Mukha ba akong nanghihintay??

Wait???

Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko pero hinawakan niya ito para i.inter twine sa mga daliri niya.

Napatingin ako sa kamay namin at natulala dito. Pero unti-unti din napuno ng galit ang katawan ko.

"Para di ka na makatakas.", ngiti niya na itinaas ang kamay niyang may hawak sa kamay ko.

"Ano ba yun Brad?", tanong ni Ronin sa lalaking tumawag sa kanya kanina at nasa harapan na namin ngayon.

"Wala lang. Gusto lang kitang tawaging adik.", tawa niya. Tapos bigla siyang napaatras ng nakita akong pinapatay sa titig si Ronin.

"Ah, si Nana Dizon pa la Brad. Nana si Brad Dela Cruz. Brad talaga pangalan niya kaya Brad itawag mo.", sabi niya sakin.

Di ako umimik at pinapatay pa din siya ng titig pero parang di niya iyun pansin. Si Brad lang ata nakapansin.

"H-hi...", alanganing sabi ni Brad sakin.

Napatingin ako sa kanya at muntikan na siya tumakbo.

"A-alis na ko Ronin ha. Bye!", at dali-dali na siyang umalis.

"Nung problema nun?", sabi niya saka siya bumaling sakin na ngiting-ngiti.

"Pasok na tayo?", sabi niya.

"Bibitawan mo ko o susuntukin kita?", sabi ko.

"Susuntukin mo ko o yayakapin kita ulit dito?"

Napakurapkurap ako sa sinabi niya.

Grabe!!! Grabe!!! Sobrang grabe!!! Ang lakas ng apog ng lalaking ito!!! Putingalasoso! Faustino Purtiges!!! Ggggrrrrr!!!

Tumawa naman siya.

Iniinsulto ba niya ko?? Tinawanan niya ako? Mababaliw na ko!!!!

"Tara na?"

Aaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!

Ronin!!!!!!!

Yep..Si Brad din yun sa Chances ko.. Haha,dami nila kasing magbabarkada. Trip ko lang talaga sila ilagay. Hahaha!

Vote please!tnx!

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon