Atleast

125 5 0
                                    

"Batiin mo naman  ang papa ko.", sabi sakin ni Ronin.

Batiin? Pero wala na. This is just a dead body. Alam kong wala na talagang nakatira na kaluluwa sa katawan ng papa niya. Matagal na akong nakakakita kaya alam ko! Tulad sa mga lamay na nakikita ko, yung mga taong nasa kabaong at wala ng kaluluwa. Ganun ang nakikita ko ngayon.

"Pasensya na po pa. Mahiyain lang itong si Nana.", sabi naman ni Ronin.

"H-hi po.", sabi ko.

"Wag ka na kasing mahiya. Simula ngayon, ituring mo na din ang papa ko na close mo tulad ko.", ngiti niya at may kinuhang suklay sa bag.

"Kakahiya talaga papa ko. Di nag-aayos.", saka siya lumapit at sinuklayan ang buhok nito, "Ayan! Kasing gwapo na kita papa. Mana ka talaga sakin."

Pano ka sasabihin? Kailangan niyang malaman. Pero kapag sinabi ko alam kong di naman niya ko paniniwalaan. At sa oras na aminin ko sa kanya ang kakayanan kong makakita, alam ko...tulad ng ibang tao, mag-iiba din ang tingin niya sakin.

Teka nga pa la...bakit ko naman iisipin kung anong tingin niya sakin?? Oo nga naman pala! Ito na ang tamang panahon para layuan niya ko di ba? Bakit ang tanga ko?? Bakit di ko naisip ito?? Hinintay ko pa na ma in love ako sa kanya! Hinintay ko pa talaga!

Letsugarengreng ng bulalo ni Facundo!

"Ang papa ko na lang ang meron ako.", sabi bigla ni Ronin.

Di na ko nakapagsalita pa. Napatigil ako sa sinabi niya.

"Wala na si mama, ang kuya ko, at ang bunso namin. Pumanaw na silang lahat. Kaming dalawa na lang ang nandito.", nagpatuloy pa ito sa pagsasalita, "Mag-iisang taon na siyang nasa coma ng nabangga ang minamaneho niya. At hanggang ngayon di pa siya nagigising. Pero di ako nawawalan ng pag-asa, alam ko balang araw magigising siya. Stable naman din kasi ang kondisyon niya, ayaw lang niyang magising. Sabagay, ilang taon na din siyang naghirap kaya siguro nagpapahinga lang siya. Pero alam ko kapag tapos na siyang magpahinga dun, babalik pa din siya."

Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan. Yung bigat na nararamdaman ko mula sa ibang multo ay nadagdagan ng kalungkutan ng narinig ko yun kay Ronin. Naalala ko minsan ang sinabi sakin ni Ron2. Na ayaw niyang mag-isa dahil yun ang pinaka malungkot na bagay na pwede niyang maramdaman. Ayaw nilang mag-isa pero eto ngayon silang dalawa na parehong nag-iisa sa buhay.

Hindi ko masasabi kung pareho ba kami ng nararamdaman dahil kahit sabihin kong mag-isa lang ako, literally speaking may ina naman ako. At iyun ang ikinaangat ko sa kanilang dalawa. Di naman ako manhid masyado para di mapansin ang ina ko. Iyun nga lang dahil physically nandyan siya, emotionally di ko naman maramdaman pagmamahal niya.

Pero silang dalawa. Wala lahat. Dahil kahit iniisip nilang nandyan pa ang papa nila, ang totoo, wala na. Wala na talaga.

"Pwede na ba akong umuwi?", tanong ko, "Biglang sumama ang pakiramdam ko."

"Sige. Ihahatid na kita.", ngiti niya.

.....................,...................................

Wala akong imik habang nakasakay sa bike ni Ronin pauwi ng bahay namin. May mga kinukwento siya pero tahimik lang ako.

Marami akong iniisip. Di ko na nga maintindihan ang sarili ko bakit ko pa iyun iniisip samantalang sa mga ganitong bagay, wala naman talaga akong pakealam. Kaso ngayon, di ko talaga mapigilan.

He had every reason to be lonely like me, yet he had the brightest smile i had ever seen. Yung tipong di mo iisipin na may ganito siyang pinagdadaanan. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, ano kayang gagawin ko? Tingin ko di ko kakayanin ang mga ginagawa niya ngayon. Yung ngumiti na parang ang saya ng mundo niya.

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon